Napaisip ako. Maybe this is my body coping up. Ngayon lang ako nagtagal sa ibang lugar at pwedeng nag aadjust pa ang katawan ko sa pagbabago ng klima at sa mga kinakain ko. And maybe with the difficulty of the training too.

Still, I packed some of it into my bag and went to my bed to sleep again. Patulog palang ako ng muli kong marinig ang pagkatok sa pintuan ko.

This time, I groaned loudly and looked at my door piercingly. Napilitan ulit akong bumangon para buksan ito.

Bumungad ulit sa akin si Ejay na may hawak na papel. He looked so apologetic as he handed me pieces of paper.

“Sorry but here, nakalimutan ko. Ipapasa yan bukas sa medical.”

Tumalim ang tingin ko sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin, kaya wala na din akong nagawa kung hindi tanggapin ito.

I sat on my chair and read the content properly. I just need to fill it up with my basic medical information for our training tomorrow.

I started doing it casually when I reached the middle part of it. Napatigil ako sa pagsusulat habang nakatutok sa mata ko ang impormasyon na hinihingi sa akin.

And it was asking me if I was ever pregnant.

Nanlamig ako bigla at ramdam ko iyon na biglang bumalot sa buong katawan ko. Napalunok ako ng malalim at muling bumalik ang tingin ko sa box ng napkin ko sa gilid ng higaan ko.

It can’t be right? Imposibleng mangyari.

My legs were trembling as I stood up from my seat. Humarap ako sa salamin at tinaas ang hoddie ko.

I looked at my tummy and noticed nothing’s wrong with it. It looks flat as usual but I am still not convinced. Kinakabahan pa rin ako ng husto.

I started walking back and forth in my room as I bit my finger. Hindi ko inisip na posibleng mangyari ito at kahit kailan ay hindi ito sumagi sa akin.

Huminto ako at nagbuga ng malalim na hininga. Muli ay humarap ako sa salamin at tiningnan ang tiyan ko kung may pagbabago ba roon pero wala akong mapansin.

But still, the tension in my body rose. I need to do something, I need answers right now and there is only one solution for that.

Aligaga akong lumabas ng kwarto ko hawak-hawak ang pitaka ko. Nabungaran ko si Ejay na nasa sala na nag aayos ng gamit at kaagad kaming nagkatitigan.

“Lalabas ka?” He curiously asked as he eyed my wallet and keys in my hand.

Alanganin akong tumango at hindi ko mapigilan na mapalunok ng malalim sa kabang nararamdaman.

I cleared my throat as well. “Saglit lang ako.”

I didn't wait for his response and walked out immediately. Nang tuluyan na akong makalabas ay mas binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa malapit na pharmacy malapit sa building namin.

Hindi ko mapigilan na manginig pagkatapos kong sabihin ang kailangan ko. I decide to buy four and after which, dali-dali rin akong bumalik ng apartment.

Wala na si Ejay sa sala at dumiretso naman ako banyo sa kwarto ko. My hands were shaking as I read the instructions on how to use it. Ilang beses pa akong huminga ng malalim bago ito subukan.

Para akong mauubusan ng hininga habang hinintay nag resulta at kada isang segundo ay parang kay tagal lumipas. The feeling was unsettling because I knew the result might change everything in my life.

But when I finally saw the first result, naluha ako ng tuluyan. I put my palms on my mouth, muffling myself while tears continued to streamed my face.

Buntis ako. It is positive.

Midnights with Pierce Psyche EsquivelWhere stories live. Discover now