Pasilip Sa Mga Papremyo

639 25 30
                                    

Kamusta, mga katropa? Handa na ba kayo?

Isang araw na lang! Magsisimula na ang madugong kaguluhan na siyang hindi n'yo nanaising palampasin. Kaya ano pa ang hinihintay n'yo? Sulat na!

Para po sa mga nakapagpasa na ng kanilang akda, siguraduhing nakatanggap kayo ng mensahe mula sa amin patungkol sa inyong pinasa. Ito ay upang hindi tayo magkaroon ng problema sa hinaharap.

Sa iba, na may balak pang humabol, kaya n'yo 'yan! Matiyaga kaming maghihintay hanggang bukas, bago sumapit ang hatinggabi, sa inyong madudugong akda.

At para naman ganahan kayo, minabuti naming ipasilip sa inyo ang posible ninyong makuha, maliban sa maaari ninyong matutunan, sa patimpalak na ito.

Eksayted na ba kayo?

P'wes, mas eksayted na kami.

Naaalala n'yo pa ba ang sinabi namin noong magkakaroon ng tatlong pangkat kada round? Kung oo, edi maganda. Sa bawat koponan kasi, ang siyang mangunguna ay makakatanggap ng load at book cover. Tandaan, ito ay ibibigay kada round. Kaya kung ako sa inyo, galingan ninyo. (Hindi muna namin ipapalam kung magkano 'yong load)

Para naman sa tatlong mananalo, alalahanin ang mga sumusunod:

Third Place:
- P1,500 cash
- International book
- Bob Ong book
- Borrowed Chance
- Drastic Symphonies (PNY10)

Second Place:
- P2,000 cash
- International book
- Bob Ong book
- 13th Rose
- Alphabet Of Death

First Place:
- P2,500 cash
- International book
- Bob Ong book
- Pandemia
- Pop Fiction book
- Black Ink book

Paalala: Ang mga nabanggit ay maaari pang madagdagan. Mga baliw po kami, kaya ipagdasal ninyong mas mabaliw pa kami, para dumami pa ang mga 'yan.

Isa pa pong mahalagang paalala. Tumatanggap din po kami ng donasyon mula sa mga mababait na nilalang. Hindi po namin tatanggihan ang kabutihang loob ninyo, lalo pa kung ito'y mula sa inyong puso. Salamat.

Ang mga baliw ay malugod pong naghihintay sa inyong mga akda. Mabuting magpasa na kayo, para masimulan na ang kaguluhang ito.

Good luck!

- Team Baliw.

LITERARY OUTBREAK: Survive or Die One-Shot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon