CHAPTER 48 : SCHEME

Magsimula sa umpisa
                                    

Sa sasakyan ay nakabukas ang isang bintana dahil naninigarilyo si Shinn. Walang ibang ingay kundi ang tugtog sa stereo. Ako ang nagdadrive, si Rhea ang naupo sa likod na mukhang nagngingitngit at si Shinn ang nasa passenger seat.

"I didn't know you're a smoker." Sabi ko.

"Don't preach him about that." Sabi ni Rhea mula sa likuran. "He'll die first among the three of us."

Natawa kaming pareho ni Shinn. Umiling ang huli at bumaling sa likuran. "What's your problem with me?"

"Don't ask. Isarado mo nga 'yang pinto at walang kwenta ang lamig ng aircon." Inis nitong sabi.

"That's because you're head is getting hotter each minute." Sagot ni Shinn kay Rhea bago bumaling sa akin habang sinasarado ang bintana ng kotse ko. "Dude, she's a real killjoy, don't you think?"

"You should've listened." Nakangisi kong sagot.

"Parehas lang pala kayong killjoy." Naiiling na sagot ni Shinn. "Is there any upmarket bars nearby? Let's party tonight."

"Oh, my God!" Usal ni Rhea. Lumapit siya sa likod ng upuan namin ni Shinn. "Wala ka bang jet lag? Hindi ba pwedeng i-drop ka na lang namin sa hotel nang pare-parehas na tayong makapagpahinga? I have presentation tomorrow morning."

"Killjoy. Don't you have any enjoyment here, feisty? Masmaganda pa atang nasa New Zealand ka." Sabi ni Shinn na sinegundahan ko.

"Yeah, right." Segunda ko.

"At masmaganda siguro kung nanatili ka na lang sa US kung party lang ang hanap mo." Rhea strikes back with obvious sarcasm.

"Hindi ba pwedeng mag-celebrate?"

"Presidente ka ba para i-celebrate ang pagdating mo? Tigilan mo nga ako, Shinn."

"We can tour you sa ibang araw." Sabi ko.

"I want a tour now." Pagpipilit ni Shinn.

"Punta nga tayong Luneta, Coby, at iwan na lang natin siya ro'n. Nakakainis talaga."

"What's wrong with partying? It's just a night of booze, people. I want to experience it here. You two should bend a little. Both of you are as stiff of barbeque sticks. Relax."

Invariably ,he can't hold his mouth to stop spilling offensive remarks. No wonder he could make us feel obnoxious. We can't blame him, though. That's his kind of nature.

Sa huli ay wala kaming nagawa ni Rhea kundi pagbigyan si Shinn dahil sa tindi nitong mamilit. Napapailing na lang ako.

Pagdating namin sa isang high-end bar sa Global City ay marami na ang tao. Ilang sandali lang kaming nag-usap pagtapos ay dumiretso na sa dancefloor si Shinn. Pinanuod lang namin siyang dalawa ni Rhea at tinatanaw siyang may kasayawan agad na babae.

"Hindi pa rin nagbabago." Rinig kong sabi ni Rhea kahit malakas ang tugtog. Napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang sumisimsim ng lady's drink. "Still a monster who loves firewater, party music and game women."

"Ngayon niya lang din pinaalam sayo na darating siya?" I asked casually.

Tumango si Rhea. "Actually, nasa building pa ako kaya nga nataranta ako nang mag-chat siyang nasa airport na raw siya."

Natawa ako nang marahan. "And I guess, he's going to stay here longer than what he said to you."

"Nakakainis siya! Nakita mo ba yung bagahe niya? Ang dami niyang dala. Parang dito na siya sa Pilipinas titira. Sabi niya sa akin five days lang."

"Sabi niya sa akin isang buwan." I shrugged my shoulder. Rhea shrieked in annoyance while I chuckled. "Hayaan mo na. Babalik rin 'yan sa Cambridge. He's graduating. Hindi pwedeng manatili 'yan dito nang matagal."

Stuck At The 9th StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon