Sa bawat paglipas ng sandali
Ay ang pag-asa at pangamba'y magkasama
Kung papalarin o hindi sa layon
Ganito ang buhay, di mabilang ang biyaya't hamonSa larangan ng pag-aaral, hirap at pasakit
Di lamang sa mga aralin, kundi pati sa pag-asa't takot
Libreng mangarap, ngunit sa realidad
Kailangan ng puhunan, di sapat ang pangarap na alayMay mga paaralan, libre ngunit limitado
Ang kakayahan ng mga estudyanteng nangangarap
May mga iskolarsip, ngunit di lahat ay mapalad
Ang pangarap, parang bituin, malayo at napakalapadKung bawat hakbang ay may halagang kaakibat
Paano nga ba mararating ang hinahangad?
Pera ang kapangyarihan, ngunit ang ligaya
Nasa pagsisikap at pagtitiyaga, ito ang tanglaw ng daan.Sa bawat tanong na walang kasagutan
Isang hakbang pa rin, sabay-sabay na pagtahak
Sa landas ng pangarap, kahit paunti-unti
Pag-asa't tiwala, gabay sa pag-akyat sa tuktok ng bituin.
YOU ARE READING
Serendipity's Script: Unveiling the Canvas of Random Thoughts
Random"Serendipity's Script: Unveiling the Canvas of Random Thoughts" invites you to explore the inner world of the author's mind through an enchanting collection of poems and one-shot stories. Delve into the tapestry of emotions, dreams, and reflections...