DU 2

6 0 0
                                    

Habang tahimik na naglalakad ang batang lalaki kasama ang kaniyang tiyahin ay may tumabi sa kaniyang lalaki. Mataas ang balbas, marumi ang katawan, walang suot na tsenelas at may hawak na bangkaw.

Nilingon niya ang lalaki at nanindig ang kaniyang balahibo ng magtama ang kanilang mga mata.

Ang mga mata ng lalaki ang nanlaki at ito ay nakangisi. Hindi ito tumitingin sa daan ngunit hindi ito natitisud o nadadapa.

Nanatiling nagtitigan ang mga ito habang naglalakad. Ng hindi na natiis ng bata ang kaniyang takot ay hinila niya ang laylayan ng damit ng kaniyang tiyahin. Tumingin sa kaniya ang kaniyang tiyahin at tinaasan siya ng kilay.

Gamit ang nguso ay itinuro niya ang lalaking nasa kaniyang tabi. Binalingan naman ito ng tingin ng kaniyang tiyahin ngunit kalmado lang ito.

Pabalik balik ang tingin ng batang lalaki sa kaniyang tiyahin at sa lalaki. Mukhang may pinaguusapan ang nga ito dahil bumubuka ang kanilang bibig. Pero bakit wala siyang naririnig?

Isang babaeng blonde ang kaniyang nakita ngunit ito ay malayo ng isang metro sa kanila. May kasama ang babae na babae ngunit itim ang buhok nito. Naglalakad ngunit hindi naman naaalis sa kanilang kinatatayuan.

Huminto ang lahat sa paglalakad at nakangising lumingon sa kanilang direksyon ang babaeng blonde. Dahan dahang itong lumapit sa kanila kaya naman ay mas lalong humigpit ang paghawak niya sa laylayan ng tiyahin niya.

Ng tiningala ng batang lalaki ang kaniyang tiyahin ay kausap parin nito ang lalaki ngunit nanlaki ang kaniyang mga mata ng makitang nakatingin sa kaniya ang lalaki ang nakangisi. Ganon parin, nanlilisik ang mata nito.

Nanginginig na nilingon ng batang lalaki ang babae kanina lumalapit sa kanila. Ngayon ay nasa tabi na niya ito. Nakayuko sa kaniya at nakangisi tulad ng lalaki ay nanlilisik din ang mga mata nito.

May sinasabi ang babae ngunit hindi niya ito marinig. Pilit niyang pinapakinggan ngunit hindi parin. Hindi parin nya ito naririnig.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na sa tabi ng kaniyang kasama ang babaeng blonde. Nakatingin parin ito sa batang lalaki kahit na bumalik na ito sa paglalakad.

"Saksakin mo.." rinig niyang bulong ng isang babae. Ngunit ng lingonin niya ito ay wala namang tao.

"Psst!" isang sitsit ang kaniyang narinig kaya nilingon niya ito.

Ang lalaking iyon!

Ang kaniyang ngipin ang maganda at maputi ngunit ang kaniyang mata ay pula at nanlilisik.

Bakit ba hindi maalis ng lalaking ito ang kaniyang tingin sa batang lalaki.

Yumuko ang kaniyang tiyahin sa kaniya at bahagyang ngumiti. Ng iangat na niya ang kaniya tingin sa daan ay nasa harap na sila ng malaking gate.

Tiningala niya ang ibabaw ng gate at nakita niya ang pangalan na nito.

"Beach Paradise"

Gumuhit ang ngiti sa labi ng batang lalaki ng makapasok na sila sa loob ng beach. Maraming tao ang abala sa paglalaro at marami ring naliligo.

Naglakad lakad ang batang lalaki hanggang sa makarating siya sa may mga maraming tao na nakaupo sa buhangin. Pinapanood ng mga tao ang isang lalaki na nagpapatawa kaya naman ay umupo rin siya at nakita tawa.

