(*music playing*)
Nagpapaantok ako nang gumana ang imahinasyon ko.
Naisipan kong gumawa ng fiction story sa notepad ko using my pen name.
@lunatic_pen
I'm writing a story that titled as
"Solar Eclipse"
Habang nakahiga sa aking malambot na kama at nagsisimula ng paganahin ang imahinasyon ko para bumuo ng mga scenario habang nakikinig sa ipinapatugtog kong music sa cellphone.
*AT THE STORY*
𝘚𝘖𝘓𝘈𝘙 𝘌𝘊𝘓𝘐𝘗𝘚𝘌
—————————————
[ *𝘢𝘭𝘦𝘳𝘵 𝘴𝘪𝘨𝘯 𝘣𝘶𝘻𝘻𝘪𝘯𝘨* ]
Nagkakagulo kaming naglalabasan sa hide-out namin dahil naalarma kami sa pagusugod ng mga hindi kilalang nilalang sa area namin.
Hindi namin napagtantong mahahanap nila kami kahit sa pinakaliblib na lugar s𝘢 malayong parte ng lugar namin.
"LIUTENANT SANTIAGO! marami na ang nabawas sa mga kasamahan natin at marami ring napuruhan sa pag-atake ng mga kalaban‚ humanap ka na ng sasakyan natin para makatakas na tayo dito!"
Pag-aalerto at pag-uutos sa akin ng General namin na si General Maximo Ocampo.
Siya ang namumuno sa amin sa pagbabantay sa isa sa mga 'di kilalang bayan dito sa Pilipinas at para hanapin ang mga pumapatay sa bayan nila
May nakarating sa aming balita...
Ilang linggo na ang nakakaraan na may mga supernatural na mga nilalang ang sumasalakay sa lugar nila at maraming tao na rin ang nawawala na walang bahid na kahit anong palatandaan.
Ngunit pagdaan ng ilang linggo ay nakikita na lang ang mga bangkay nila na gutay-gutay ang tiyan at may nawawalang mga parte sa kanilang katawan.
Kaya napagdesisyunan ng lider ng bayan na ilipat muna pansamantala ng lugar na puwedeng bahayan ang mga taong nakatira sa lugar na iyon at ang grupo naming mga sundalo ang magbantay at mag-imbestiga tungkol sa kaso.
Kaya hanggang ngayon ay nagbabantay kami sa nasabing lugar at patuloy na nakikipaglaban sa mga nilalang na hindi pa namin nakikita.
"Liutenant Santiago‚ sumakay na po kayo dito para makaalis na tayo kaagad!"
Pag-aalok sa akin ng kasamahan ko sa trabahong si Liutenant Geronimo habang pawisan at maraming dugo sa katawan.
Nakapagtataka lang dahil kaunti na lang ang mga kasamahan namin na nandoon.
Pero isinantabi ko iyon at sumakay na lamang at tsaka nagtanong.
"Liutenant‚ bakit kakaunti lang dito at nasaan na si General Ocampo? 'Di ba dapat siya ang nangunguna sa atin sa pag-aalerto at pagbabantay sa mga nakaligtas na kasamahan natin?"
Nagtataka kong tanong at nakatitig sa nakayukong kasamahan ko habang umaandar na ng mabilis ang sinasakyan naming truck para makatakas.
"Hindi nakaligtas si General Ocampo‚ Mike..."
"Nahabol siya ng mga kalaban natin at hindi nagtagumpay na makaligtas."
"Hanggang ngayon ay tanda ko pa kung ano ang mga itsura nila at kung paano nila pinatay ang lider natin."
Mangiyak-ngiyak na sambit ni Liutenant Geronimo habang nakatitig sa bintana at tila inaalala ang masaklap na nangyari sa amin ngayong gabi.
"ALAM MO BA KUNG SINO AT KUNG ANONG NILALANG ANG KALABAN NATIN?!"
Tanong ko na may halong poot dahil sa pagkagalit ko sa kalaban namin dahil sa pagpatay nila sa aming mga kasamahan... habang nakatitig rin sa bintana ng sinasakyan naming truck.
"TANDANG-TANDA KO IYON‚ LALO NA ANG MGA MATA NILANG NAGLILIYAB NA TILA MGA GUTOM AT UHA–"
Paglalarawan ni Liutenant Geronimo pero natigil siya dahil sa narinig pagkalampag sa bubong ng truck na sinasakyan namin.
Nagulantang kami sa aming nakita...
Isang higanteng nilalang ang tumuntong sa bubong ng sinasakyan naming truck at pinaghahampas ito.
Kitang-kita ko ang nanlilisik niyang mga mata na tila handang kumain ng tao anumang oras.
Mabilis niyang nasira ang bubong at sa 'di kalayuan naman ay mayroong sumusunod sa kaniyang mga ka-uri niya at sinira ang bintana't pinto ng truck.
Lumipas ang oras at tinanaw ko ang malaking kabilugan ng buwan na unti-unting nababalutan ng itim na kulay na tila parang usok dahil sa mabilis na paggalaw nito.
Habang nakatingin sa papaitim na kalangitan ay natanaw ko ang mga nilalang na unti-unting umaalingawngaw ang sigaw ng mga nakakabingi nilang boses.
Tila nasisiraan sila ng bait habang nanlilisik ang mga mata at duguan sa buong katawan.
Ngunit nanatiling walang siguradong pagkakakilanlan sa kung ano mang uri sila na nilalang...
𝘌𝘕𝘋 𝘖𝘍 𝘛𝘏𝘌 𝘚𝘛𝘖𝘙𝘠
—————————————
Napagpasiyahan ko na lang tapusin ang ginagawa kong kuwento sa paraang mabibitin ang mga readers at macu-curious sa susunod pang mangyayari.
Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko.
Alas tres ng madaling araw.
Madaling araw na rin pala ako natapos sa pagsusulat at napagdesisyunan ko na rin matulog.
Isasara ko na dapat ang ilaw pero nakuha ang atensyon ko ng pigura ng isang malaking tao na nagtatago sa likod ng kurtina ng bintana ko.
Hindi ito mailalarawan bilang lalaki o babae dahil kalahati lang ang nakikita at tila may tumataklob sa buong mukha nito.
Nanlamig ang pakiramdam ko at tumaas ang aking mga balahibo nang unti-unti itong gumalaw at sumigaw ng nakakagimbal na sapat lang para sumakit ang aking tenga...
Pinagmasdan ko ang ang kalangitan at ang buong kabilugan ng buwan na natatakpan ng kadiliman.
Parang usok sa bilis ng pagbalot nito sa buwan dahil sa nagaganap na Solar Eclipse ngayong gabi.
Habang duguan ang katawan ko na hila-hila ng hindi makilalang nilalang...
Pinagsasaksak niya ang iba't-ibang parte ng katawan ko gamit ang dala niyang sibat na gawa sa bakal.
Unti-unti kong naalala ang isinulat kong story at napagtantong pareho kami ng kamatayan ng bida sa kuwento.
HIndi ko ma-imagine ang katotohanang totoo ang nilalang na ako mismo ang nagsulat...
Kasabay nito ang patuloy kong pagsigaw.
Patuloy sa pagkakasaksak sa akin ang nakakatakot at hindi kilalang nilalang habang patuloy sa pagtugtog ang music na nanggagaling sa cellphone ko.
V.V
