Room 07 Part10

0 0 0
                                    

Kaparehong oras nang byahe namin papunta sa Pangasinan ang oras ng byahe namin pabalik sa Manila, magkalapit sina Andie at Third sa may unahan namin ni Russell, I'm totally exhausted dahil ilang araw ng hindi maayos ang tulog ko, pero umaasa ako na ngayon ay matatapos na ang creepy, weird things na ito dahil matatapos na ang paghihintay ni Yassy sa Room 07 ngayong kasama na namin si Third pabalik sa kanya kagaya ng sinabi n'ya ay hihintayin n'ya lamang ang pagbabalik ni Third, siguro naman ay matatahimik na si Yassy kung sakaling magkaroon na ng sagot ang lahat ng mga katanungan n'ya, at makalalaya na rin sa mga pagsisisi si Third sa lahat ng maling desisyon na nagawa n'ya sa buhay.

Nakatulog kaming apat sa mahabang byahe at dahil Friday na nga pala ay sobrang traffic sa kalsada. Halos hindi umuusad kaya nakarating kami sa apartment ng almost 9PM na. Medyo palalim na ang gabi, iniintay kami ni Nanay Sita doon sa baba malapit sa kanyang information desk, wala pa ang mga Call center agent sa apartment dahil 10PM, 2AM, at 4AM ang schedule ng umuuwi sa gabi at madaling araw, mga stud'yante lang ang nandito ngayon sa 2nd floor at 1st floor at yung iba ay nagkukulong na sa kani-kanilang mga kwarto. Binuksan muna ni Nanay Sita ang lahat ng ilaw sa building, wala kaming inaksayang oras pagkarating at pagkabukas ng mga ilaw ay pumunta na kami sa 3rd floor ng apartment, bago palang kami umaakyat sa mga baitang ng hagdan pataas sa 3rd floor ay napansin na namin na pakurap-kurap ang mga ilaw nito, malamig ang hangin sa paligid ay napakabigat ng pakiramdam, sinalubong kami ng pamilyar na himig malinaw kong naririnig 'yon napahawak sa balikat ko si Russell ng marinig n'ya din iyon, sobrang lamig ng kamay n'ya at butil-butil ang pawis, kagaya ko din ay halatang kinakabahan. Si Nanay Sita at Andie naman ay nasa likuran ni Third na nasa pinaka-unahan namin, Para alam ni Yassy na nandito na si Third sa apartment, naglandas ang mga luha ni Third sa pisngi nang marinig n'ya ang nakalulungkot at nakakikilabot na himig ni Yassy, hindi to love story pero literal na nagkaroon ng slow-mo moment ang lahat ng marinig namin na humihimig si Yassy. Parang pinababagal niya ang pagkilos at takbo ng oras. Napakalamig, nakakilabot ang tunog nito na para bang puno ng lungkot at paghihinagpis mula sa ilang taong paghihintay ng mag-isa.

Nangangapal ang batok ko at pakiramdam ko ay nakatayo na pati ang buhok ko sa ulo, naninikip na rin ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko parang nahihirapan akong huminga at nakaramdam ng pagkahilo ng mga sandaling iyon, samantala si Russell naman ay padiin ng padiin ang kapit sa balikat ko at pati iyon ay basang-basa na ng pawis, patuloy lamang kami sa paghakbang at sumusunod sa likuran ni Third nang malapit na kami sa pintuan ng Room 07 ay biglang bumukas ito at napakalakas ng pagkakasalpak sa pader nagulat kaming apat nila Nanay Sita pero walang naging reaksyon si Third sa nangyari tuluy-tuloy siyang pumasok sa loob at gayon din ang ginawa namin para samahan s'ya at masigurado ang kaligtasan ng lahat, puro puti ang paligid ng loob ng kwarto ito ang pinakita sa 'kin ni Yassy noong isang beses s'yang nagparamdam, walang makikitang anuman dito kun'di ang napakaputing paligid at napakadilim naman na labas, Nasa loob na si Third at sumusunod lang ako sa kanya hanggang nagulat na lang ako nang biglang sumalpak ang pinto ng malakas pasarado, huli na nang mapansin kong naiwan pala sila Nanay Sita at Andie at nakabitaw naman sa balikat ko si Russell, kaming dalawa lang ni Third ang nakapasok sa loob ng Room 07, wala na ang iba naming kasama, mas naramdaman ko ang takot at pag-aalala lalo na ng makita kong patuloy ang pag-iyak ni Third noon na para bang wala s'ya sa sarili n'ya, pero wala pa si Yassy noong mga sandaling iyon, hindi pa s'ya nagpapakita sa amin at himig lang nya ang naririnig naming dalawa pero tuloy ang pagtaas ng balahibo ko sa tagpong iyon.

Ilang sandali pa ang himig ay napalitan ng pag-iyak, pa-ulit-ulit n'yang sinasabi: "B-umalik kana, b-umalik kana sa 'kin ang tagal kitang -hinihintay, Third tuparin mo na ang pinangako mo ngayon." Matapos sabihin ang mga iyon ay tumawa naman s'ya ng mahina at lalong nanglaki ang ulo ko sa paraan ng pagtawa n'ya, ilang segundo pa at may nabubuo ng imahe sa harapan namin Third, nakatatakot pa rin ang kabuuan ng kanyang hitsura pero nakita kong nakangiti si Third habang naluluha sa nakikita, nagsambit din s'ya ng mga salitang: "Patawarin mo na ako. " at siguro nga ay magka-iba kami ng nakikita ni Third, magulo ang buhok nitong nagsabog sa mukha, maitim ang parte kung nasaan ang mga mata, nakanganga ang bibig, maraming dugo ang nagkalat sa kamay at nangingitim ang bakat ng kable sa leeg, maraming marka na itim sa kanyang sira-sirang damit na parang natuyong mga dugo. Lalong bumagal ang oras sa tagpong iyon ayokong tingnan ang kabuuan ni Yassy pero hindi ako makagalaw, naistat'wa ako at talagang walang ideya sa mga susunod pa na mangyayari ang tanging nasa isip ko ay takot at pag-aalala sa ano nga ba ang p'wedeng mangyari sa amin ni Third habang kasama si Yassy? Tama nga ba ang desisyon namin na ibalik si Third sa Room 07?

Room 07Where stories live. Discover now