Waiting Shed

4.4K 162 49
                                    

"Sure ka bang di ka sasabay, bro?" Tanong ni Jeron sakin habang naglalakad palabas ng company building.

Tumango lang ako. My car is broken and I need one more month to deal without it. Magtitiis muna ako sa commute. Opening to new experiences naman.

"Ingat, bro. Mukhang uulan pa naman," Jeron remarked.

"Ingat din, bro. Drive safely," sabi ko sabay salute gesture sakanya. We've been working together since we graduated and we're super close na talaga, since then.

Naglalakad ako papunta sana sa bus station nang biglang bumagsak ang malakas na ulan. I searched my bag for an umbrella pero naalala kong hindi pala ako nagdadala nun.

Galing mo dyan, Thomas.

Tsk.

Sinukbit ko na sa likod ko ang bagpack ko at tumakbo sa gitna ng ulanan. Basang-basa na ko pero, who cares? Wala akong payong, anong magagawa niyo?

I reached a waiting shed and doon ko nalang balak maghintay ng bus papuntang Makati. Ang lakas ng ulan at wala pa yatang balak tumigil.

Bakit ngayon pa, Lord?

Kinuha ko ang phone ko sa loob ng pocket ko. Lowbatt na pala. Badtrip. Ang ganda ng timing. Hallelujah!

Umupo muna ako sa mahabang upuan sa waiting shed. Nilapag ko ang bag ko sa tabi ko. I held my head low, feeling desperate.

.

Bigla namang naramdaman kong may tumabi sakin at parang naghahalungkat sa bag niya.

"Nandito ka lang pala! Hay nako!" Inis niyang sabi.

"Hmm? Hello?" Sabi niya at napatingin naman ako sa direksyon niya.

Ayyyy. May kausap pala sa phone. Akala ko kasi ako yung kinakausap. Lol. Feeler mo, Thomas.

"Lul mo, Justine!!! Antayin niyo ko. Stranded pa ang reyna ng gabi!"

I smiled a bit. This girl and her confidence.

Tiningnan ko lang siya habang nakikipag-usap sa kaibigan niya or baka ka-ibigan sa other line ng phone. Ang sarap ng tawa niya eh.

Fudge. Ang ganda niya lang.

Binaba na niya ang phone niya at nag-umpisang suklayin ang buhok niya. Basang-basa rin ito katulad ng akin. Wala rin sigurong payong.

.

Biglaan nalang siyang tumingin sakin at nakataas ang isang kilay sakin. Inabot niya rin sakin ang suklay niya.

Anong gagawin ko dyan?

"What?" Tanong ko sakanya at ayun, inirapan ako ng supladita. Sayang, ang ganda pa naman kaso suplada nga lang.

"Kanina ka pa nakatingin sakin..... Ano bang kelangan mo? Hihiramin ba 'tong suklay ko?" Saad niya at nakaturo pa sa suklay niya.

I rolled my eyes on her, "No way!! Anong gagawin ko dyan sa suklay mo?"

"Pucha! Common sense lang po! Malamang isusuklay. Medyo magulo po kasi ang buhok niyo. Gwapo ka nga, tanga naman. Psh!" Pahayag niya.

"Ganda nga, suplada naman." I retorted.

Di na siya sumagot at tumingin nalang sa kalsada. Wala na parehas umimik samin.

.

"Errrr!!!"

Kumunot ang noo sa bigla niyang reaksyon. Halos 30 minutes na rin kaming naghihintay ng sasakyan dito sa waiting shed. Lahat ng dumadaan ay puno na ng pasahero.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon