CHAPTER 22 : CONTINUATION

0 0 0
                                    

CHAPTER 22 : CONTINUATION

Ng makauwi ako sa bahay ay binuksan ko ang box na binigay ng mama ni Ace.

Ng mabuksan ko yun ay bumungad sa'kin ang couple bracelet na binigay ko sa kanya. Kinuha ko yun at nilapag sa tabi.

Ng matanggal ko yung panyong nakaharang ay bumungad sa'kin ang isang medium size na album.

Kinuha ko yun at binuklat

At sa unang pahina ay mukha ko agad ang naron. At sa baba non ay petsa kung kailan nya kinuha ang litrato na yun.

"January 24‚ 2017. The time first I saw you"
And the next page is picture ko ulit.

"January 26‚ 2017. Nakita na naman kita haha‚ pretty"

Lumawak ang mga ngiti ko habang binuboklat ang bawat pahina ng libro.

Hindi ko alam na ganon nya katagal tinago ang nararamdaman nya para sa akin.

Nasa huling pahina na ako. At ang picture na naron ay picture ko na nakangiti habang kausap si Jake.

"May 7‚ 2018. This will be the last time na makikita ko ang maamo mong mukha‚ Savier."

At sa pinakalikod ng album na'to ay may isang sulat na nakatupi.

Nanginginig kong binuksan yun.

"Dear Savier

Siguradong wala na ako habang binabasa mo ito. But I just want to say na ang ganda mo. Ang ganda ganda mo. Sa tuwing makikita ko ang maamo mong muka lalo akong nahuhulog sayo.This is my first time writing a letter someone I love kaya I feel a little cringe HAHAHA. Pero di ako magsasawang sabihin na gusto kita Savier‚ sobra.

Hindi man ako binigyan ng pagkakataon na maamin ang totoong nararamdaman ko para sayo ng harapan but i'm still thankful that God give me a chance na makausap ka.

I'm sorry if I treated you so badly‚ pero nagi-guilty ako sa ginawa ko. Siguro kung hindi ko nalaman na may sakit ako‚ naging boyfriend na sana kita haha tapos sabay tayong gagraduate.

Alam mo bang ang sarap ng cookies na ginawa mo? Sobrang sarap Savier. Sayang diko na matitikman yung luto mong cookies haha at yung bracelet na binigay mo‚ nasa akin na kaya wag ka ng umiyak."

Parang diko kayang basahin ng tuloy tuloy yung sulat nya. Sumisikip yung dibdib ko.

Puno na rin ng luha yung papel.

Ang aga nya'ng kinuha sa'kin.
Ang aga nya'ng nawala.

Binuklat ko ulit ang sulat nya at binasa ang nasa huli.

"Don't cry if you read this‚ i'm safe up here. I always look after you and stay by your side. Savier ko‚ your so precious‚ hindi bagay sayo ang umiyak kaya tahan ka lang okay? Hihintayin kita atsaka magpatuloy ka lang ahh buksan mo ulit ang puso mo para sa ibang tao,si Gab? Alam kong mabait siya at nagbago na siya"

Niyakap ko ang sulat nya saka umiyak ng umiyak.

The guy who admired me for almost a year is now gone.

I'LL STOP CHASING HIMWhere stories live. Discover now