Manipulated by the Green Leaves in the Garden

Start from the beginning
                                    

Kinutuban ako kaya naghalungkat ako sa mga comment section ng posts ng nobyo ko. Parati silang may interaction sa comment section. Nang tingnan ko ang convo nila ay wala naman silang ibang pinag usapan kundi ang 'pinapatawag ka ni Boss' at tanging like react lang ang tinutugon doon ni Warren.

Nang iaalis ko na sana sa app na yun at nakita ko na may isa pang account na naka log in sa instagram niya.

@war_022.

Iyan ang username. Kinutuban na talaga ako. Kinakabahan na rin ako. May tinatago ba siya? Para masagot ang mga katanungan ko ay binuksan ko ang account na iyon. At ganoon na lang ang pagguho ng aking mundo ng makitang dito sila nag uusap ng babaeng iyon. Napaka-sweet pa nilang dalawa. Parang mayroon silang relasyon kung pagbabasehan ang convo nila.

Kumirot ang puso ko. Tumulo na ang mga luhang kanina pa nag aabang. Bumukas ang pinto ng banyo. Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan ng makitang hawak hawak ko ang cellphone niya at umiiyak.

Agad siyang lumapit sa akin. "M-mahal..... It's not as what you think......"

He tried to explain himself but I didn't let him. Sapat na ang nakita ko. Wala na siyang dapat na ipaliwanag dahil last year pa nagsimula ang convo nila sa account na iyon. Matagal na silang mayroong ginagawang kasalanan.

Pinilit kong isuot ang mga damit ko kahit na hindi nanlalagkit pa ang katawan ko. Niyakap niya ako at umiyak sa balikat ko.

"M-may nangyari ba sa inyo?" pumipiyok na tanong ko.

Gusto kong malaman. Gusto kong malaman ang kababuyan na ginawa nilang dalawa.

"M-mahal......"

"Punyeta, sagutin mo ang tanong ko! M-may nangyari ba sa inyo?" hinarap ko siya at pinunas ang luhang tumutulo sa pisngi ko.

"M-meron...."

Nadurog ako. Sumikip ang dibdib ko na kailangan ko pang pukpukin para lang makahinga.

Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata at kita ko ang pagsisisi roon. Huli na ang lahat para magsisi. Nangyari na eh.

"Ilang b-beses?"

Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ako ng nagsusumamo. Unti unting umagos ang mga luha sa kaniyang mata.

Bakit ka ba umiiyak? Eh ikaw ang nagloko rito at hindi ako!

"M-mahal please......."

"Ilang beses nga?!"

"T-tatlong beses, Mahal...... Pero nagsisisi na ako roon..."

Nandidiri ako. Habang may nangyayari sa amin ay mayroon na rin siyang nagalaw na ibang babae. Putangina. Hindi ko nasisikmura.

"T-tangina.... umalis ka sa harapan ko. Umalis ka na!" sigaw ko sa garagal na boses. Sinisinok na ako pero wala akong pake. Manloloko siya.

Bigla na lamang siyang lumuhod sa aking harapan at hinalikan ang likod ng kamay ko.

"M-mahal please.... forgive me...... masyado lang akong nangulila sa presensya mo kaya nagawa ko iyon...."

"Putangina, tumayo ka riyan! Paano mo nasikmura iyon, ha?! Na naghihintay ako sa iyo rito tapos ikaw nagpapakasarap ka roon sa babae mo! Nangulila rin ako sayo pero hindi ko ginawang humanap ng iba! Hindi ko ginawang palitan ka! Hindi ako nagloko kasi alam kong kapag dumating ka, maiibsan ang pangungulila ko! Tapos ngayon?! Kung hindi ko pa makikita, hindi mo pa sasabihin! Gagawin mo ba akong tanga?! Nakakadiri ka!"

Tanging hikbi at sigawan lang namin ang naririnig sa bawat sulok ng kwarto. Putangina, bakit hindi ko manlang ba naisip na pwede siyang maghanap ng iba habang nasa malayo siya?

Bakit kasi masyado akong kompyansa sa pagmamahal niya.


Iyon ang araw na kinamumuhian ko. Dahil doon ay nasira ang relasyon namin. At alam niyo ba kung ano ang plot twist ng kwento ng aking buhay?

Nabuntis niya ang babae. Humarap sila sa aking dalawa habang may umbok na sa katawan ng babae. Parehas silang humingi ng tawad sa kanilang maling ginawa sa akin pero hindi ko tinanggap. Halos lumuhod na sa harapan ko ang puntanginang babaeng iyon pero pinigilan ni Warren.

Ang sabi ng babaeng iyon ay aalis na siya at magpapakalayo para maayos ang relasyon namin ni Warren pero hindi ako papayag. Kailangan nilang harapin ang bunga ng panloloko nila.

At alam niyo ba kung ano ang mas masaki sa lahat ng nangyari? Doon sila tumira sa bahay na ipinundar namin. Sa inalayan namin ng dugo at pawis mapatayo lang amg bahay na iyon. Noong una ay sinabi nilang hahatiin ang bahay pero umalis ako. Binigay ko na iyon sakanila dahil hindi ko kayang sikmurain ang presensya nilang dalawa.

Iyong pangarap na bubuo kami ng pamilya sa tahanan na iyon ay sa iba niya na tinupad. Ang bahay na iyon na puno ng masasayang ala-ala na ngayon ay puno na ng sakit.

Iyong plano naming pagpapakasal ay sa iba niya na ginawa. Iyong pagpapaka-ama ay sa ibang bata niya ginawa.

Hindi niya manlang nalaman ang nangyari sa buhay ko noong mga panahong nagpapakasarap siya sa piling ng kabet niya na nakunan ako. Na namatay ang anak naming nasa sinapupunan ko. Habang ako ay nagluluksa, siya naman ay nagpapakasarap sa ibang bansa kasama ang babae niya.

Sinayang niya ako at nawala niya ang anak namin. Kaya't nang humingi siya ng tawad ay hindi ko siya pinatawad, dahil nang dahil sa kapabayaan niya ay namatay ang anak namin.

He didn't lost me, but also our baby.









--THE END.--

Tell Me I'm Wrong (One Shot)Where stories live. Discover now