Hindi ko alam kung bakit mas lalong nakakagalit na parang exempted ako. Ano, hindi ako guwapo? Talagang hindi siya naguguwapuhan sa akin?

"Si Shiloh...bakit hindi mo kasama?" bigla niyang tanong.

Kumalma ang ekspresyon ko nang maalalang kakagaling ko lang sa session ko. Namulsa ako sa suot kong jacket at sumandal sa upuan, walang ganang pag-usapan ang nangyari.

I shrugged. "Busy."

Ilang sigundo niya akong tinitigan. Sa bawat tingin niya sa mga mata ko, tila ba may nabubuo siyang dahilan kung bakit ako umiyak.

"Brokenhearted?" he assumed.

Gagong brokenhearted. At sinong iiyakan ko?

Noong inihatid na ang order ko, deri-deritso na ang pag-inom ko. Tahimik lamang siyang kumakain habang ako, idinadaan sa pag-inom ang bigat ng pakiramdam ko.

Gusto kong malasing para deritso na tulog. Pero nakatatak din sa isip ko na hihingi ako ng tawad sa kanya. Gusto ko ring tawagan si Mommy, pero hindi ko alam kung tama ba iyon. Parang iiyak lang ako.

Hindi naman kami nagtagal doon. Gusto ko na rin talagang umuwi at magpahinga. At alam ko, pagod din siya.

I wanted to utter it while we were both in the taxi. Ngunit hindi ko magawa. Hindi ko...masabi. Kahit noong nasa Green Residences na at nakapasok na sa elevator, tahimik lamang ako.

We both went out and stopped in front of our unit's doors. Noong binuksan niya ang pinto, saka ako nagkalakas loob na lingunin siya lalo na't papasok na rin siya.

"Rin," I uttered.

Natigilan ang amba niyang pagpasok at napalingon s akin, kunot ang noo.

"Rin?" He echoed.

"Aldrin? Rin?" I answered. "Nagmamadali kang pumasok eh. Edi pinaiksi ko."

He remained silent. He looked shocked that I had invented a nickname for him.

"Wala bang tumatawag ng ganoon sa'yo?" I asked.

He shook his head. "Wala..."

"Pwes meron na." I shrugged again.

I saw him swallow a bit as he looked at me quietly and pulled his gaze back. I sighed while I gripped the doorknob of my door.

"I sincerely apologize for..." I looked at him wearily. "For...insulting you on that day."

His lips parted. Tumikhim ako at lumunok, gustong iiwas ang tingin, ngunit gusto kong makita niya na seryoso ako.

"It was my ego talking... I said it because I don't like people like you. Iba lang talaga ang tingin ko sa inyo. Sa mga taong pumapatol sa lalaki. Pero naiintindihan ko na ngayon na...mali 'yung ginawa ko."

Walang tao sa pasilyo. Kahit marahan lang ang tinig ko, alam kong malakas na iyon para marinig niya na hindi ako nagbibiro, o hindi ako nakikipaglokohan sa kanya. I meant it this time.

"Pero kaya ko na. I mean...kakayanin. Ayoko lang na...tumatak din iyon sa isip mo at dibdibin mo. I don't mean all of those words. I am not..." I stopped for a while, swallowed a little, then looked at him wearily. "I am not a bully..."

Kailangan ko ng kaonti pang pasensya para maintindihan ko rin kung saan nanggaling ang galit ko. It was me who never acknowledged it. It was me who ignored my trauma first. Sa takot ko na baka pandirihan ako pag sinabi kong nagalaw ako ng bakla, hindi ko man lang nagawang pagtuunan ng pansin hanggang unti-unti ko nalang nakikita kung gaano ka laki ang pinagbago ko. Kung gaano ako naapektuhan sa nangyari at sa ibang tao ko iyon naibubunton.

Behind the Blue Skies (Strawberries and Cigarettes Series #3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant