Bermuda Starr

216 28 5
                                    

"Once upon a time...



Boom! Nagsama ang sperm cell at egg cell ng pudra at mudra ko. At hayun! Nabuo ang pinakamaganda at dyosang si Bermuda Starr. Hindi triangle! Starr. Dahil para akong isang bituin sa langit. I shine like a diamond! I thank you!" Ngumiti ako sa mga magiging kasama ko sa isang ad agency.

Kakatanggap lang sa akin last week , dito ko napili dahil makatulo laway yong boss dito.

Ngayon ang first day ko dito. Kaya siyempre may bonggang introdaksyones dapat.

" Wooh! Beybe ko yan!" Pagsuporta ni Miles.

Natameme 'yong mga tao.

May mali ba?

Ilang sandali lang ay nagsigawan na ang mga ito at nakipagkamay sa amin ni Miles na bagong pasok rin.

I'm so pretty talaga! Pak chak pak! Mabenta ang fezlak ko.

" At dahil first day namin. Magpapacircle ako!" Masaya kong anunsyo.

At muli natahimik ang madlang people at mga dabarkads.

SLU mga mare.

" Ang sabi ko magpapainom ako ng bilog." Pero parang mga estatwa pa rin. No comment?

" Ang ibig niyang sabihin ay magpapainom siya ng Ginebra, dahil bilog ang Mundo." Paliwanag ni Miles.

Ladies and gentlemen dun lang naalis ang sumpa ng ibong adarna. Di na sila mga taong bato.

At dahil dun ay nagdiwang kami.



" Beybe wer na u? Ditey na me." Tanong ni Miles sa kabilang linya.

" Ang jeje mo Emilio. On the way na ang dyosa. Weyt lang." Sagot ko dito. Pero ang totoo ay di pa ako nakakaligo.

Isang buwan na rin kaming nagtratrabaho dun sa Advertising Agency. At sabado ngayon at walang schedule ng photoshoot.

May maganda raw na coffee shop malapit sa subdivision nila Miles.

Kaya try kong dun tumambay para maghalukay online ng mga lugar na pwedeng maging setting ng mga upcoming projects.

" Ikaw talagang babae ka! Halos tatlong oras akong naghintay dito!" Kulang na lang ay sabunutan ako ng baklang to.

Ngumiti lang ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

At dahil din... poof! Erase na ang galit niya.

" Bakla ka ba talaga o may lihim ka pa ring pagnanasa sa akin?" Tanong ko dito.

Umakto ito na parang naduduwal.

" Never beybe. Kasuka yang sinasabi mo." Sumenyas lang ako dito ng WatEvar!

Di na ako nagpatumpik tumpik pa, umorder agad ako ng frappé at cinnamon roll.

Halos sumabog ang taste buds ko dahil sa sarap.

Ngunit pagtingin ko sa lalaking papunta sa direksyon namin ay ang matres ko naman ang halos sumabog dahil sa lalaking trip atang paglawayin ang buong lahi ni eba dahil lantad ang katawan nitong OhLaLa!

Di ko napansin na wala na pala ang adonis na iyon sa paningin ko.

" Emilio! Nakita mo ba yong lav of my layf ko?! Hindi yon imahinasyon di ba?!" Tanong ko sa kaibigan ko na parang baliw na nakatingin sa likuran ko.

" Ang yummy niya beybe." Nagpunas pa ito ng kunwaring laway.

Tumingin ako sa likuran ko at dun lumabas ang tatay ng mga magiging anak ko. Nakasuot na ng damit.

Why?!Why?! Dapat di na nauso ang damit sa kanya.

Di na nakapagreak ang utak ko ng makita ang mukha nito. Puchacha! Ang gwapo nga!

Di ko na naman napansin wala na pala siya sa harap ko. Sumakit pa ang leeg ko dahil ang tagal ko atang nakalingon sa Adonis na iyon.

Bumaling ako sa kaibigan ko na parang shock pa rin sa nasilayang regalo ng Diyos sa mga kababaihan at kabaklaan.

" Emilio, nakita ko na ang magiging tatay ng isang dosena kong mga anak." I said dreamily.




Please vote and Comment :)

Thanks :D

Kiev DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon