Chapter 16

1 1 0
                                    

***

Wala pang kalahating oras ay nakarating na kami sa pinakamalapit na Robinson's. Hinila ko agad siya papasok.

Habang naglalakad kami nang magkahawak ang kamay ay tinitignan kami ng mga tao. 'Yung iba ay tila bang nagtataka at 'yung iba naman ay pinagtatawanan kami. Agaw pansin naman kasi talaga itong girlfriend ko. Bakit ba kasi kailangan niyang mag-exaggerate? Pwede namang face mask na lang ang isuot niya. Lalo tuloy siyang pinagtinginan dahil dito sa holduper-like-get up niya.

Hindi na lang namin sila pinansin hanggang sa makarating na kami sa World's of fun.Noong nasa loob na kami ay agad na akong bumili ng token.

"So, saan mo gustong maglaro?" Inakbayan ko siya.

She looked around. Para bang nahihirapan siyang pumili. lyong tipong lahat ay gusto niyang unahin.

"There!" She beamed as she pointed her finger towards the basketball game. Doon ay may mga batang nagpaparamihan ng points sa pag-shoot ng bola sa basketball ring.

"Nababasa ko kasi 'yan sa mga stories ni 4reuminct. Diyan madalas naglalaro ang mga Wattpad couples na pinakilig ako dati." She told me while staring at me as if she's fantasizing the novel of the said author that I don't have any idea about.

Hinintay muna naming matapos ang mga batang naglalaro at saka kami nagtungo doon para maglaro. Nang magsimula na kami, tawa ako nang tawa dahil wala ni isa sa mga binato niyang bola ang shumoot sa basketball ring. Pinagbibintangan pa nga niya ako na baka may ginawa ako sa ring para hindi siya makashoot kahit isa.

Nagpasya na lang kaming magkaroon ng rematch. Pero ganoon pa rin ang nangyari, wala pa rin siyang nai-shoot kahit isa. Tawa ako nang tawa habang hinahampas niya ako sa braso dahil sa inis.

Matapos noon ay nagtungo naman kami sa mga stuff toys. Nagpustahan pa kami na kung sino sa amin ang unang makakakuha ng stuff toy na Kuromi ay siya ang bibili ng maraming chocolates.

Um-oo na lang ako kahit na may nakahanda na akong maraming chocolates para sa kanya. Iniwan ko ang mga iyon sa aking kotse. Balak kong ibigay iyon sa kanya kapag naihatid ko na uli siya sa harapan ng subdivision nila.

Ilang minuto ang nakalipas ay wala pa rin sa amin ang nakakakuha kay Kuromi. Albeit kayang kaya ko naman na makuha agad iyon, pinili ko na lang na magpatalo. Baka kasi lalong mainis itong isip bata kong girlfriend. Knowing her, hindi siya titigil hangga't hindi siya nananalo. And as I think about it, it happened. Nakuha niya si Kuromi.

"Panalo ak--!" Bigla siyang napahawak sa bibig nang napalakas siya sa pagsigaw. Tawa lang naman ako nang tawa habang pinapanood siyang mag-celebrate.

Nagpasya pa uli kaming maglaro ng iba pang laro. Makalipas ang kalahating oras ay napagod din siya. Inaya ko na lang siyang mag-videoke.

Nang makapasok na kami sa loob ay agad kong pinindot sa remote ang number ng paborito kong kanta na Tulad Mo by TJ Monterde. Ito ang napili ko dahil saktong sakto ito sa kung anong nararamdaman ko para sa girlfriend ko.

As I sing, I stare right into her eyes. The lyrics came out of my mouth naturally.

"Ano ang iyong pangalan? Nais kong malaman. At kung may nobyo ka na ba? Sana nama'y wala."

"Meron na akong boyfriend, ang gwapo nga niya eh. Ang gwapong sapakin." Tawa naman siya nang tawa.

"Di mo 'ko masisisi. Sumusulyap palagi. Sa 'yong mga matang oh, kay ganda oh, binibini."

Bigla kong hinawakan ang kamay niya. Itinapat ko 'yon sa kaliwang dibdib ko. Pinaramdam ko sa kanya kung gaano niya kabilis pinapatibok ang puso ko.

I continued staring straight to her eyes. "Oh, ang isang katulad mo ay 'di na dapat pang pakawalan. Alam mo bang pag naging tayo, hinding hindi na kita bibitawan. Aalagaan ka't di pababayaan, pagkat ikaw sakin ay Prinsesa."

Yumakap na siya sa akin at isinandal ang ulo sa balikat ko. Nagpatuloy naman ako sa pagkanta habang isinasandal ang aking ulo sa kanya.

I kiss her temple as I finish the song. I'm smiling widely as I feel her hug becoming so tight.

When it was her turn to sing, she sat properly and grab the mic from me. Tumingin ako sa television para tignan ang kakantahin. Napangiti naman ako ng mabasa ko na ang title noon.

It was The Way I Loved You by Taylor Swift.

I am not a fan of Taylor Swift but this became my favorite song when she told me that this song reminds her of me. Simula noong araw na iyon, palagi ko na itong pinapakinggan.

"He is sensible and so incredible. And all my single friends are jealous. He says everything I need to hear and it's like I couldn't ask for anything better."Her voice is angelic and I can't help but to smile like a gushing little girl.

She smiled at me and shrugged when, I bet, she noticed my red cheeks. "He opens up my door and I get into his car. And he says, you look beautiful tonight. And I feel perfectly fine."

Inakbayan ko na lang siya. Siya naman ay umunan muli sa aking dibdib. Malawak ang ngiti kong sinabayan siyang kumanta sa paborito kong parte ng lyrics.

"But I miss screamin' and fightin. And kissin' in the rain. And it's two A.M. and I'm cursin' your name. You're so in love that you act insane. And that's the way I loved you."

Napatigil ako sa pagsabay sa kanyang kumanta nang biglang mag-vibrate ang cell phone ko. May unknown number na nag-text sa 'kin.

Sino kaya 'to? Agad kong binuksan ang text at nagulat ako sa aking nabasa...

0998234****

So, nagkabalikan na pala kayo? Wow.

I gasped and frantically looked around.

Fuck!

Nasaan siya?!

Muling nag-vibrate ang cell phone ko. Nanginginig akong binasa ang panibagong message niya.

0998234****

You only have two choices: break Kamilah's heart or I will kill her. Mabuti pang mamatay na lang siya kaysa sa sumaya ka kasama siya!

Mahigpit kong hinawakan ang aking cell phone. Gusto kong sumigaw sa inis. Gusto kong magwala. Pero pinigilan ko ang aking sarili. Hindi ito dapat malaman ni Kamilah.

Napalunok ako dahil sa namumuong takot at kaba. Nagsimula na rin akong pagpawisan nang malamig. Pakiramdam ko ay namumutla na ang aking mukha.

Heto na naman siya.

Tangina, papatay na naman siya.

Sosolusyunan ko 'to.

Kailangan kong solusyunan ito.

Unraveling the Death of Kamilah AczonHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin