CHAPTER 17 Case Closed

522 16 2
                                    

MATCHA POV



"Matcha! Where are you going!" Mojito shouted.

"BAKA MAKATAKAS SILA!" I shouted back at binilisan ang takbo.

Nang maabutan ko ito, hinawakan ko ito sa kwelyo niya at tsaka hinila ng malakas paatras dahilan para mabuwal ito sa kinatatayuan at bumagsak ang katawan sa sahig. Inapakan ko ito sa kanyang leeg.

"Where do you think you're going?" I asked him seriously.

Namukhaan naman ako nito at nanlalaki ang mga mata. "Who the hell are you?!"

Napangisi naman ako at tsaka mas lalong diniinan ang pagkakaapak sa leeg nito." A-aray!" Pagpupumiglas niya.

"Ako? I'm nobody. Malas niyo at ako ang nakakita sa inyo." I said to him bago pa ito makapagsalita, pinatulog kona ito sa sipa ko. Sakto naman na nakahabol sila Mojito at Forest kasama ang Isang lalaki na kasing tangkad lang din nilang dalawa. May gwapo itong itsura at maputi.

"Matcha!" Mojito shouted.

"Kunin niyo na ito. Hahanapin ko pa ang pastor." Sabi ko sa kanila at nagmamadaling tumakbo paalis. Sinundan naman ako ng tatlong lalaki. Ang kukulit nila!

Nang marating ko ang office ng pastor, sinipa ko ng malakas ang pintuan at pabalya itong bumukas. Nagulat ang pastor sa ingay. Kasalukuyan itong may bitbit na bag at ipinapasok nito ang lahat ng laman ng vault.

"I see you're planning to escape and leave your stuff behind?" Nakapamulsa kong tanong sa kanya. Dahan-dahan akong lumapit dito.

"Huwag kang lalapit!" Pagbabanta nito sakin.

"Prepare to celebrate your senior year at the jail. I'll make sure you'll rot in there." Lalapitan kona sana ito ng mapatingin ako sa mga taong kadadating lang, kaso ang bilis gumalaw nitong pastor at nahawakan agad ako sa leeg ko at tsaka kinulong sa mga braso niya. May nakatutok na ngayon sa sakin na isang matalas na gunting.

"Sige! Lumapit kayo at sasaksakin ko itong babae na ito!" Pagbabanta ng pastor. Kalmado lamang ako na sumusunod sa bawat galaw nito, ni walang mababakas na takot sa mga mata ko.

"MATCHA!!" Forest and Mojito shouted.

Itinaas naman agad ng isang lalaki ang baril nito at itinutok sa pastor. "Don't move!" Utos nito.

Itinutok naman nito ang gunting sa kanila." Kayo ang huwag gumalaw kundi mabubulag ang babaeng ito!" Sabi ng pastor.

Mababakas ang takot at kaba sa mga mukha ng mga kaibigan ko habang seryoso na nakatitig lang ang lalaking kasama nila.

"Hays. Naiinip na ako pastor." Napatingin naman silang lahat sakin ng may nanlalaking mata.

Nang maramdaman kong lumuwag ang kapit ng pastor sa leeg ko, mabilis kong hinawakan ang kamay nitong may hawak na kutsilyo at tsaka malakas na siniko ang sikmura nito. Napaubo-ubo ito sa sobrang sakit. Hindi pa ako nakontento, mabilis kong hinawakan ang braso nito at tsaka binalibag ito gamit ang balikat ko. Malakas na humampas ang buong katawan nito sa sahig at namilit sa sakit.

"Araaaaaaaay!!!" Sigaw ng pastor.

"That's for treating me like a crazy bitch, old man." Sabi ko sa kanya habang nagpapagpag ng kamay.

"Owww.. that must hurt." Mojito said.

"That was a solid move." Forest said.

"Are you sure she's a girl?" Pogi guys said.

Mabilis naman ako na napatingin sa lalaking nagsabi nun at sinamaan ito ng tingin. Napaayos naman ito ng tayo at tsaka tumikhim.

"Ahem... I should arrest the old man." Patay malisyang sabi nito at tsaka nilapitan ang pastor at pinosasan ito sa mga kamay.

MATCHA HOLMES (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora