Three

2 0 0
                                        

Kumusta ka? Nakapagpahinga ka ba? Kumusta ang araw mo, masaya ba? Dibali na, alam kong kaya mo yan kung ano man ang pinagdadaanan mo o mga bagay na pinakakaabalahan mo wag ka lang magmadali matutong maghintay wag kang mainip darating rin yung inaasam mong tagumpay.

Sa mundong to hindi natin alam kung paano ba ang tamang balance ng pamumuhay minsan mas ramdam ang pagod sa araw-araw na kumakayod pero dahil sa pamilyang inuuwian natin nawawala at naglalaho ang pagod

Ang pamilya ang nagbibigay buhay at enerhiya na kung saan sila ang nagtatanggal at bubura ng pagod mo pero minsan may pamilyang hindi kayang punuan ang pangangailangan ng kanilang mahal at ito rin ang dahilan kung bakit iniiwan o sinasaktan ang kanilang mga mahal sa buhay at ang anak ang siyang mahihirapan sapagkat siya ang Makakaranas ng mga bagay na ang magulang ang dahilan kung bakit sila naghiwalay

Mayroon akong ibabahagi sayo isang pamilya na ang pagmamahalan ay siyang paninindigan upang malagpasan ang hirap at sakit na naranasan

Ang pamilyang Montero, isang masaya at matiwasay na pamumuhay ang kanilang nakagisnan maayos at simple lamang mayroon sila may dalawang anak ang panganay ay si Jeff at ang bunso ay si Tina ang ama nito ay isang farmer at ang nanay niya ay nagtitinda ng mga gulay sa palengke. Sila ay may maayos na pamumuhay kumain tatlong beses sa isang araw, napupuna naman ang panganagailangan ng anak ngunit hindi sa lahat ng araw ay  ganon ang nararanasan nila dumating sila sa puntong naubusan sila ng makakain dahilan sa bukirin ng kaniyang ama ay may dumating na trahedya na kung saan ang pananim niya ay nasira

Itay pano tayo niyan huling ani natin nung nakaraan at paubos na ang bigas na ating lulutuin at maging sa gulayan natin ay madaling bumulok at ang mga dahon nito ay may butas na rin po - saad ng panganay na anak

Dumating tayo sa panahon ng paghihirap anak na kung saan ang mga hanap buhay natin ang matatamaan - saad ng kaniyang ama

Pano tayo itay wala na tayong makain sa susunod na araw kung magpatuloy pa ho ito

Tumahimik at nag-iisip ang ama nito  kung paano nila malalagpasan ang paghihirap na kanilang pinagdaanan

Ilang saglit lamang ng marinig nilang nagsisigaw ang kapit-bahay nila na kung saan tinatawag sila nito

Roman, Roman!!! Si tina dinala nila sa hospital sa karatig bayan magmadali kayo at siya'y puntahan

Ho!! Anong nangyari sa aking kapatid?! Saad ni jeff habang nagmamadaling maglakad at ang ama nitong natataranta kung paano makaalis sa bukid

Abay hindi ko mawari sapagkat ng marinig ko ang hiyaw ng iyong ina at humihingi ng saklolo ito habang lumuluha bitbit ang iyong kapatid na si tina saad nito

Mag madali kayong mag-ama at naghihintay ang motorsiklo ni ben doon upang dalhin niya kayo sa bayan kung saang hospital si tina

Ng makarating sila ron ay agad silang sumakay at nagpasalamat si jeff sa kaniyang tiya na kung saan tinawag sila sa bukirin

Ilang saglit pa ang lumipas ng makarating sila sa bayan at nakita ang hospital na kung saan dinala si tina

Mahabaging Diyos sanay ayos lamang ang aking anak saad ng kaniyang ama at nag-aalinlangan si jeff sa kung ano ang nangyari kay tina

Agad silang lumapit sa nurse at nagtanong kung saan kwarto si tina agad rin namang sinabi ng nurse at sila'y nagmadaling pumunta

Ng makita nila ang ina nito at si tina ng nakahiga na mayroong na katusok sa kaniyang kanang kamay ay agad nilapitan ni jeff ang kapatid

Kapatid ko anong nangyayari sayo? Habang naluluha ito at ang kaniyang magulang ay nag-uusap sa gilid na seryoso ang kanilang mukha hanggang sa lumapit ang ama nito sa kaniyang kapatid at niyakap ito na may luhang namumuo sa kaniyang mata

When I learn to BelieveWhere stories live. Discover now