Junior

111 2 1
                                    

2013



Alam nyo ba yung pakiramdam na may gusto ka sa kaibigan mo pero hindi mo masabi kase takot ka na masira yung friendship nyo? Pero minsan naman, hindi mo mapigilang isipin na, hmm.. parang may chance. Pano kung pareho pala kayo ng nararamdaman? Hanggang sa, lahat ng kilos n'ya binibigyan mo na ng kahulugan. Tapos malulunod ka kakaisip, paano kung ganito, ganyan?... tas bigla ka tatampalin ng katotohanan. Pano kung wala naman talaga? Pano kung nagmumukha ka lang tanga? Pero pano nga kung meron? Pano kung takot lang din pala sya? Tapos hinihintay ka lang na din n'ya na may sabihin? Eh pano nga kung nagsasayang ka lang ng energy kakaisip para lang sa wala? Paulit-ulit ng paulit-ulit na parang cycle. Alam nyo ba yung feeling na yun?

Ako, alam ko.

Alam na alam. Been there, actually. Super nakaka-drain. Pero enough about me. Kase hindi naman talaga to tungkol sakin. Nagsusulat ako ng novel. Yung parang sa mga e-book. Wala lang. Ito yung pinagkakaabalahan ko ngayon pag meron akong free time, which i have a lot, kase bakasyon. Gusto ko gumawa ng love story na parehong boy yung bida. Parang wala pa kase akong nababasa na ganun. I mean, maraming kabaklaan na posts sa friendChat app kaso halos puro kalibugan lang. Mga 'sinibak ni insan', 'yung bestfriend kong seaman', mga ganon. Eh ayaw ko naman nun. Ang gusto ko is yung pa-crush crush lang.. May kalandian yes, pero hindi rated SPG tulad nung mga naninilip sa mga tito nila na may walong pulgadang tarugo.

Anyway highway, back to the topic. Yung naisip kong title sa first book ko na 'to is..wait actually di pa final to, "King of the Playground". Oh diba? Aminin, interesting. Bale simple lang naman yung plot nya, about sya sa dalawang childhood playmates. Yung isa is may crush dun sa isa tapos magkakahiwalay sila, tapos mag me-meet ulit bigla during high school. Yung isa lumaking panget na nerd tapos yung isa naging campus playboy. Tapos ayon, bigla silang nagsubuan ng tit--- HOY WALANG GANON! Huminahon nga kayo. Anyway, let me read you some parts na nasulat ko na so far. Let me know what you think.

----------------------------

Chapter 1 - Royals

"Uy Joe! Humanda ka saaking Super Lightning Dragon Sword! Level 100 Thousand Pesos na ang lakas ng aking powers! Nararamdaman ko na ang apoy saaking katawan! WWAAAHHHHH!" Sigaw ni Roy suot ang kanyang armor at espada na gawa sa karton. Ihinanda naman ni Joe ang kaniyang sarili sa pag atake.

"Ako meron akong Magic Shield na gawa sa bakal mula sa ibang planeta! Kahit anong attack mo hindi ako tatablan! Kaya ko din kontrolin ang mga bagay sa pailigid kaya hindi mo ko matatalo kase kaya ko kontrolin pati yang espada mo! Atsaka– atsaka kaya ko din maging invisible! Oh ano?" Sagot naman ni Joe na ayaw patalo sa mga kanyang kalaro. Seryosong-seryoso ang dalawa na para bang ang palaruan ang isang malawak at mahiwagang kapatagan kung saan sila magdudwelo para sa pag-ibig ng isang magandang dilag.

"Ang daya mo naman! Ako nga espada lang tapos ikaw ang daming powers?"

"Ganon talaga! Talented ako eh!"

"Talented". Napapahagikhik talaga ako pag nababasa ko yung linya na yun. Ayaw paawat! Kulang nalang mag transform sya parang sa winx club. Anyway, yung part na to, naglalaro silang dalawa kunware parehas sila prinsipe na nag-aagawan sa isang prinsesa. Ang nakakatawa dito, itong si Joe, umay na umay na. Kase, ang gusto nya talaga deep inside is maging prinsesa ni Roy. Wala naman magawa si akla kase alangan namang sabihin nya. So todo acting nalang sya na kunware gusto nya makuha yung kadiring malansang bilat. Ang saklap naman nung feeling na yung kalaban mo talaga yung gusto mo noh.

Nagdwelo ang dalawa na para bang tunay na nagliliyab ang kanilang mga armas at naghabulan na para bang totoong nakapagbibigay ng bilis ang kanilang mga kumot na kapa. Lahat ng mga atake ni Roy ay matuling naiiwasan ni Joe. Habang ang mga atake naman ni Joe ay asintado ngunit tila daplis lamang kay Roy. Inabot ang kanilang paglalaban ng mahabang oras, hanggang sa hindi na kayanin ni Joe ang pagod at maya-maya ay sumuko na ito. Kababakasan ito ng pagkayamot na hindi man lang napapansin ni Roy na tuwang-tuwa sa kanyang pagkapanalo.

MariWhere stories live. Discover now