Prologue

0 0 0
                                    

Sabi nila ang edukasyon ang pinaka importante sa lahat ng bagay at ang kaalaman ay kayamanan.

Kung iisipin tama naman sila, sa panahon ngayon mahirap maghanap ng desenteng trabaho na di nagre-require ng degree o edukasyon.

Kaya simula nang imulat ko ang aking mga mata sa mundong ito, di ako nagsayang ng pagkakataon upang mag-aral ng mabuti.

Nerd man kung maituturing, wala eh, eto lang ang makakaya ko para maiahon sa hirap ang mga tulad naming hindi naman pinanganak na mayaman.

Minsan napapansin ko din na hindi ako nakakasabay sa uso, na para bang di ako belong sa society at generation na ito.

Pero kahit ganun pa man, thankful ako sa mga kaibigan ko'ng di ako iniwan simula ng umpisa.

Maliit man ang circle friends namin, atleast walang peke at siraan.

Nagsimula ang lahat ng kami ay nasa elementarya at nagpapatuloy parin ang aming pagkakaibigan.

Syempre, minsan di din mawawala ang mga away at di pagkakaintindihan pero masusulusyunan din naman agad, after all yun ang nagpapatibay sa friendship.

Kaya hanggang ngayon kami ay magkasama at kumpletong tutuparin ang aming mga pangarap.

Pero speaking of pangarap, oo, pangarap ko maging mayaman pero, di ko alam kung anong gusto ko maging...

"Malapit na nga pala graduation nyo, anong kukunin nyong kurso?" Tanong ni tita Jen habang nilalapag ang mga pagkaing hinanda nya.

Siya ang mama ng isa sa mga kaibigan kong si Roselyn.

"Ako po criminology, gusto ko po kaseng maranasan maging pulis." Sagot ni Miel.

"Ayaw mo mag-acountancy? Sayang naman magaling ka pa naman sa math." Nanghihinayang na saad ni tita.

"Naku tita, sarili ko ngang problema di ko masolusyonan, yung problema pa kaya ng iba." Natawa nalang si tita sa sinabi ni Miel.

"Ikaw Eli?"

"Sa states po ako mag-aaral, business ad po kukunin ko." Nakangiting sagot naman ni Eli.

"Ganun ba? Edi hindi na pala kayo magkakasama." Bakas ang panghihinayang sa boses ni tita.

"Oo nga Ma eh, wala daw iwanan pero iiwanan na kami." Sabat naman ni Lyn.

"Oa nito, babalik din naman ako dito paminsan-minsan.''

Kumuha nalang ako ng fries sa mangkok tsaka sinubo yun.

"Ikaw Rylie?" Sa Akin naman bumaling si tita.

"D pa po ako sure eh, pero meron na rin po akong iilang pagpipilian." Sagot ko sabay inom ng orange juice.

"Ako Ma, kukunin ko tourism." Singit ni Lyn.

Binatukan naman siya ni tita sa pagsabat.

"Alam ko, oh sige na dyan lang kayo ah, enjoy." Nakangiting paalam ni tita.

Nagpasalamat naman kami sakanya bago siya makalabas ng kuwarto.

Susubo sana ulit ako ng fries ng kurutin ako sa tagiliran ni Miel dahilan upang mapadaing ako.

"Aray! Bakit?"

"Akala ko ba sure kana sa law?" Tanong sakin ni Miel.

"Oo nga, diba ikaw pa nga maglalabas sa amin sa kulungan pag kami nakulong?" Sang ayon naman ni Lyn sabay kagat ng turon.

"Ihh, ang daming bayarin pag law, ico-consider ko muna." Dinahilan ko.

"Puro ka kaya consider ano ba talaga?" Tanong ni Eli habang pumipili ng movie na papanoorin namin.

"Ewan." Kibit balikat ko.

"Ayy alam ko na." Kinuha ko ang cellphone ko at May binuksang app doon.

"Ano na naman bang gagawin mo?" Dungaw ni Miel sa cellphone ko.

"Sandali."

Pagkatapos ng ilang segundo pinakita ko na sa kanila ang cellphone ko.

"Oh ito."

"Seryoso ka d'yan?" Tinigil pa ni Eli ang kaniyang ginagawa para lang makita kong seryoso ba talaga ako.

Tumawa naman ang dalawang bruha sa gilid habang si Eli naman ay nagpipigil ng tawa.

"Huwag kayong tumawa seryoso ako."

Hinarap ko ang cellphone ko sa sarili ko at pinindot ang spin button ng color wheel.

Tumabi naman sila sa akin at tinignan ang resulta.

"Good luck."






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When The Sun Rise Where stories live. Discover now