Chapter 1

5 0 0
                                    

Jia's POV


      "Here's your order sir." Linagay ko yung iced coffee at ang sliced chocolate cake sa kaniyang lamesa. "Thank you." Bumalik ko sa counter, marami kasing customers ngayon, since Monday ngayon.



Salamat nalang talaga, tapos na ako sa plates ko at e-papasa ko nalang yun so may extra time pa ako sa trabaho. "Jia malapit kana mag-out?" Tanong sa akin ni Lillie habang gumagawa ng kape.



Liningon ko siya, "Oo, eh pupunta pa ako sa gig ni Dio." Tinaasan lang niya ako ng isang kilay, "Hindi ba talaga kayo mag-jowa?"



I just chuckled, "Hindi nga, mag bestfriend lang kami noh." Oo, mag best friends. Medyo sumakit puso ko sa isipang 'yon, pero hindi ko na inisip para di na ako masaktan.



"Oh sige, sabi mo eh, basta ako supprot lang ako sayo, kahit alam kong gaga ka." Tinawanan ko nalang siya. Bumalik lang siya sa pag-gawa ng kape at ako naman nagte-take ng order sa counter. Until nag 6 pm, nag-clock out na ako. 



Lumabas ako sa cafe, balak kong pumunta sa place ng gig ni Dio. "Huli ka." Na pa talon ako sa gulat. Pinalo ko yung balikat niya.



"Akala ko ba di mo ako susunduin." Linagay niya ang helmet sa ulo ko. "May gig ako at dapat nandon ka." Sumakay ako sa likod niya, yung motor niya kasi yung dala niya ngayon.



Kinuha niya yung kamay ko at pinalibot sa katawan niya. "Baka mahulog ka na naman." Tumawa pa talaga ang gago, sinamaan ko lang siya ng tingin. Pina-paalala na naman niya yung nangyari noon, nahulog kasi ako sa motor niya.



Pagkatapos ng ilang minuto nandito na kami sa kung saan sila magi-gig. "You sit there, para makita mo talaga ako, pag-tumugtog ako." Nginisian pa niya ako, yabang talaga nito. "Uy Jia nandito ka pala, picturan mo ko mamaya ha." Sabi ni Jhyke, siya yung eletric guitarist nila. Siniko naman siya ng isa pa nilang ka member.



"Watch your words and your mouth, baka mawala ka na bukas." Tinampal lang ni Jhyke ang balikat ni Cavin, si Cavin naman ay ang pianist nila. Lima kasi sila sa grupo nila, si Dio yung drummer.



Tinignan ko si Dio at medyo masama na naman yung mukha niya, nasa backstage kami ng biglang may pumasok. Si Calvin at si Halo, the lead vocalist at si Halo yung guitarist sa kanilang grupo. "Everybody ready?" Tanong ni Calvin.



"Yes boss." Sabay sabi nilang lahat, si Calvin at Cavin ay fraternal twins, hindi sila mag-kamukha.  Nagsi-labasan, "Goodluck sa inyo." Sabi ko, "Pwede bigyan mo ng goodluck kiss Dio namin, para naman maganda yung butsi niya pag-tumugtog siya." Pag-bibiro ni Cavin, tumawa lang yung ibang ka-grupo nila, sinamaan ko lang ito ng tingin.



Habang si Dio naman ay napaka-seryoso ng mukha, nung lumabas na sila at si Dio nalang yung natira at ako, "Goodluck sayo." 

Ano ba talaga tayo?Onde histórias criam vida. Descubra agora