44: Sapilitan

36 2 0
                                    

CHIDUCK

Tumayo na ‘ko matapos lumisan ni Bulb o ni Liv. Pagtapak ko sa sidewalk ng kalsada napansin ko si Ate Chin, naglalakad at may bitbit na paper bag mukhang nag-grocery.

“Ate Chin!” Tawag ko na kinalingon niya. Siya ang kasama ni Aling Pasing sa work sa bahay ng mga Dimonez.

“Oy, Chiduck. Kamusta?” Masaya niyang turan. Huminto siya sa harap ko. “Tagal kitang hindi nakita, a.”

“Ikaw, kamusta kana Ate Chin?” Balik tanong ko.

“Eto, okay naman, nanggaling ako diyan sa kabilang bahay may binisitang kakilala.” Nakangiti niyang turan, magaan ang vibe, siguro naka move-on na siya sa nangyari kay Aling Pasing.

“Ikaw anong gawa mo dito?” Tanong niya, inikot ang tingin. Hinahanap niya siguro kung may kasama ako.

“Alam mo naman madalas akong sumamba dito sa Mother of God Church.”

“Ah, itong Our Lady of Perpetual Help Parish?”

Tumango ako. Other name lang ‘yung Mother of God. “O, sige na Ate Chin, balik na ‘ko sa loob.”

“Wait, sandali, meron kasi sayong pinabibigay si Aling Pasing, hindi ko naman maibigay dahil ‘di kita namamataan.”

Kumunot ang noo ko. “Ano ‘yon?” Kinalkal niya ang dalang bag.

“Mabuti nalang talaga at lagi ko itong dala.” Turan niya. Hindi rin nagtagal nilabas niya ang isang puting sobre. Inabot niya ito sa ‘kin at kinuha ko naman.

“Ano ‘to?” Tanong ko at tinitigan ang sobre sa kamay. Wala itong kahit anong sulat sa labas tapos nakadikit din kaya ‘diko alam kung anong laman.

“Hindi rin sinabi ni Aling Pasing, e. Sabi lang niya ibigay ko sayo ito. . . bago siya mamatay nung araw na iyon.” Pansin ko ang pagdaan ng tamlay sa kaniyang mata. Lumungkot ito panandalian.

“Huwag na natin pag-usapan, Ate Chin.” Nakangiti kong saad. Ayoko naman maalala pa niya ang nakakalungkot na pangyayari.

“O, sige at tutuloy narin ako.” Ngumiti siya sa huling pagkakataon bago tuluyan lumakad palayo. Kumaway ako at sinundan siya ng tingin hanggang sa lumiko siya sa kaliwang kanto.

Binaba ko ang tingin sa sobre kong hawak. Ano kayang laman nito? Nang akma kong bubuksan narinig ko ang boses ni Motmot.

“Ate!” Napatingin ako sa tarangkahan ng simbahan, napangiti nalang ako ng makita si Motmot na kumakaway doon. Nasa gate siya, naghihintay. Tinupi ko ang sobre at sinuksok sa bulsa ng pants ko. Saka ko nalang babasahin.

Tumingin ako sa kaliwa’t kanan, nang walang dumadaan tumawid na ‘ko at lumapit sa kaniya.

“You’re so matagal.” Ungot niya habang Nakanguso. Natawa ako dahil ang cute niya. Pinantayan ko ang height niya at pinisil ang kaniyang pisngi. Napapiksi siya at sumama ang tingin sa ‘kin. Ang cute.

“I love you.” Turan ko, kahit hindi kami magkapatid by blood. “Let’s go na, inside?”

Tumango siya sa ‘kin. Hinawakan ko ang maliit niyang kamay at lalakad na sana papasok sa simbahan ng may humawak sa balikat ko. Dahan-dahan lumiko ang tingin ko sa kamay na ‘yon. Nakaramdam ako ng panlalamig ng mamukhaan ko ang singsing sa daliri niya.

Napalunok ako.

Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Motmot at binaba ang tingin sa kaniya, nakita kong doon na siya nakatingin sa likod. Hindi ko alam ang gagawin. Parang nag freeze na ‘ko sa kinatatayuan. Ang lakas din ng tibok ng puso ko.

“Bakit umalis kayong magkapatid ng walang paalam, hah!” Naipikit ko ang mata sa kakaibang tinig sa boses ni dad — hindi pala siya si dad. Hindi na siya si dad.

Dinilat ko ang mata at binaba kay Motmot ang tingin, napaawang ang labi ko ng hiklatin ni dad ang braso ni Motmot palapit sa kaniya. Kaagad akong pumiksi sa grasped niya sa balikat ko at sinubukan bawiin si Motmot.

