BEGINNING

36 1 1
                                        

Hi, my name is Riley, I am a second year college student. Most people call me a loner, it's okay with me because I consider myself that way. I don't like to interact with people, I prefer to spend myself in reading books and studies. My goal is to be included in the ranking, that's what I'm obsessed with. I always have to be good so that they can't say bad things about me, not because what others say affects me, but it's really better that they can say good things to me.

Napatigil ako sa pagbabasa ng biglang may nagtapon ng basura sa harapan ko, right in front of my damn face.

"Ay, gago! Sorry, akala ko kasi basurahan." sabi ni Samuel sabay tawa.

Hindi ko na lang siya pinansin. I just picked up his trash at tinapon iyon sa basurahan. Ang mga ganiyang tao ay hindi dapat binibigyan ng atensyon, napaka-immature! kulang sa pansin.

Siya si Samuel, ang greatest bully at heartthrob ng campus. May tatlo siyang alagad, este kaibigan, they are Diego, Vince at Akiro.

Nasaan kaya ang mga kasamahan nito at iisa lang siya ngayon? Kaya yata nagpapapansin nanaman dahil wala ngayon ang mga alagad.

"Huy, nerd, ano ang binabasa natin, huh?"

Napairap na lang ako at isinara ang aking binabasa, ayoko sa lahat ay ginugulo ako lalo na sa oras ng pagbabasa ko.

"Ano ba ang kailangan mo, Samuel? Pwede bang lubayan mo muna ako kahit saglit lang dahil nasasayang ang oras ko."

Hindi ko alam kung bakit takot na takot sila rito, ang sabi ng iba ay napakalakas daw ng loob ko para sagut-sagotin lang sila.

Wala naman akong dapat na ikatakot, eh. Sino ba sila? Estudyante lang rin naman sila rito sa campus, nothing else. Parehas lang kaming nag-aaral, ang pinagkaiba lang ay mahilig sila na mantrip at ako naman ay wapakels.

"Answer this assignment for me." napataas kilay ako ng ilapag niya ang notebook niya.

"Last week pa ibinigay ng prof iyan, ngayon mo lang balak sagutan?"

"Sinabi ko bang ako ang magsasagot?" sabay talikod niya sakin at balik sa harapan.

Sa harapan kasi silang magt-tropa nakaupo. Ewan ko ba kung anong trip ng mga ito at nasa harapan sila eh hindi naman nakikinig sa mga lessons.

Napailing na lang ako, sobrang tamad niya talaga. Kayang mangtrip pero hindi man lang magawa ang kaniyang mga aralin, hayst!

Sinagutan ko na lang, out of ten ay tatlo lang ang itinama ko. Bahala na siya basta nasagutan ko iyon, okay na. Hindi ko na problema kung bumagsak man siya. Hindi rin naman makakapaniwala ang prof kung maperfect niya iyan kaya tama lang ang 3 over 10.

Ngingiti-ngiti ko itong ibinalik sa kaniya. "Ito na, Sir. Maraming salamat!" then I made a face.

Bakit nga ba ako nagpasalamat? because he couldn't do that. Aral ko na lang sa kaniya iyon para naman matutunan niya, hindi ba?

-

"Okay, class. Get one whole sheet of paper. We will have a test." pangbungad ng prof ng makapasok sa room.

"Tsk! Test nanaman." Rinig kong sabi ni Samuel. Wala talagang respeto.

"Yes, Mr. Aranda, may sinasabi ka ba?" tanong ng prof sa kaniya.

Pasimpleng irap lang ang ginawa ni Samuel sabay hingi ng papel sa kaniyang katabi. Pati ba naman papel ay iaasa na lang talaga sa iba, eh no?

Hindi nagtagal ay natapos na rin kami sa pagte-test, hindi naman ako nahirapan dahil nga sa nagreview naman ako. As what I have expected, Samuel is the second from the bottom, si Diego kasi ang pinakalast.

After the professor left ay nagsimula na akong mag-impake ng aking mga gamit, last period na iyong kanina.

-

"Hop in, dummy!" It was Akiro with Vince and Diego, sakay sila ng isang kotse.

Nasa labas na ako ng campus, naglalakad.

"No, thank you!"

15 minutes away lang naman ang condo ko simula rito, kaya ko naman lakarin. At sa totoo lang, ayaw ko rin naman sila na makasabay.

"Ayaw mo ba na makasama ang mga campus crush?"

'Ayoko.'

Nang hindi ako sumagot ay dumiretso na sila, narinig ko pa itong nagtawanan. Tinatamad sila na pagtripan ako dahil palagi ko lang silang hindi pinapansin. But Samuel? Nah! Walang araw na hindi niya ako pagt-tripan. I'm a bully's favorite, sabi nga nila. Marami ang nagagalit dahil nga sa paborito raw ako ng crush nilang si Samuel, kung sana nga raw ay sila na lang.

Kung gusto nilang sila ang pagtripan, edi go! Dedma lang rin naman sakin na bullyhin ako ng lalaking iyon.

Paano nga bang ako ang naging paborito ng bully?

"Hello, everyone! My name is Isabella Riley Vanidestine. 17 years old. Thank you!"

"Yun na yun? Boring." sabi ng isang lalaki sa kabilang side.

"Kailangan ba ay long speech para lang sa pag-introduce, Mr?"

"What if I sew your mouth so you can shut up?"

"Do it then. Turuan mo na rin ako kung paano, I am a fast learner. I want to do the same to you. Mukha namang expert ka sa pananahi, eh."

Biglang tayo naman siya at hampas sa desk. Pikon lang, ganon? Nagtawanan naman ang row mates niya.

"Samuel is my name, let me just remind you." nasaan pake ko?

"I didn't ask for your name, Mr. Pale face."

His eyes darkened, papatinag na ba ako? Tsk!

"A week's toy." he then smirked.

A week's toy? Ako? Laruan? Ano siya bata?

"How about you introduce yourself, Mr. Aranda?" Ani ng professor, nakakairita lang dahil every first day of school ay may paganito pa.

"Samuel Nicholas Caverio Aranda. 19. I hate wonks." Habang masama ang titig sa akin, problema ba nito?

Ang mga sumunod na araw ay sunod-sunod rin ang pang-bubully niya sa akin. Patid riyan, patid roon. Minsan umuuwi pa akong may mga bato ang bag ko, kaya pala mabigat ang bitibit ko.

Ang sabi isang linggo lang hanggang sa naging isang buwan, at ngayon ay halos dalawang taon na. Wala naman akong pakialam, talagang hinihintay ko lang na mapagod siya. Nakakaawa nga siya kung tutuusin dahil wala naman siyang napapala sa akin except sa paggawa ng assignments, palaging dedma lang.

I am Isabella Riley Vanidestine and this is my story with the greatest bully.

My Sweet Bully Stories to obsess over. Discover now