Biglang nagkagulo ng may lalaking pumunta sa harap at sinaksak ang lalaking nagpapatawa. Ang lalaking iyon ay ang nakatabi niya kanina sa paglalakad.

Pagkatapos saksakin ang lalaki ay tumingin ito sa kaniya. Ngumisi at nanlilisik ang mga mata.

*.*.*.*

Gamit ang baril ay nagpapotok si Mang Isko sa ere. Ang kaninang nagkakagulo ay biglang naging normal at lahat ng atensyon ay sa kaniya nakatuon

"Itigil mo'yan!" sigaw ni Mang Isko sa lalaking nansaksak.

Ngumisi lang ito at tumakbo papunta sa tabing dagat. Hinabol ito ni Mang Isko at pinapaputokan. Sa hulihan ay napagod rin ito at huminto.

"Lumabas ka ng beach at huwag kang manggulo dito!" singhal ni Mang Isko habang nakatutok ang baril sa lalaki.

Walang emosyong nakatingin kay Mang Isko ang lalaki at yumuko. Naglakad ito papunta ng gate dala ang kaniyang duguang bangkaw. Sinundan ni Mang Isko ang lalaki hanggang sa makalabas na ito ng gate.

Lumingon ang lalaki kay Mang Isko at ngumisi. Parang ipinapahiwatig nitong hindi pa sila tapos.

Bumalik ang sigla ng beach ng mawala na ang lalaki kaya naman ay mapayapa ng nakaupo si Mang Isko sa entrahan ng beach.

*.*.*.*

Pasipol sipol na isinara ni Mang Isko ang gate ng beach resort at ng ikakandado na niya sana ito ay may kung ano mang bagay na tumama sa kaniyang ulo dahilan upang matumba ito sa lupa.

Saglit na nawalan ng malay si Mang Isko at ng gumising na siya ay nakita niya ang isang paa. Isang maruming paa sa kaniyang harapan.

Nakaramdam siya ng pagkirot kaya hinawakan niya ang likod ng kaniyang ulo. Ng tingnan na niya ito ay nanlaki ang kaniyang mga mata. May dugo! May dugo ang ulo ni Mang Isko.

Galit niyang tiningala ang may gawa non ngunit para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng makita niya kung sino ang may gawa nito.

Nakangisi at nanlilisik ang mga mata.

"Hayop ka!" nanghihinang sigaw ni Mang Isko.

Akmang tatayo na sana ito ngunit malakas siyang sinipa ng lalaki dahilan upang gumulong siya sa lupa.

Napaungol sa sakit si Mang Isko at niyakap ang tiyan niya na sinipa. May katandaan na si Mang Isko kaya mabilis lang itong masaktan at manghina.

Tumingin si Mang Isko sa lalaki at may sinasabi ito ngunit hindi niya marinig. Umatras atras si Mang Isko ng maglakad papalapit sa kaniya ang lalaki.

Ang kaniyang hawak na bangkaw ay itinutok niya kay Mang Isko. Nakangisi lang ang lalaki at walang bakas ng awa ang gumuhit sa kaniyang mukha.

Napatili si Mang Isko ng apakan ng lalaki ang kaniyang paa. Sinipa sipa niya ito ngunit hindi ito natutumba.

Malakas ang lalaki at mabigat hindi ito kakayanin ni Mang Isko.

Ng itinaas ng lalaki ang kaniyang bangkaw ay napapikit si Mang Isko. Nagdasal siya habang hinihintay ang kaniyang kamatayan.

Lumipas ang ilang oras ay hindi parin siya nakaramdam ng anomang sakit. Unti unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata ngunit tanging dilim lang ang sumalubong sa kaniya.

"Nasaan ako?" tanong ni Mang Isko.

Kung hindi pa ito ang kaniyang kamatayan, bakit siya nasa madilim na silid at tiyak na magdadala sa kaniya sa bingit na kamatayan.

"Kayo na po ang bahala sa akin"


©Jemoyeo

Started: April 25, 2024
Edited Version: May 21, 2024

Death UniversityWhere stories live. Discover now