Inilapag niya sa gilid ng kama ang kanyang dala na gamit at pasalampak na nahiga sa kama. Kasalukuyan siyang napatitig sa kisame at wala sa sariling napahawak sa kanyang labi. Ramdam pa rin ng dalaga ang dampi ng labi ng binata.
The hell! napabalikwas siya ng bangon dahil na pansin niyang hawak-hawak niya ang sariling labi
Kathria! Maghunos dili ka. Dapat cold ka lang. Cold. Baka nakakalimutan mo kung paano ka dinaan sa ganyan ng hinayupak mong ex pagsita pa ni Kathria sa kanyang sarili
Kung ayaw mong maulitan magcontrol ka!control !bulong niya pa sa kanyang sarili habang nagpalakad-lakad sa loob ng silid
Inner peace...Inner peace...Inner peace sabi pa ni Kathria sa kanyang sarili
Matapos ang pagpapakalma ay umupo ang dalaga sa gilid ng kama at yumuko para kunin ang kanyang dalang bag. Naghalukay siya ng isusuot. Pero namula siya ng makita na dala-dala niya ay ang mga....nighties na galing sa LV. Binigay nila ito as souveneir niya bilang modelJusko po! nabulalas niyang sabi sa kanyang isipan habang namumula.
Naghalukay siya ng naghalukay hindi pa siya nakuntento ay ibinuhos niya ang pa sa kama ang lahat niyang dala na damit. At nanlulumo siyang napahiga sa kama dahil wala siyang nakita. Puro iyon panglakad at ang binigay ng LV
Ang tanga naman bulong ng dalaga
Bumangon siya ulit at tinupi ang kinalat niyang damit. Wala siyang ibang choice. Siya rin ang nagkalat kaya naman ay kailangan niyang ligpitin iyon.No choice tayo bulong niya pa habang nagtutupi ng damit
Ipinasok niya ulit sa bag ang mga natupi niyang damit. Pagkatapos ay inilagay niya ulit sa gilid ng kama ang kanyang bag. Naisipan niyang lumabas ng silid. Nawala ang kanyang pagkapagod ng makitang wala siyang pantulog na damit
Siguro naman ay papahiramin niya ako bulong-bulong ng dalaga habang bumababa ng hagdan.
Sa hagdanan pa lamang ay amoy na ni Kathria ang amoy ng pagkain. Nagutom siya bigla. Naalala niya kung anong diet ang pinagdaanan niya pagbalik ng UK. Napagalitan pa siya ng kanyang manager dahil sa nadagdagan siya ng timbang.
Pumasok siya sa loob ng kusina at nakita niyang nakatalikod si Dominic. Abala ito sa niluluto nito na kung ano.
Mas lalo siyang nagutom ng mas malapitan niyang naamoy ang pagkain na niluluto ng binata.
Tahimik siyang lumapit para silipin ang niluluto nito. Dahil aroma pa lang ulam na.
"Ang bango" sabi pa ng dalaga
Muntikan pang tumaob ang kawali na hawak ng binata dahil sa pagkagulat sa pagsulpot ng dalaga.Kasalukuyang nagluluto si Dominic ng adobong manok. Iyon ang naisipan niyang lutuin since iyon naman talaga ang kadalasang pagkaing Pinoy.
Hindi niya rin sinita ang dalaga sa pagkagulat niya. Kahit kay muntikan na nilang mawalan ng ulam para sa hapunan. Mag-aalas nuebe na ng gabi. Kailangan na niyang bilisan ang kanyang pagluluto dahil hindi na magiging hapunan iyon kung maabutan sila ng alas diyes. Midnight snack na ang tawag doon.
"Paki kuha nga ng mangkok sa istante" saad pa ni Dominic
Nakita naman niyang tahimik lang na sumunod si Kathria sa kanyang sinabi. Binigay nito sa kanya ang pinag-utos niyang mangkok. Luto na ang ulam nila sa gabing iyon at sakto namang luto na rin ang sinaing niyang kanin.
Nilapag ni Kathria sa lamesa ang plato at ibang kubyertos na kinuha niya. Sumunod na rin si Dominic at nilagay sa gitna ang sinandok na ulam at kanin. Kumain na sila ng tahimik at walang imikan. Hanggang sa nakapasok sila sa kani-kanilang mga kwarto.
![](https://img.wattpad.com/cover/359506142-288-k599439.jpg)
BINABASA MO ANG
HIStory Series #2 : Frosty Temptation
RomanceBABALA || R-18 || MATURE CONTENT Dominic Steele would rather want to go old like a monk in his barracks and stay being a haciendero rather than going outside the beautiful city. He would be rather just make himself busy take good care of his baby pl...
Chapter 6
Magsimula sa umpisa