"Yeah! We heard how ugly your reputation here." Sensen said.

"Hindi namin kailangan ng katulad mo." Diretsahang sabi ni Eve.

Nakarinig ako ng pekeng natatawa.

"I'm not a play girl. Kagusto-gusto lang talaga ako ng mga kalalakihan rito. Alam mo na, pretty things!" Pauline sarcastically said.

"Natira ka ba kaya ka hambog ngayon?" Eve bluntly asked.

Hindi ko malaman ang pinag-aawayan ng apat sa likod ko pero mukhang asaran lang ang magaganap ngayon dahil naririnig ko pa rin silang nakasunod sa akin.

Nakarinig ako ng malakas na singhap. Probably it was Pauline. Masyado siyang oa makipagplastikan pero todong todo at nakakaaliw ang mga banat niya.

"Anong natira? Totoo naman sinabi ko. Ang bobo mo lang sa part na hindi mo matanggap ang sinabi ko. Naku! Makakarma ka niyan! You should accept who you are, darling. Being stupid is just part of yours. Love yourself!"

Napalingon ako sa kanila at nakita kong nakangiting nakaheart shape si Pauline habang inis na ang tatlo na nakatingin sa kaniya. Wala talaga akong masabi. Kayang kaya niyang makipag-asaran sa lahat. Kahit mag-isa papatol talaga siya.

Nakangisi akong tumigil nang maghihiwalay na kami. Humarap si Pauline sa akin ng nakangisi.

"Bitch! Take care of my sister, ha! I hate her pa naman."

Kasabay ng pagpalo niya sa pang-upo ko ay nagtatakbo siya sa building nila. Wala akong reaksyon sa kaniyang ginawa. Nasanay na siguro sa pagiging touchy niya.

Nalipat ang tingin ko sa tatlo na nanlalaki ang mga mata.

"What?"

"Did she just spank your ass?"

"Uhm... Yes?"

Nag-alinlangan pa akong sagutin iyon dahil nakita naman na nila. Bakit kailangan pang tanungin?

Sabay silang napataray at nag-unahan na maka-akyat sa building namin. Nagkibit balikat nalang ako habang nakasunod ng tingin sa kanila.

"F-faina. Sorry sa ginawa ng kapatid ko. Gano'n lang talaga iyon. K-kung ayaw mo ng gano'n," Nalipat ang paningin ko kay Mairy. Kinakabahan niyang sinabi iyon at nakatingin sa akin. "Y-you can slap me here..."

Tinuro niya ang kaniyang pisngi kasabay ng pagpikit niya ng mariin. Nakatitig lang ako sa mukha niya.

Nakakatawa dahil nung nakaraan lang isinusumpa ko siya pero ngayon nasa harap at nakatitig lang ako sa kaniya na walang masamang gagawin.

Itinaas ko ang aking kamay at inabot ang salamin niya. Tinanggal ko ito ng marahan. Napatitig ako sa mukha niya. Na-curious lang ako kung anong itsura niya kapag walang salamin.

At hindi ako nagkamali. Bilugin ang mga mata niya. Maganda. It's cute.

Nagtataka siyang napadilat. Naningkit iyon habang nakatingin sa akin. Hindi niya siguro makita ang reaksyon ko. Sinulyapan ko ang salamin niya at sinuot ito.

"Is it good?"

Humarap ako sa kaniya at nagkatitigan kami. Paminsan minsan ay naniningkit talaga ang mga mata niya. Nag-aalinlangan ding magsalita kaya napataray ako.

"B-blurred. Hindi ko makita kas..."

Naglakad ako ng isang beses palapit sa kaniya at nilebel ang aming mga mukha. Napangiti ako nang bumilog ng malaki ang kaniyang mga mata.

"What about now?"

I tilted my head while waiting for her response. Hindi pa rin ba niya makita? Hindi ko alam na ganito na pala kalabo ang mata niya. Kahit malapit hindi niya pa rin makita.

My Nerd CrushWhere stories live. Discover now