Napangiti ako sa sinabi niya. Magaan din ang loob ko sa kanya. Siguro ay kundi niya mamasamain ay pwede ko siyang ituring na ate.

Nang makaalis na siya ng tuluyan ay pumunta na ako sa lamesa ko at tinignan at binasa ang mga folders na nandoon. Inaayos ko ito para kung sakaling kailanganin ni Inigo ay maibigay ko agad sa kanya.

Nang matapos ang ginawa ko ay 12 na pala. Siguro ay hindi ko namalayan kanina nung kausap ko si Ma'am Rina.

Nasabi sa akin ni Ma'am Rina na pwede kang maglunch sa cafeteria na nasa 25th floor. Lahat ng mga employees dito ay libre ang lunch dahil kasama na yun sa pagtatrabaho nila sa kompanya.

Gusto ko na sanang pumunta at kumain at para na rin makipagkilala sa iba pero baka dumating si Inigo at may iutos sa akin.

Para aliwin ang sarili ay sinubukan kong kalikutin ang computer sa unang pagkakataon. Tinignan ko kung may mga lamang importanteng files at tulad ng ginawa ko sa mga folders kanina ay inayos ko rin ang mga ito.

Habang ginagawa ko ito ay may natanggap akong text. Kinuha ko ang cellphone ko at binasa ito.

From: Inigo:

'My angel. Eat your lunch okay? There's a cafeteria on 25th floor. I'm still here at the meeting so I can't eat together with you.'

Nagtaka ako kung paano niya nakuha ang number ko at nagkaroon ng number niya pero siguro ay nilagay niya ito kahapon nung siya ang sumagot sa tawag nila Jane.

Tumingin ulit ako sa orasan at 35 minutes na lang bago mag 1 kaya lumabas na ako para pumunta sa cafeteria ng kompanya.

Nang makarating ako ay marami rami pang tao at lahat ng mesa ay may nakaupong mga tao kaya hindi ko alam kung saan ako pupwesto. Buti na lang at nakita ako ni Ma'am Rina at tinawag ako para makiupo sa pwesto niya kasama ng mga sa tingin ko ay kaibigan niya.

"Oh Ms. Sy, buti at nandito ka na. Tatawagin na sana kita para sumabay ka na saming maglunch." ang sabi niya ng makaupo ako.

"Salamat kung ganun Ma'am."

"By the way, ito nga pala si Ms. Sy. Bagong secretary ni Sir Montreal. Ms. Sy ito nga pala sina Raquel at Liza, mga head din ng mga ibang departments." pagpapakilala niya sa akin sa mga kasama niya.

"Nice to meet you po." ang bati ko sa kanila.

"Nice to meet you din." pareparehas na sagot nila sa akin.

Nahiya tuloy ako dahil puro matataas ang mga posisyon ng mga kasama ko.

"Ahm, Ma'am Rina, pwedeng Stephanie na lang. Masyado kasing pormal pag Ms. Sy at hindi ako sanay." ang sabi ko dahil naiilang talaga ako pag Ms. Sy ang tawag nila sa akin at masyadong pormal.

"Sige kung yan ang gusto mo. Sige kuha na tayo ng pagkain."

Tumayo kami at kumuha ng pagkain sa buffet table kaya kahit punuin mo man ang plato mo o bumalik ka ulit para kumuha ay walang problema.

Nang matapos kaming kumuha ng pagkain ay bumalik na kami sa pwesto namin at sinimulang kumain.

Habang kumakain ay nagkwekwentuhan kami at tulad ni Ma'am Rina ay mababait din sina Ma'am Raquel at Ma'am Liza kaya madali ko rin silang nakagaanan ng loob pero habang kumain at nagkwekwentuhan kami ay napansin kong mostly sa mga tao ay nakatingin sa amin. Sa akin. Ang iba ay nakangiti na parang kinikilig at ang iba ay naiinis at iniiripan ako.

Hindi ako sigurado kung ako nga ang tinitignan nila kaya tumingin ako sa mga kasama ko para kumpirmahin kung tama nga ako ng hinala.

"Huwag mo na lang silang pansinin Stephanie." ang pagkumpirmang sabi ni Ma'am Rina.

"Nakakailang po kasi. Bakit ba sila nakatingin sa akin?" ang tanong ko.

"May mga chismis kasi na kumakalat tungkol sa inyong dalawa ni Sir. Yun ay kung bakit pinalipat ni Sir yung table mo sa loob mismo ng opisina niya. May nakakita rin kaninang umaga na sabay kayong pumasok sa kompanya. Kaya nagconclude sila na baka may relasyon kayo. First time lang kasi tong nangyari. Yung iba ay natutuwa dahil baka bumait na si Sir dahil sayo at yung iba naman ay naiinis dahil may gusto sila kay Sir. Kaya kung hindi mo mamasamain, may relasyon ba talaga kayo ni Sir?" ang tanong ni Ma'am Liza.

Ano bang dapat kung sabihin? Na totoo? Kahit na sinabi niya sa mga kaibigan ko na boyfriend ko siya ay hindi yun nangangahulugan na totoo talagang kami dahil ang pagkakaalam ko ay sinabi niya lang yun bilang palusot.

"Hindi. Wala kaming relasyon. Nagkataon lang talaga na magkasabay kami at tungkol dun sa table ko ay hindi ko rin alam kung bakit pinalipat niya sa loob." ang sagot ko sa hindi lang kay Ma'am Liza kundi sa kanilang tatlo na halatang gustong malaman ang sagot ko.

"Ahy, ganun ba? Sayang naman kung ganun." ang sabi ni Ma'am Liza.

Nagtaka naman ako dahil sa sinabi niya.

"Bakit naman sayang?" ang tanong ko.

"Kasi baka nga maging mabait na si Sir. Kasi simula nang magtrabaho ako rito ay ni minsan di ko siya nakitang ngumiti. Puro na lang emotionless, masungit at madaling magalit at para narin matigil na ang iba na magpantasya sa kanya. Tiyaka bagay kayo. Ang ganda mo at gwapo si Sir." ang sabi ni Ma'am Liza.

"Ah, ganun ba?" ang nasabi ko na lang.

Pinagpatuloy na namin ang pagkain at di ko na nga pinansin ang mga tao kahit na naiilang parin ako sa mga titig nila.

Nang matapos kaming kumakain ay sabay sabay na rin kaming umalis at pumunta sa kanya kanyang trabaho.

Nang makarating ako sa 50th floor ay nandun na si Inigo.

"How was your lunch?"

"Okay naman. Kasabay ko sina Ma'am Rina."

"Good. So can I have my lunch now?"

"Lunch?"

Lunch? Patay! Hindi pa pala siya kumakain.

"Ahm, pasensya na kasi akala ko kumain ka na pero sige kuhanan na lang kita ng pagkain sa-"

"No. I want someone for my lunch." ang sabi nito at titig sa akin na para akong pagkain.

"Someone?"

Napalunok ako.

"Yes someone." ang sabi niya at hapit sa akin palapit sa kanya.

"And that someone is you."

Votes here?

Comments?

Be a FAN!

__________________________________________

My Obsessive and Possessive Blackmailer BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon