Chapter 13: Overnight

4 0 0
                                    

Wala ng araw ng makalabas na kami ng gym. Malamig na rin ang simoy ng hangin. Kumpleto kaming lumabas ng gym. Kasama na rin namin sina Kuya. Nandito rin sina Dominic at Shantal.

Sumali si Dom at Shantal sa archery, at official na 'yon na isa sila sa kukuning player dahil lima lang naman sila ang nag-tryout, isa na roon ang kaibigan ni Kuya na si Adonis. Bagay talagang pagsamahin sina Dom at Shantal because they share the same interests. Parehong magagaling pumana. Ako lang yata at si Mira ang walang sinalihang laro. Parang gusto ko ring magback-out sa pagtakbo sa student council.

Maraming laro ang pinaghahandaan ngayon. Basketball girls and boys, volleyball girls, archery, soft ball, football, swimming, chess at marami pa. Meron rin sa cheerdance. Kaya matindi ang paghahanda. Malalaki rin kasing university ang makakalaban ng Alviero.

"Saan tayo guys? Gutom na 'ko!" napahawak sa tiyan si Hanna. Papalabas na kami ng paaralan.

"Palagi ka namang gutom, may bago ba?" pambabara sa kaniya ni Quim. Mukhang magbabangayan pa ang dalawa.

"Huwag ngayon Elliquim Zachary, pagod ako," irap ni Hanna. Hindi naman siya pinansin ni Quim.

"Weekend naman bukas. Why not mag-overnight tayo?" suggest ni Quim.

"At sa'n naman?" tanong ni Hanna.

Nakikinig lang kaming lahat at silang dalawa lang ang nag-uusap. Bahagya silang nauunang maglakad. Kasabayan ko naman sina Dom, Shantal at Aldren.

"Komusta ka naman sa Business Ad. Shan?" baling ko sa tahimik kong pinsan. Napatingin ito sa akin, at maliit akong binigyan ng ngiti.

"Nasasanay na 'ko sa course na 'to. Tsaka hindi naman ako masyadong nahihirapan. Dom always got my back." napangiti ako.

"Buti naman," ani ko at tinapik siya sa kaniyang balikat.

Minsan lang kaming mag-usap ni Shantal. 'Di ko rin siya masyadong nakikita o nakakasalubong dito sa campus. Si Dom ang palagi kong nakikita sa cafeteria, kasama ang mga kaibigan niya.

Napagpasiyahan nga nilang mag-overnight at sa condo unit ko pa. Hindi na lang ako nagreklamo dahil sina Kuya rin naman ang nag-suggest at sasama rin sila. Wala ring problema dahil malaki naman ang space sa unit ko.

Naunang pumunta ng condo sina Kuya. Sinamahan naman namin ni Hanna na magpaalam sina 'Nikka at Mira. Nakakatawa lang dahil hanggang ngayon ay nagpapaalam pa rin sila. Medyo strikto daw kasi ang mga magulang nila lalo na kung lalaki ang mga kasama nila. Hindi rin naman masama dahil makabubuti naman 'yon sa kanila. Pero hindi yata alam ng mga magulang nila ang paglalasing nila noon.

Hindi sana papayagan si Nikka ng Mama niya. Pero nang malamang kasama namin si Elliquim ay pinayagan agad ito.

"Huwag mong kalimutang picture-ran si Elliquim ha!" napatawa kaming apat sa huling sigaw ng mama ni Nikka na si Tita Anny.

"Si Mama talaga!" maktol ni Nikka. Pumasok naman kami ng kotse na tumatawa.

Si Hanna ang nagmamaneho at kotse ni Quim ang gamit namin.

Madilim na ng makarating kami ng building ng condo. Malapit na kami sa unit ko ng makasalubong namin si Natalie sa hallway. May kasama itong dalawang babae. Ang iikli ng mga suot nila, puno rin ng kolorete ang mga mukha nila.

"Oh hi there Celline," maarte niya akong sinuyod ng tingin. Masama rin ang tingin ng dalawa niyang kasama sa akin.

Dito rin ang unit ni Natalia kaya 'di malabong makasalubong ko siya rito anytime.

Lalagpasan ko na sana siya ng higitin niya ang braso ko.

"Don't be rude Celline. I am being nice here," aniya at tinaasan ako ng kilay. Nice? Saang banda ang nice rito? E halos patayin niya na 'ko sa utak niya sa sama ng tingin niya sakin. At ang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.

Taste of Love (Alviero Series #1)Where stories live. Discover now