destiny that meant to be broken

7 0 0
                                    

" anak ko ba siya zarah? " galit na tanong nito saakin.

at bakit kelan pa ba siya nagkaroon ng pake saakin? samantalang noon hinayaan niya lang ako na malunod sa kawalan

"h-hindi mo siya anak" pagsisinungaling ko

simula ng iwan niya ako ay hindi ko na sinabi sa kanya ang tungkol sa pagdadalang tao ko

"magsabi ka ng totoo zarah, sabihin mo, ako ba ang ama niya!?" sa pagtaas ng boses niya ay agad naman umiyak ang aking anak na ngayon ay buhat ko

"can you please lower your voice, natatakot ang anak ko" madiinang sabi ko rito at tila naman nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha

"okay look, i'm s-sorry, gusto ko lang malaman kung anak ko ba siya, kase kung oo, aakuin ko siya at ibibigay ko ang apelyido ko sa kanya" mahabang lintayan niya, bigla naman kumunot ang noo ko

"look zack, kahit ikaw pa ang ama ni carys ay hindi ko pa rin hahayaang dumikit ka sa kanya, d-dahil simula noong iniwan mo ako ay kinalimutan na kita at nangako ako sa sarili ko na kelan man ay hindi kita hahayaang makalapit sa anak ko" naluluhang sabi ko rito

"aayusin natin ang lahat okay? mahal mo pa naman ako di ba? " piyok na saad nito

"tama na zack umalis kana" utos ko rito

"please zarah, hayaan m-mo akong ipakita sayo na magbabago na ako na hindi nakita iiwan ulit" saad nito

masakit man para saakin na makita siyang umiiyak ay hindi ko pa rin magawang kaawaan siya, dahil na rin siguro sa galit na nararamdaman ko

"sige hihintayin ko iyang sinasabi mo, umalis kana" sabi ko rito at agad naman niya akong niyakap at hinalikan niya ang noo ng anak nam-ko...

"salamat zarah, pangako babalik ako at makukumpleto tayo" saad nito at hinalikan ang aking kamay

destiny that meant to be broken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon