DU 3

4 0 0
                                    

"Hanapin na kaya natin sila Ma'am?" suhistyun ng ni Mira sa kaniyang mga kaklase.

Nagsitinginan ang estudyante dahil sa suhistyun ni Mira. May pagdadalawang isip ang mga estudyante na hanapin ang kanilang mga guro.

Ilang oras na kasi silang hindi bumabalik. Ang sabi ni Niko ay may pinuntahan lang daw ito dahil may narinig silang pagsabog.

"Ano? Payag kayo?" napalingon ang lahat ng magsalita si Kiyo.

Buong tapang silang pumayag na hanapin ang kanilang guro.

Sa kanilang dami ay gumawa sila ng grupo. Base sa bilang ng building ay ganon din ang bilang ng grupo.

Si Niko ay nasa unang grupo, si Kiyo ay nasa pang-apat na grupo habang si Mira naman ay nasa panganim. Pagkatapos nilang magplano ay nagsipuntahan na sila sa mga building kung saan sila iniasign.

Pagpasok palang nila Kiyo sa building no.4 ay nanindig na ang kanilang mga balahibo. Inilawan nila gamit ang kanilang mga cellphone ang daan.

"Kayo sa gitnang hagdan" itinuro ni Kiyo ang grupo ni Papua. "Kayo sa kaliwang hagdan" itinuro nanaman ni Kiyo ang grupo ni Mimi. "At kami dito sa kanang hagdan.

Pagkatapos noong paguusap ay nagsipuntahan na sila sa hagdan. Gamit ang cellphone ay gumawa sila ng senyas na umakyat na.

Si Kiyo ang nauna at ang sa hulihan naman ay si Tim. Pinagigitnaan nila ang iba nilang ka grupo.

"Psst!" napahinto sila sa hagdan ng may marinig silang sitsit.

Pinatay ni Tim ang kaniyang ilaw at ganon din si Kiyo. Dahan dahan silang umupo sa hagdanan upang pakiramdaman kung sino ito.

"Maam Jean?" pagtawag ng isa nilang kasama.

Agad na tinakpan ang bibig nito ngunit huli na dahil narinig na sila ng kung sino man ang nasa dilim.

"AHHH! SINO KA!" ang sigaw ni Tim habang hinihila pababa ng hagdan.

Nagsitakbohan pataas ang iba nilang kasama habang si Kiyo ay pilit na hinihila pataas si Tim.

"TANGINA MO!" takot man ay nagawa paring magmura ni Kiyo. Tiyak siyang tao lang din ito ng paaralan.

"KIYO PLEASE DONT LET GO!" umiiyak na sabi ni Tim.

"IKAW ANG HUWAG BUMITAW!" sigaw naman ni Kiyo.

Pilit niyang hinihila si Tim pataas ngunit masyadong malakas ang nasa ibaba.

"KIYO–AH!" biglang gumaan at nahila ni Kiyo pataas si Tim.

Dali daling binuksan ni Tim ang ilaw ng kaniyang cellphone at nanlumo sa kaniyang nakita.

Humihinga pa ngunit duguan na ang ulo ni Tim. "Please dont die!" umiiyak niyang sabi at pilit na pinipigilan ang pagtagos ng dugo.

"K-Kiyo.." sambit ni Tim.

"Dont speak, you idiot!" singhal niya kay Tim.

Hinaplos ni Tim ang pisnge ni Kiyo at pinunasan ang luhang bumabasa nito. "I...l-love...y-yo-you..Kiyo"

Kasabay ng pagpatak ng luha ni Kiyo sa noo ni Tim ay bumagsak din ang kamay ni Tim na nakahawak sa kaniyang pisnge.

Death UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon