"Aren't we? If we're not even going to join an adventure, I don't think we can stop. I really want to enjoy the phase when my queen still can't control her thirst. I enjoyed last night."

Totoo iyon. Dahil sa tuwing nagsimula na si Tobias na kumagat o humalik sa akin ay halos mawalan na ako sa aking katinuan at gustong-gusto ko nang ibigay sa kanya ang lahat. Para na akong baliw, na nalalasing at tuluyan nang mawawalan sa tamang katinuan kapag tinigilan ako ni Tobias.

I wanted him to eat me alive. I remember how I begged him not to stop— gusto kong huwag siyang tumigil hangga't hindi ako halos mawalan ng malay, mapasigaw at mangisay sa katatawag sa pangalan niya. I felt like a rabid animal without any satisfaction at all, and King Tobias Caesar Le'Vamueivos was enjoying every second of it.

"It's good that I have to distance myself for a while before I lose myself and forget that someone's waiting for us. I'll call the servant, Love. You have to prepare. Are you sure that I don't need to ask for a healer?"

Mas marahas akong umiling. "Alright. I'll ask our servants to prepare your weapons and our carriage."

Humalik siya sa noo ko bago niya ako iwan sa silid na habol ang tingin sa kanya. Hindi rin nagtagal ay may dumating na ang mga tagasunod. Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan ko silang asikasuhin ako.

I just realized that I've been marked down. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pamumula ng pisngi ng mga batang tagasunod nang makita nila ang kabuuan ng katawan ko na tadtad ng kagat ni Tobias na hanggang ngayon ay hindi pa naghihilom.

Nang humarap ako sa salamin ay halos mapailing na rin ako sa dami ng kagat ko.

I sighed as I dipped my whole body in warm water. Tobias and I are technically a married couple. It's natural for us to have our nightly activities, iyon nga lang, masyado yatang marami ang kagat niya? But I asked for it.

I knew that it was one of his ways of telling me that I wouldn't feel as good as last night in the human world but with him. Ngayon ko sasabihin na kung sino pa talaga ang kilalang kalmado, mahinahon at madalas ngumiti na tila parang hindi makabasag pinggan ang siyang nakakagulat sa sandaling maglabas na ng pangil.

While the servants were busy putting soap on my body and massaging my scalp, I couldn't help but think of my next situation. My life inside this castle had been blissful with Tobias's patience, love, and understanding, but now that we have to be involved in a bigger party, I should stop thinking about myself for now. Lalo na't may pangako akong binitawan kay Divina.

Hindi rin ako nagtagal sa panliligo. Nakahanda na iyong mga kasuotang madalas isinusuot ng mga babaeng manlalakbay ng kaharian. Inaasahan na ng mga tagasunod na pipiliin ko iyong kasuotan na ipinasuot ko kay Tobias, ngunit pinili ko iyong kasuotan na madalas nakikita ng kanilang kaharian.

Our journey with Divina and Claret would be my first mission, ibig sabihin ay hindi lang si Seth ang makikita ko roon. I'd be meeting the other princes of the prophecy. I should probably look decent—or let's say not too foreign.

"This dress is fine."

Kumapara sa madalas na kasuotan na ibinibigay sa akin ng mga tagasunod na mabigat, maraming bata, laso, at matingkad na kulay, ito ay kulay lang ng itim at abo. I wore a brown leather boots, picked my magical bag, and my bow and arrows.

Hindi pa man ako nakalalabas sa aming silid ay bumalik na si Tobias, pinasadahan niya ako mula ulo hanggang paa bago niya inilahad sa akin ang kanyang braso. "The dress suits you."

"Thank you."

Akala ko ay mag-uusap pa kami sa loob ng palasyo ngunit nagtuloy na kami sa labas at mayroon nang karwahe na naghihintay sa amin, at dalawang mataas na kabayo kung saan naroon na si Prince Seth. Ngumiti siya sa akin.

Night of Waterfalls (Venom Series #2)Where stories live. Discover now