Chapter 1 - Lily

5 0 0
                                    

"At the centre of your being you have the answer; you know who you are and you know what you want."

~Lao Tzu


Liyanna’s PoV

“Ang mga lily talaga, hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang epekto nila sa akin” saad ko sa sarili  habang tinitingnan ang isang vase na puno ng mga lily sa mesa malapit sa aking kama. Lumapit ako sa vase at humawak sa isang malambot na petal ng bulaklak. Sa ginawa kong iyon ay naramdaman kong may isang kakaibang enerhiya na lumaganap sa buong katawan ko.

Kapag nakakakita ako ng mga lily, nakakaramdam ako ng isang kakaibang tawag sa aking puso. Ang malalambot na petals ng bulaklak at ang kanilang nakakamanghang amoy ay nagpapahanga sa akin ng isang paraan na hindi ko maipaliwanag. Parang may isang misteryosong magnetismo sa mga lily na humahatak sa akin, na nagiging dahilan ng lalong  pagkakagusto ko sa kanila. Hindi ko alam kung bakit, ngunit parang may espesyal na kahulugan ang mga bulaklak na ito para sa akin na hindi ko lubos maunawaan.

Tuwing nakakakita ako ng mga lily, ang aking puso ay biglang naglalaro ng damdamin. Ang kasiyahan at kalungkutan ay naglalaban-laban sa aking dibdib, na nagdudulot sa akin ng isang kahangahangang halong emosyon. Parang may isang malalim na kwento na gustong ipahayag ang mga lily sa akin, ngunit hindi ko pa makuha ang buong larawan. Sa bawat pagtingin ko sa mga bulaklak na ito, ang aking damdamin ay sumasabay sa paghampas ng hangin, naglalaro sa mga damdamin na hindi ko maintindihan.

Pumunta ako sa vanity ng aking kwarto at sandaling tinignan ang sarili sa salamin. Humahaba na ang ang buhok ko na kulay  itim na hanggang sa baba ng dibdib. Medyo singkit ang mga mata ko na kulay dark brown. Masasabi ko rin na ako ay mestiza dahil sa puti (fair) kong balat.

Lumabas na ako ng kwarto at nadatnan si Mama sa kusina. Nagluluto siya ng paborito kong almusal. “Good morning ma, kamusta po ang tulog niyo?” bati ko kay mama at umupo sa katabing upuan sa kusina. Mukhang nabigla si mama na bumangon na ako, hindi niya siguro inaasahan na makakapasok na ako ngayon.

“Good morning din, anak! Mabuti naman ang tulog ko. Ikaw, nakatulog ka ba nang mahimbing? Hindi na ba masakit ang pakiramdam mo?” halata sa boses ni mama ang pag-aalala pero ngumiti pa rin siya sa akin.

“Opo, Mama. Sobrang sarap ng tulog ko. Parang ayaw ko nang bumangon. Pero ayos na po ang pakiramdam ko, makakapasok na ako sa trabaho.”

“Alagaan mo ang katawan mo, anak. Minsan talaga, napakasarap ng tulog. Pero tayo’y magising na at maghanda para sa agahan. Tawagin mo na si Dianna” aniya at tumalikod na para maghanda ng mesa.

Ilang araw na ring masakit ang pakiramdam ko, hindi ko alam kung ano ang dahilan. Pero nagsimula ito nang may napanaginipan akong isang babae. Madalas ko siyang nakikita sa panaginip ko pero ito ang unang beses na natandaan ko kung ano ang nangyari.

Tumatangis siya at hawak-hawak ang isang kumpol ng lily habang naglalakad palayo sa simbahan. Hindi ko mawari kung anong ginagawa niya sa simbahan pero isa lang ang sigurado ko, hindi siya ikakasal. Hindi ko alam, pero parang nararamdaman ko rin ang nararamdaman ng babae. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko, naaawa ako sa babae at kasabay niyon ang pagkaramdam ko ng awa sa aking sarili.

“Ate, ayos ka lang ba?” Natuon ang atensyon ko sa aking kapatid, si Dianna. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya, napansin niya siguro na malalim ang iniisip ko. Nang tignan ko siya ay napansin ko na lang na nandito na pala ako sa harap ng pintuan ng kwarto niya. “A-ayos lang ako. Kumain na tayo, nagluto ng agahan si Mama.” Paga-assure ko sakanya.

Mukhang hindi pa rin siya kumbinsido, pero pinili na huwag nang magtanong pa. “Sige, ate, susunod na ako.” Ngiti niya. Aalis na sana ako pero nagsalita muli siya, “Ate kung ano man ang iniisip mo ngayon, sana maging maayos na. Huwag mo masyadong pagurin ang sarili mo.”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lily's Legacy: Mga Alaalang Nagdaan, Mga Bagong Simula Where stories live. Discover now