DU 4

4 0 0
                                    

Sa harap ng elementarya ay may mga batang naglalaro ng pico cross. Habang abala sila sa paglalaro ay napansin ng isang batang lalaki ang ginoong natutulog sa ilalim ng puno ng bayabas.

"Huy, Loloy ikaw na!" hindi pinansin ng batang lalaki ang pagtawag ng kalaro niya.

Tinitingnan parin nito ang ginoo. Ng hindi na niya matiis ay nilapitan nito ang lalaki.

"Manong, manong why are you sleep under the guava tree?" tanong ng batang lalaki.

Nagising ang lalaki at tinitigan ang bata. Magaan ang kaniyang loob sa bata kaya hindi niya naisipang saktan ito.

"Bakit ka po naka tingin ng straight sa eye ko? Meron po ba kayong son na look like me?" ang conyong tanong ng bata.

Gumuhit ang ngiti sa labi ng lalaki. Naalala niya noong kabataan niya. Ganito rin siya kung magsalita.

"Gusto mo bang sumama?" tanong ng lalaki.

"Kung magte-tell kayo ng story sa amin sasama ako sa'yo" kondisyon ng batang lalaki na nagpangiti sa mama.

Umayos ng upo ang lalaki at tumikhim. "Tawagin mo ang kasama mo" tiningnan nito ang direksyon ng mga batang naglalaro.

"Wait ka lang manong ha" agad na tumakbo ang batang lalaki papunta sa direksyon ng kaniyang kalaro.

Niyaya niya ang kaniyang kalaro na lumapit roon sa mamang nakita niya. Hindi naman nag-enarte ang mga ito at sumama.

"Manong Mama! Manong Mama! We're here na po" malaking ngiti ang gumuhit sa labi ng batang lalaki.

"Umayos kayo ng upo" ang kaniyang utos sa mga bata.

Umayos naman ng upo ang mga bata at handa talaga itong makinig.

"Ako si Mario De Guzman at isa akong guro sa unibersidad.." saglit siyang huminto at tiningnan ang mga mukha ng mga bata. "Alam niyo ba kung anong unibersidad?" tanong niya.

Nagtinginan naman ang mga bata at umiling ng tumingin sa kaniya. Mahinang natawa ang lalaki at napayuko.

"Unibersidad ay University, isang malaking paaralan or school" pagpapaliwanag niya.

Manghang pinagmasdan ng mga bata ang ginoo at ngumiti ng malaki.

"Continue niyo na po ang story" napangiti ang lalaki ng makita niya ang batang nakangiti.

Minsan lang sa buhay niya ang pakinggan ng mga estudyante. Hinggil sa kaniyang kaalaman na ayaw ng mga estudyante sa kaniya dahil sa kaniyang boring na pagtuturo.

"Isang araw ay natalo ako ng isa kong estudyante. Nainis ako dahil pinagtatawanan nila ako" nahinto siya sa pagsasalita ng kumandong sa kaniya ang batang lalaki.

"You are crying po" pinahiran nito ang luhang naglandas sa kaniyang pisnge.

Hinawakan ng lalaki ang kamay ng bata at ngumiti. "Salamat"

"What happened next?" tanong ng matabang batang babae.

"Dahil sa galit ko, pinatahimik ko silang lahat. I dont want to hear them laughing at me" buong tapang niyang sabi.

© Jemoyeo

Started April 25,2024
Edited Version: May 21, 2024

Death Universityحيث تعيش القصص. اكتشف الآن