“Ibalik mo siya sa ‘kin!” Giit ko. Sinamaan ko siya ng tingin sa unang pagkakataon.

“Hindi. Sasama kayo sa ‘kin pabalik!” May diin niyang saad. Nakita ko ang pagpiltik ng ugat sa kaniyang sintido.

“Hindi kami sasama!”

May dumaan na galit sa mga mata niya at kaagad hiniklat ang braso ko. Napangibit ako sa higpit ng hawak niya, parang hindi na makadaloy ang dugo ko.

“Sasama kayo sa ‘kin pauwi ng bahay!”

Hinila niya kami ni Motmot palapit sa kotse. Pilit kong hinihila ang katawan, ngunit ang lakas niya. Sobrang lakas niya. Nilingon ko ang simbahan.

“Garu! Garu! Tulong!” Sigaw ko sa abot ng aking lakas. Pero kaagad din tinakpan ni dad ang bibig ko na merong panyo. Nanlaki ang mata ko dahil nakaamoy ako ng pampatulog.

Nanlaban ako pero unti-unti akong nanghihina. Naramdaman ko nalang gusto kong matulog, pero bago pa mangyari ‘yon nakita ko ang nakangiting si daddy?





______






“Ate wake up.”

Nakaramdam ako ng pag-alog sa braso. Dahan-dahan kong dinilat ang mata, medyo umiikot ang paningin ko.

“Are you okay now?”

Dumapo ang tingin ko kay Motmot na nakasampa sa kama ko? Inikot ko ang tingin, tama narito kami muli sa bahay. Kaagad akong napabalikwas ng maalala ang ginawa ni dad — nung demonyo pala. Umupo ako sa kama at hinawakan si Motmot sa braso.

“Kanina kapa dito sa kuwarto?”

Kumunot ang noo niya at umiling. “Doon ako dinala ni dad sa room ko, tapos ikaw dito. Sabi niya ‘wag daw akong pupunta dito pero nandito ako ngayon.”

Tumango ako at niyakap siya ng mahigpit. Masaya akong nandito ang batang ‘to kasama ko. Dumapo ang tingin ko sa pinto. “Nilock mo ba ang pinto?”

“No, Ate.”

Kaagad akong bumaba sa kama at tinakbo ang pinto, malakas ang tibok ng puso. Adrenaline rush yata. Nilocked ko ang pinto, may mga additional lock ang pinto ko at lahat ‘yon ay nilocked ko for our protection. Patay ang ilaw sa kuwarto maliban sa lampshade sa gilid ng kama.

“Ate, how about mommy?” Dumapo ang tingin ko kay Motmot.

“I don’t know either, but we need to be safe.” Sagot ko. Lumapit ako sa study table ko at naghanap ng pwedeng gamitin.

Napatingin ako sa phone kong nagriring. Kaagad ko itong inabot at sinilip, unknown number? I accept the call at tinapat sa tenga.

“Hello?” Tanong ko sa kabilang linya.

“Chiduck, si Father Samuel ito.” Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti nalang. Thanks God.

“Father Samuel tulungan mo kami, pinilit kaming isama pabalik ni dad sa bahay. Wala akong nagawa dahil tinakpan niya ang ilong ko ng pampatulog kanina.” Ramdam ko ang panginginig ng labi.

“Kumalma ka, hija.”

Pinilit kong pakalmahin ang sarili. “Ano pong gagawin ko, Father?”

“Ganito, gshjaug mo lang, jayfjvgajgs kaiydhvam. Sasabihin ko naugdvauak, hhiy hgia.” Nailayo ko ang cellphone sa tenga.

“Father Samuel hindi kopa kayo maintindihan, choppy po.” Turan ko.

“Sabi ko bagsuskehay usjah, jaksgftahjba jau huia vuaiuag kjgaj kvgag. Okay?”

Nangunot ang noo ko. Ano daw?

“Wala po yatang signal.” Nanginginig ang kamay na sagot ko. Hindi nagtagal umugong ang cellphone ko na parang nasira. Kinabahan ako at pilit inaayos ito pero wala, nagkameron ng glitches ang screen. Dahil sa matinis na tunog nilagay ko ito sa drawer sa study table ko.

Napatingin ako sa oras sa gilid ng kama, 11:49pm.







***

Note:

O ‘diba. HAHA.
Sumasakit ulo ko sa pagbabalik tanaw. God Cassy AI pa more. (⁠人⁠*⁠´⁠∀⁠`⁠)⁠。⁠*゚⁠+

Feedback are highly appreciated. (⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)⁠♡


Who Are You ShadowWhere stories live. Discover now