SEVENTEEN

200 32 5
                                    

💖💖💖

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

💖💖💖

NAKANGITING mukha ni Edward and bumungad kay Sunshine nang kumatok siya sa loft nito. Kahit nagtaka ay ipinagpasalamat niya iyon. Even though he was faking it, ayaw niyang magtalo sila bago siya umalis. 

May pinagsamahan din naman sila kahit papaano. Muli ay nalungkot siya sa gagawin pero wala naman siyang pagpipilian. This was the most acceptable move that she could do.

"Hi there!" bati nito sa kanya na iniawang ang pinto nang malaki. She reluctantly got inside.

"Hows the party yesterday? Hindi ko nga pala naitanong."

"It, it went well," sagot niya dito. Nagtaka siya dahil may mga pagkain at candle light sa dining area at nakaset-up ang bar malapit sa living room para sa dalawang tao. She turned to him. "Ano'ng mayroon?"

He shrugged nonchalantly. "I created a parting party for two for you and me."

"Oh!" muli niyang tiningnan ang dining area.

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "You look beautiful. Marami bang nagpakilala sa iyo sa party kagabi?" 

She was wearing the same type of dress that she wore at the party last night with her killer heels. Only, this one had a light bluish color. At ang manggas nito ay tiranteng itinali lang sa balikat niya.

It was her turn to shrug. "Some. Kilala ko na halos ang mga naroon. I see them yearly."

He nodded. "Wanna sit?" He motioned to the dining area.

She walked there. Ipinaghila siya nito ng upuan at saka ito tumabi sa kanya. "Niluto mo ang mga iyan?" tanong niya na nakatingin sa limang putahe ng pagkain sa harap niya habang nilalagyan nito ng pagkain ang plato niya.

"Yes. Umuwi ako kanina after lunch at hindi na ako bumalik sa opisina."

Kaya pala nawala kanina sa opisina. Akala niya ay may meeting lang. "Thank you, you shouldn't have."

"Please, huwag natin pag-usapan ang hindi ko dapat gawin para sa iyo. This is here and now. Let us enjoy this bago ka umalis. 

I want you to relax and forget about leaving me in the meantime. Kunwari, it's our anniversary and we are celebrating since hindi na ako makakapag-celebrate ng anniversary with you ano mang pilit ang gawin ko. Let's both enjoy this one."

Napatuwid siya ng upo at tumitig dito.

"Please," he said. His blue eyes were drooping. Hindi niya alam kung pagod ito, stressed out, o nakainom.

Tumango lang siya at ngumiti. This was actually a good idea. 

They could create good memories tonight dahil kung iisipin niya ay naging mabait at maalaga ito sa kanya sa nakalipas na mga araw. She was almost contented to stay in his arms forever. Only, she knew that with Edward it was impossible to happen.

OBSESSION (Completed)On viuen les histories. Descobreix ara