Chapter 16

105 2 0
                                    

Chapter 16

Sandra



SUCCESSFUL ang lahat. Thanks to god, and  Dr. Ford Bernardo. And of course thank to tj too. Sobrang salamat talaga at ligtas sila.


Shiloh is usually sleeping, that's why I'm here at the next room where tj was there. Gising ito ngayon at hindi man lang nakatulog habang ginagawa ang transplant. Gising na gising ito dahil gusto daw nya malaman kung successful nga ba.

"Why are you here? Sino kasama ni shiloh?" Tanong nya.

"Si path ang kasama ni shiloh" sagot ko naman sa kanya. "Ok ka lang ba? May nararamdaman ka ba?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Bumalik ka na do'n. I don't want to see you!" Masungit na sabi nya.

"Tj, kailangan mo ng kasama. Tulog pa naman si shiloh." Pag dadahilan ko. " Wala ka pang tulog at kain dapat nagpapahinga kana..."

"Tsk! Kung titignan kung sino sating dalawa ang kailangan ng pahinga, ikaw yun!. Look at your self. Ikaw ang mag pahinga!" Iritadong sabi nya.

Natural! Sinong makakampante sa kalagayan nila ngayon. Pasalamat ka tj inaalagaan kita.

Tumango nalang ako bilang tugon sa sinabi nya. Iniwan ko nalang ang mga pagkain at tubig sa mesa. Bahala na sya kung ayaw nya edi sege!.

"Tumawag ka nalang ng nurse pag may kailangan ka." Sabi ko bago ako umalis.

Kahapon pa sya sa'kin ganyan, kung ano ano sinasabi. Dumadagdag lang sya sa stress ko.

Pagkapasok ko palang sa room ni shiloh ay nakita ko agad si path na nakatulog na sa sofa. Sobrang abala na ito sa kanila, sabihin man nila o hindi. Alam kong sobrang pagod na rin sila.

Hindi ko muna ginising si path hinayaan ko muna syang matulog baka kasi kaiidlip lang nya. Uminom muna ako ng tubig bago umupo sa tabi ni shiloh.

Medyo nararamdaman ko na rin ang pagod ko. Ilang linggo na rin akong wala masyadong pahinga, kung hindi pa ako pipilitin nila grace ay hindi ko talaga gagawin.

Ngayon na maayos ang naging resulta. Ay magagawa ko na ang magpahinga. Grabe na rin ang pjnayat ko, hindi rin ako makakain ng maayos hindi ko na maasikaso ang sarili ko. Pero ok lang yun as long as nakay shiloh ang atensyon ko.

Nagising ako nang marinig ko ang boses ni path. Ginigising ako nito.

"Babe lipat ka sa sofa, andito na si vernon uuwi muna ako ha." Sabi nito

"Bespren! Kain ka muna bago ka matulog ulit, may sabaw dito oh!" Sabi ni vernon.Tinaas nito ang nasa container na pagkain.

Nakakatuwa na maasahan talaga mga kaibigan ko, sana ganon din ako sa kanila. Iniabot sa'kin ni vernon ang pagkain at talagang inaasikaso ako nito. Ano meron?

Bespren! Tignan mo itong nabili ko oh!" Pinakita nya ang litrato sa phone nya.

"Ano nanaman yan?"

"Aso! Alangan namang kambing!" Pilosopong sabi nya. "Pangalan nya, shy! Diba! Ganda?"

"Ewan ko sayo! Naku! Vernon wag mo ilalapit kay shiloh yan sinasabi ko sayo!" May pag babantang sabi ko.

Napakamot si vernon sa ulo nito. " Paano yan bespren, eehh... Kay shiloh yan!" Sabi nito na ikinaubo ko.  "Sorry na bespren..."

"Baliw ka ba? Hindi pwede yan kay shiloh..." Nanggigigil kong sabi. "May hika si shiloh vernon, tyaka kita mo nang halos dito na tayo nakatira oh!.  Tyaka Baka ma-infection pa si shiloh."

Can We Go Back?Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz