TEN

238 30 13
                                    

💖💖💖

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

💖💖💖

SHE was in her red lace panties and bra. Isinuot niya ang maiksing silk shorts na suot niya kanina paibabaw sa panty. Most were just wearing their underwear.

Surprisingly si Kendi ay may dilaw na string bikini in two-piece. Ibinandera nito ang katawan sa harap ng lahat. She was flawless and thin. 

The men weren't paying attention to the almost naked body around them. Everybody was just enjoying the dip in the pool and the small buffet and barbeque.

Tulad niya ay naka-shorts din ng maiksi si Vivian. Puti ang bra nito. Weng had it all black and silk. Si Edward ay naka-sports string shorts na ang haba ay mataas lang ng bahagya sa tuhod nito. The other men were wearing their boxers shorts.

She felt comfortable. Hinayaan siya ni Edward makipagkuwentuhan sa mga kaibigan at kaopisina niya pero hindi itinatago ang pagtingin sa kanya palagi. Kapag gumalaw siya ay agad na bibiling ito at titingnan niya.

"Grabe na! Hindi pa ako nakakita ng ganyang lalaki, ha! Seryoso na ba iyan?" natatawang tanong ni Vivian. Nasa gitna sila ng pool at nag-uusap lang.

"Shhh," saway niya dito na nilingon ang mga taga-accounting. 

Si Kendi ay panay ang balik sa barbeque. Naroon ang mga boys at nagsasalitan sa grill. The others were smoking. 

Edward was rounding at isa-isang kinakausap ang mga Engineers at Architects na kasama nila. All business. 

Minsan ay nakikita niyang tumatabi dito si Kendi, and Edward, after a few minutes of talking, would pat Kendi on her back and move on to another person, mostly boys, most of the time Ryan.

"Ang landi lang talaga ng babaing iyan," gigil na sabi ni Weng.

Hindi niya iyon sinagot. Hindi niya gustong isipin na pag-aari niya si Edward. Wala silang usapan nito. Walang kasiguruhan. She would live one day at a time as the days went by. Enjoy Edward while it last. 

Gusto niya naman ito. Despite many contradictions, it was still worth coming around and giving it a chance. 

Hindi siya magpapaka-plastic na kunwari ay hindi niya ito napapansin. She was twenty-seven and was way past that. She liked him and she would let him know. Kung hindi man sa salita ay sa gawa.

Nakita niyang papaahon na naman si Kendi mula sa pool at tingin niya ay pupuntahan na naman nito si Edward dahil doon ito nakaharap sa kinatatayuan ng lalaki.

Lumangoy siya papunta sa gilid nang hindi nagpapaalam sa mga kaibigan. She knew they were looking. Umakyat siya sa hagdan habang nakahawak sa steel bars. 

Tuluyan nang nakalapit si Kendi kay Edward, nakatalikod ang babae sa kanya pero nakita niya nang lumampas tingin ni Edward dito para makita siya.

Imbis na puntahan ang lalaki ay dumiretso siya sa barbeque. Sumipol si Dax habang nakatingin sa kanya, ito ang nasa grill. Kinindatan niya ito.

OBSESSION (Completed)Where stories live. Discover now