Prinsipe

32 2 0
                                    

"Sino ba kase 'yung nagda-download???! Sobrang lag na!! Putang ina naman!" Sigaw nung lalake sa PC #9. Nagda-download ako ngayon ng songs ng aking favorite singer ko na si Skarlett. Kaka-release nya lang ng mga bago nyang kanta at ura-urada akong tumakbo papunta dito. Hindi s'ya masyadong popular na singer pero sobrang trip ko kase ng mga ginagawa nya. He (Yes, a he, character nya lang yung Skarlett) sings about different stuff like, sorbetes, batuta, anything double meaning. Yung tipong kahit si Lola napapaindak kahit yung kanta ay tungkol sa first time ng isang matandang bading na hindi nakapaglinis ng kanyang puerta. Ang bongga diba, bukod sa catchy yung music nya, very educational din.

"TANGINANG YAN! Mamatay sana yung nanay nung nagdadownload na yan!" Tangina naman neto ni Kuya! Kung makasigaw naman parang s'ya may-ari ng mundo. Muntik ko nang patulan si kuya kundi ko lang naalala na patay na nga pala yung nanay ko.

...

"Ay girl, ako na!"

"Try ko lang!"

Ang gagaslaw naman ng mga katabi ko.

".. Uhhh, try nyo nga i-search si Madel, sigurado hindi papahuli 'yung bruha na yun. Check nyo nga kung friend nya na." Malakas na daldalan sa katabi kong PC. Parang kanina pa silang tatlo may hinahanap at parang kinikilig sila so hindi ko napigilang makiusyoso. Parang pati mga pukeyla nila naririnig ko ding nagtitilian. In-on ko yung kaliwang tenga ko at tinapat ko sakanila para masagap ko ang chismis. Tila may gusto silang i-stalk na gwapo. Pangalan lang ang alam nila kaya hirap silang hanapin.

"..Parang wala teh! Parang hindi pa alam ni Madel."

"Baka di ina-accept, di naman lalabas d'yan kung di sila friends e. Sabagay di naman natin masisisi si Prince. Siguro akala nya, manang."

"Hoy teh, may makarinig sa'yo.."

"Bakit totoo naman? Nakita nyo ba profile pic nya? Nakasalamin akala nya mukha s'yang nerd."

"Try ko kaya si Enzo, guys? Malapit ang bahay nya sa karenderya, diba?"

"Ay oo nga bhe, talino mo dun.."

Rinig na rinig yung desperation sa bawat clack ng keyboard nila.

"..Wale eh, walang Prince dito eh."

"Eh ang boboba n'yo naman kase, bat naman 'yun ifi-friend ni Enzo? Nag-iisip ba kayo? Babae yung hanapin n'yo o beki! Si Hannah Mae na nasa katapat lang. Yung parlor ilang tumbling lang yun dun.. Ano ba yan, parang hindi kayo mga elementary graduate! Basic arithmetic di nyo alam!"

"Sorry naman, Madam!"

"Galit agad si Madam. Gumanyan ka pa kamukha mo na si Principal teh."

"Che!"

2 results found.

"--Ayan! Merong Prince!"

"Asan?!"

"Shet, dalawa.. Alin d'yan?"

"Click mo yung picture... —Pfft! Parehong panget! Tangina, wala! Back mo!"

"Ano ba yan!"

"Teka, kilala n'yo ba 'yung isang tagaluto dun sa eatery na 'yun? Yung lalaking mukhang palaka?"

"Si Raul?"

"Hindi si Raul, mukha bang palaka yun? Mukha 'yun daga teh!"

Kung makapagsalita naman 'tong mga to, parang hindi mga mukhang buwitre.

"Sure ba kayong merong FriendChat account yun si Prince? Baka naman wala."

"Sa gwapo n'yang yun, malamang mahilig 'yun magpo-post ng sarili nya! Yung mga panget nga maya't-maya magpalit ng profile pic eh, tingnan nyo yung account nito!"

MariWhere stories live. Discover now