Chapter 11: Family Gathering

7 0 0
                                    

Hindi kami sumama sa kanila dahil may family gathering daw sa bahay nina Lolo, sa pamilya ni Mama. Ngayon ko lang nalaman dahil hindi naman nag-text sa akin si Mama.

Dumaan muna kami sa mansyon at nagbihis. Wala na rin dito sina Papa dahil nauna na sa bahay nina Lolo.

Kinakabahan ako, dahil paniguradong nandito rin ang pinsan kong si Natalie. Kumukulo pa naman ang dugo no'n sa'kin. Ewan ko ba! Spoiled brat e kasi only child.

Napatingin ako kay Kuya Aldus na nagd-drive. Magkasama kami sa iisang sasakyan at si Kuya Alj naman ay nagdala rin ng sasakyan niya. Kanina pa namamawis ang mga kamay ko. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.

"Kuya... kinakabahan ako," napatingin siya sa akin at sa mga kamay ko. Talagang kinakabahan ako.

"Don't be hmm? Nandito kami ni Alj para sayo. And besides nandoon rin sina Mama," ngumiti siya kaya napabuntong-hininga ako.

Alam nila kung gaano ako kinaiinisan ni Natalie. Sa lahat ng pinsan ko sa side ng family ni mommy, si Natalie lang talaga ang may ayaw sa akin. Bata pa lang talaga, sa bawat gatherings ng family namin, kontra na siya sa akin. Hindi ko naman siya pinapatulan dahil naka-back-up sa kaniya ang mommy niya.

Malapit na kami dahil tanaw ko na ang mataas at magandang mansyon nina Lolo Armando.

Sinalubong kami ng maid pagkarating namin. Sabay kaming tatlong pumasok. Nasa pagitan ako nina Kuya na animo'y ginagwardyahan ako. Nasa bukana pa lang ng pintuan ay rinig ko na ang tawa ng mga Tita at Tito namin. Mukhang marami rin ang tao sa pool. Napabuntong-hininga ako at tuluyan ng pumasok.

"Oh nandito na pala ang tatlo mong mga anak Celina," si Tito Arnold ang unang nakapansin sa amin. Nakatayo ito sa living room at umiinom ng champagne.

"Good evening po," bati ko at nagbeso sa kaniya. It's been a long time since huli kong patong sa mansyon na 'to.

Lumapit si Mama at Papa sa amin galing ng kitchen.

"Good evening 'Ma, 'Pa." I hugged them, ganun din ang ginawa nina Kuya.

"How's school?" tanong ni Papa.

"Okay naman po," sagot ko at ngumiti.

"Celline! Oh my gosh! I missed you darling!" napatingin ako kay Tita Calina na masayang lumabas ng kitchen, tumatakbo pa ito patungo sa pwesto namin.

Kaagad niya 'kong niyakap. Masaya ko naman siyang sinuklian ng mahigpit na yakap. Ganun din ang ginawa niya sa mga Kuya ko na nasa likod ko lang.

"Calia! Calix! Celline is here!" napasigaw na siya dahil sa excitement. Napagawi naman ang tingin ko sa dalawa kong pinsan na tumatakbo pababa ng hagdan. Ganito ba nila ako ka-miss? Lahat 'ata napapatakbo.

"Celline! Oh my gosh!"

"Ate Celline!" sabay pa silang sumigaw. Napatawa ako dahil sa dalawang 'to. I missed them too. Sobra!

"I missed you 'cous! It's been a long time," Calia hugged me kaya napangiti ako. Akala ko sa tagal kong nawala, nakalimutan na nila 'ko.

"Na-miss kita Ate!" niyakap ko rin si Calix na matangkad na kesa sa'kin. Grabe! Ako 'yong Ate sa aming dalawa pero mas matangkad pa siya.

"So... nandito na pala ang anak mong pariwara Celina," sandali kaming napatigil at napatingin kay Tita Careen na mukhang sa pool nanggaling.

May bitbit rin itong glass of wine. Masamang tingin ang ipinukol nito sa akin. Naramdaman ko naman na medyo lumapit ang presensya nina Kuya sa akin. Napakamit na rin si Mama sa braso ko.

"Oh... Celline, bumalik ka na pala. Bakit pa?" dumating na rin ang anak nitong si Natalie.

Medyo bumigat ang atmosphere sa buong living room. Nandito na rin ang iilan kong mga pinsan kasama ang mga magulang nila.

Taste of Love (Alviero Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant