4

14 6 0
                                    

Natapos ang araw na iyon na nanghihinayang at iniisip pa rin ang essay ko. Sayang lahat ng effort ko. Anong sasabihin ko neto kay Sir vornio?

Kakapasok ko palang sa gate ng school nang may biglaang may napatikhim sa gilid ko. Napatingin ako doon at nakita ko si Sir vornio na sinisipat ako ng tingin. Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya bilang paggalang.

I greeted him good morning.

"What's wrong, Iha? Is everything alright?" Napatayo ako ng maayos dahil sa tinanong niya. Masyado ba akong halata?

"Yes, Sir vornio." Sabi ko nalang. Ilang minuto pa niya akong pinagmasdan at tumango nalang sa akin.

"Yesterday, you should be thankful to your classmate."

Napakunot ang noo ko doon sa sinabi ni Sir. Pinagpatuloy niya ang paglalakad habang nagsasalita at ako naman ay agad na sumabay sa lakad niya.

"Hinihingal siyang hinabol ako palabas na nang gate para ipasa sa 'ken ang essay mo. Though, masyado akong maagang lumabas no'n sa faculty at pauwi na sana. Buti nalang talaga naabutan niya ako,"

Napalaki ang mga mata ko nang marinig ko sa kaniya ang about sa essay ko.

May kumuha ng essay ko at pinasa kay Sir? Pero sino sa mga classmates ko? Wait, I think I know who he is. For my confirmation I ask him.

"If you didn't know Sir vornio, Alcayde is a good classmate from our section. Siya po ang nagvolunteer na ibigay niya sa iyo ang essay ko." I'm smiling proudly at him.

Napahalakhak siya roon.

"I know I know! Kahit na gano'n ang batang 'yon may pake din siya sa iba.  Alcayde is my top 1 student that I really like. He is always working hard. An independent son…" He is smiling proudly and I know that it was genuine.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad siyang nagpaalam sa akin kaya nagpasalamat ako at nagpaalam na'ring mauuna na.

Nakangiti akong naglalakad paakyat sa building namin. Ang kanina lang na pag-aalala ko biglang nawala. Napalitan iyon ng saya.

Akalain mo 'yon. Siya pala ang nag-abot. Hindi man lang sinabi sa akin kahapon. Magkasama naman kami, nag-usap pa nga. Napanguso ako doon pero agad ding napangiti.

This feeling. It's kind of new for me.

Nang makatapak na sa floor namin ay masaya at excited akong naglakad papunta sa room. Pero bago ako makalapit sa tapat ng room namin ay bumungad sa akin ang dalawang nasa gilid.

May ibang nakatambay sa labas napapatingin sa akin at bumabati pero hindi ko sila pinansin dahil nakatingin lang ako sa dalawa.

Agad na naglakad ang sarili kong mga paa papunta sa kanila. Naka-sideview silang parehas sa akin.

And when I was beside them Rudeus Darren is the first one who stared at me. Parehas kaming walang reaksyon at nilipat ko ang paningin ko kay Keylee. Agad kong nasalubong ang mga mata neto at nginitian siya nang marahan.

"Hi Keylee!" Agad siyang humarap nang buo sa akin at ngumiti.

"Faina! Good morning!" She excitedly said that. Ako na ang kaharap niya ngayon.

Lihim kong tinapunan ng tingin si Rudeus Darren. Sinasabihan na umalis na gamit ang mga mata. I don't know if he understand it pero natagpuan ko nalang siyang unti-unting umatras at pumasok sa room namin.

I consciously smiled at nilipat ang tingin kay Keylee. She was still smiling at me. She's really innocent. Pinakatitigan ko siya sa buong mukha. Maganda siya at maputi tulad ko. Pang mature ang mukha ko pero sa kaniya ang inosente. She's also younger than me. Mas matanda ako sa kaniya ng dalawang taon.

My Nerd CrushUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum