"Para less hassle na rin kasi sa'yo. Kumusta ka naman sa bahay ng kaibigan mo? Ok ka ba don?" Cait

"Yeah yeah, don't worry about me. What matters most is that you and Caleb feel at ease hmmm?" Bea

Cait smiles in response







LOVEL

Hindi pumapasok sa trabaho si Jho, mabuti nalang at naiintindihan siya ni Elmer kaya pinauwi si Loel para mag takeover muna sa work ni Jho pansamantala. Simula kaninang umaga pagkatapos pumasok ni Nolan sa school, hindi na lumabas ng kwarto si Jho, ni ayaw na rin niyang kumain. Ngayon gabi na pero wala pa rin

Dahil sa pag-aalala ko ay pabalik-balik ako sa dating kwarto nila ni Bea para katukin ang pinto

"Jho, anak? Kumain ka na, ako nagluto. Yung mga apo ko kumakain na, hinahanap ka nila"

Narinig kong umiiyak ang anak ko. Buti nalang at registered ang thumbprint ko sa pinto ng kwarto nila ni Bea. Rinegister 'to ni Jho nung nandito na ako sa bahay nila

Pagpasok ko, nakaupo si Jho sa sahig at nakasandal sa kama habang nakayakap sa damit ni Bea. Agad ko siyang nilapitan at niyakap

"Anak, tama na, anak. Nahihirapan ka na"

Hindi makasagot si Jho dahil sa labis niyang pag-iyak

"P...pano niya kami n...nagawang ipagpalit m...ma? B...bakit hindi ba k...kami s...sapat" umiiyak na saad ni Jho

"Anak, hindi ganon yun. Mas higit pa kayo sa sapat ng mga apo ko......hayaan mo na si Bea anak? Wag mong hahayaan na sa kanya lang iikot ang mundo mo, may mga anak ka pa"

Bilang isang ina, nasaktan din ako sa ginawa ni Bea. Hindi ko gusto ang ginawa niyang pagpili sa ibang pamilya niya

"S...sorry ma. Alam kong a...ako ang dahilan n...nito. Hindi k...ko naman sinasadyang m...mahulog s...sa taong nagparamdam s...sa'kin na mahalaga ako" Jho

"Shhh shhh, nak ok na ha?"

"Kung m...maibabalik ko lang ang d...dati ginawa ko n...na, ma" Jho







One year later

THIRD PERSON

Matagal nang nagtatrabaho si Bea bilang driver sa Lolo ni Caitlin. Hindi siya makapag apply sa mga companies dahil wala siyang complete documents, lahat nasa bahay nila.

"Bea ito na yung sweldo mo oh, dinagdagan ko ng konti para sa apo kong si Caleb. Pasensya na sa delay ha? Alam mo naman, humina na yung Therapy Lab ko hehe" lolo

"Ok lang Lo, naiintindihan ko naman. Sige po, at uuwi na ako, first birthday kasi ng anak ko ngayon hehe, may small celebration sa bahay, Lo, punta ka ipag drive kita" Bea

"Ah first birthday ngayon ni Caleb? Nako, again ha? Delay muna yung regalo ko, pasensya talaga. Hindi rin ako makakapunta masakit na kasi tuhod ko hehe" lolo

"Ah ganon po ba? Ok lang po. Sige Lo magpahinga nalang kayo" Bea

"Sige. Happy birthday kay Caleb hehe" lolo

"Thank you, Lo" Bea

Nasa 12k lang ang sahod ni Bea every month, mababa lang kasi marami pa kasing pinapaswelduhan yung lolo ni Cait

Bumili rin si Bea ng second hand na motor service niya pag papasok ng trabaho. Tapos yung sasakyan niya ay service ni Cait at Caleb pag may check up si Caleb







BEATRIZ

Dumaan ako sa bahay ng friend ni Cait na naging friend ko na rin. Kukunin ko kasi yung baby walker that I bought from her, because she works at the mall with the baby dept. Nakaipon na rin kasi ako ng pambili

"Thank you sa discount, Chery hehe"

"Nako maliit na bagay. Eto pala regalo ko kay Caleb, hindi na ako makakapunta ha? Pasensya may sideline pa kasi ako" Chery at nagbigay siya ng 500 pesos

"Hehe ok lang, thank you pala dito"

"Welcome. Oh teka, hindi yan kakasya sa motor mo. Ang laki nung walker eh" Chery

"No worries, may pantali ako hehe"

"Mautak ka talaga haha" Chery

Pagkauwi ko ng bahay

"Where's my little boy?.....there you are hhehe"

Medyo marunong na mag walk si Caleb hehe. Naglalakad nga siya papunta sa'kin eh. And then I hug him, haay napakasarap sa pakiramdam

"Happy first birthday, anak. Dada has a gift for you. Cait, please hold our Caleb muna, may kukunin lang ako hehe"

Kinuha ko yung nakabox pa na baby walker at ipinasok sa bahay

"Wooow" Caleb

He is so cute

"Bea talaga, ok lang naman kahit walang walker si Caleb eh" Cait

"It's the least material thing I could give. Ni hindi ko nga siya mabilhan ng magagandang toys kasi inuuna ko yung mga importante"

Yung mga nabibili lang sa palengke yung mga binibili kong toys for Caleb kase

"Bea, hindi kailangan ng magagarang bagay. Dahil mas kailangan ka niya, enough na na kasama ka ni Caleb dito sa bahay" Cait

"Yeah, kasama niyo ako"


~~~~~

A/N: I apologize for any grammar errors you may have noticed. :)

Soulful Eyes (book 2, Missing Piece adaptation)Where stories live. Discover now