Panimula

3 0 0
                                    

Ako si Tin, tatlumpung taong gulang. May maayos na pinagkakakitaan, di man kalakihan ng kita pero sapat para sa aking pangangailangan, kung minsan nga may sobra pa. Ako ay bunso sa aming dalawang magkapatid, hindi man mayaman ang aming pinanggalingan ay ubo't naman ng saya at punong puno ng pagmamahalan ang aming pamilya.

Nauna akong nakaramdam ng pagmamahal nung ako'y bata pa, sa isang kababata'y napaka bait na anak at napaka gwapo pa. Sabi nila puppy love lang daw itong nararamdaman ko, pero para sa'kin siya na yung gusto kong makasama sa pag tanda.

Maaga man kami pinaghiwalay ng tadhana, sa edad na walong taon sila ay lumipat na ng Maynila upang doon ipagpatuloy ang pag-aaral. Bagama't maagang naghiwalay ng landas, ay palagi pa rin s'yang sumasagi sa isip ko at umaasa ako na darating ang panahon na kami'y muling magkita.

Hindi man kami pinanganak na mayaman, naibigay naman ng aking mga magulang ang maayos na buhay, nakapag tapos ako sa kursong BSBA Financial Management sa isang pribado at kilalang unibersidad sa bansa.

Sa ika huling taon ko sa kolehiyo, nagkaroon ng mabigat na problema ang aming pamilya, ang dating punong puno ng pagmamahal at saya sa isang iglap ay nabalot ng puot at pagkadismaya.
"Ma, ano ba naman 'to? Kung kelan kami tumanda tsaka kayo lumandi!" pagalit kong sumbat sa akin ina.
"Anak, hayaan nyo na 'ko. Matanda na kayo, gusto ko namang sumaya" salitang dumurog sa aking puso. Sa almost 24 years nilang pagsasama ni Papa, hindi pala siya masaya na kami ang kanyang kasama.

"Anak, hayaan nyo na ang mama nyo. Kung saan siya sasaya, hayaan natin piliin ang kaligayahan nya" ani ni papa na may halong kalungkutan sa kanyang mga mata. Alam ko kung gaano kamahal ni papa si mama, saksi kami ni ate sa mga effort nya para mabigyan kami ng magandang buhay. Dahil lang sa isang lalaki, sisirain yung masaya naming pamilya. "Pa, ano ba naman yan? Bakit kayo papayag na iwan tayo ni Mama?" Paiyak na tanong ni ate kay papa.

Hindi na namin naawat ang pag alis ni mama, awang awa ako kay papa sa mga oras na 'yon ramdam ko na hinihintay nya si mama sa bawat araw na lumilipas. Gusto n'yang suyuin si mama, pero kami na ni ate ang pumipigil sa kanya. Pagkatapos ng kolehiyo ay agad akong nakahanap ng trabaho, hindi kalakihan ang akin sinasahod pero buo ko itong nakukuha, hindi nag nanghihingi sa amin si Papa, para sa kanya hindi naming obligasyon na mag bigay sa kanya dahil sapat naman ang kanyang kinikita at mas nanaisin n'yang gamitin naming ang aming sobrang pera para makaipon para sa aming mga sarili.

Hindi naglaon, muling nakapag asawa si papa, umuwi siya sa Nueva Ecija kung saan sya lumaki, habang ate Kat naman ay nakakita ng opportunity sa Texas, USA. Isa na siyang lisensyadong Nurse sa Texas at doon nya nakilala si kuya John. Filipino-Texan na matagal ng naninirahan sa ibang bansa kasama ang kanyang pamilya. Ako nalang ang natira dito sa Cavite, umalis na din ako sa dati naming tirahan at ako'y nangupahan upang hindi ako malungkot at maalala yung mga masasayang alala ng aming pamilya. Wala nako masyadong balita kay Mama, ang alam ko lang ay paiba-iba siya ng lalaking kinakasama.

Namimiss ko yung dating masaya at masigla naming pamilya, ang bilis ng panahon pinaglayo kami ng panahon. Mahal ko si mama, sinisisi ko siya sa pagkasira ng aming pamilya.

May mga araw na nagdaan, kung minsan si papa ay dumadaan sa aking apartment, ang ate Kat naman ay madalas tumatawag pagkatapos ng kanyang Duty. "Tin, sama ka nalang sa 'kin dito, samahan mo nalang ako dito para dito ka na manirahan." ani ni ate, agad naman akong sumagot sa kanyang paanyaya "Okay naman ako dito ate, nandito buhay ko. Isa pa, baka bumalik si Mama, walang kukupkop sa kanya". "Ikaw anak, kailan mo ba ako ipapakilala sa iyong nobyo?" tanong ni papa sa akin. "Si Papa talaga, binabalik nanaman si Mama, nakita mong iniwan na nga tayo!" pagalit na sabi ni ate. "Wala pa namang nangliligaw sa 'kin, Pa" agad kong sumbat. "Paanong wala, eh nakuha mo ang ganda ng mama mo. Baka naman naglilihim kana sa amin ng ate mo?" pahabol ni Papa. "Wag kayo mag alala Pa, kayo ni ate unang makakaalam pag mayroon na naglakas loob manligaw sa 'kin. Sa laki kong ito, ayaw ata nila ng mas malapad pa sa kanila." Patawa kong sinabi sa kanila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Unforgotten LoveWhere stories live. Discover now