Chapter 7

5 0 0
                                    

Friday. It's holiday, kaya wala kaming pasok ngayon. Nandito kami ngayon ni Alina sa mall para maghanap ng susuotin.

"No. Hindi bagay sa'yo." She shook her head. It's my 4th time to change my dress dahil hindi niya nagugustuhan. I shrugged my shoulders and entered the fitting room again.

Sinuot ko na ang pang lima, maganda siya dahil floral ang design pero hindi bumabagay sa skin tone ko.

"How about this?" I asked after I go out.

"Nah. I don't like the design." Ngumiwi pa ito.

"I'm tired. Wala na bang iba?" I frowned at her and slowly sitting down in the couch. "Hinihintay na tayo ng mga staffs oh."

"Don't mind them, and besides they don't care about us being slow." She rolled her eyes. Sinimulan na naman niyang mamili ng mga dress. "How about this."

She showed me a simple white bodycon dress. I think it fits with my body because I have perfect curves. Bumabagay din siya sa balat ko na maputi. I like this one.

"It looks good. Try ko 'yan." I smiled widely. I took the dress and go inside the fitting. Sinuot ko na ang damit at sakto siya sa katawan ko.

"You are so fascinating." She complimented while looking from my whole body, head to toe.

"I think this will do." I said.

"How much is this?" I heard Alina's asked while looking myself in front of the mirror.

"45,000 pesos po, miss." One of the staff answered. Lumaki ang mga mata ko sa narinig. What the fuck? Sa isang simpleng bodycon, 45k? Baliw ba sila?

"Ha?! 45,000?! Sabi sa'yo Alina sa baclaran nalang talaga tayo bumili e."

Pumasok ako sa fitting room at dahan dahang hinubad ang damit dahil baka masira ko pa ito at wala akong pera pang bayad. Baka mamaya mapapabenta ako ng kidney nang wala sa oras, mahirap na.

"Thanks and please put it in the shopping bag." Pagkalabas ko ay narinig ko ang boses ni Alina na kausap ang babae sa cashier at kinuha nito ang itim na card. Lumapit ako sa kanila at ibinalik ang damit.

"Sa baclaran nalang tayo oh 'di kaya sa divisoria para makatipid." I frowned at her pero ang bruha tinaasan lang ako ng kilay. "Huwag mo 'ko minamalditahan, Alina. Umalis na tayo dito baka mamaya mapapa-punta tayo sa hospital nang 'di oras at lalabas na wala na ang isang kidney ko."

"What do you mean by that? Babe, for your information bayad na 'yung mga pinamili natin. Tara na, I don't want to waste my time here, baka malaman pa ni dad na binabayaran ko mga binibili ko dito." She rolled her eyes at tuluyan nang umalis, habang ako nanatiling nakatulala dahil sa sinabi niya.

"Ha? Anong pinagsasabi mo? Akala ko ba wala ka ng ama?" I asked her confused.

Natandaan kong na-ikwento niya sa akin na wala na siyang papa pero hindi exact dahil ayaw na daw niyang pag usapan pa. Ang akala ko pa naman ay patay na ang papa niya kaya grabe ang comfort ko sa kaniya noon.

"Anong wala? Ginawa mo namang patay si daddy." Kinuha niya ang mga napili niya para sa sarili niya at nagsimulang maglakad.

"Because that was I thought. Ang alam ko pa ay 'yung mother mo na lawyer ang nagwowork para sa inyo." She stopped walking and crossed her arms.

"No, my dad is still alive. It was just.. so complicated before. Huli ko na nalaman na matagal na palang may ibang family ang dad ko and left us 7 years ago." Nakatulala ito sa kung saan at tila nag iisip ng malalim.

"Sa 3 years na pagkakabigan natin, ngayon ko lang malalaman 'yan? At isa pa, iniwan kayo para lang sa ibang pamilya? Aba, may tama ata sa utak daddy mo." I hissed.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our Story [GL]Where stories live. Discover now