SLR.

1 0 0
                                    

Naliligo ako 

sa pawis

Sa tuwing dudungaw ako

Sa chatbox mo.


Kahit tatlong oras na

O kahit tatlong araw pa.

Matiyaga

Akong

Mag-aabang.


Kahit na reply mo

Ay SLR lamang.


Alam ko

Na kasunod ng mga titik na ito

Ay ang walang humpay

Nating paglangoy

Sa dagsa ng mga sagutan.


At sa bawat bitaw

Ng mga salita.

Sa pagitan ng mga salita.

Oo. Nag-aabang ako.

Ng tiyempo.

Masabi ko lang sa iyo.


Gusto kita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SLR atbp.Where stories live. Discover now