Prologue

18 0 0
                                    

Prologue

Tine's Point of View

     "I'm sorry, Tine. Pero, kaibigan lang talaga ang tingin ko sa'yo at wala nang iba," ang mga katagang nagpakirot sa'kin nang lubusan. Hindi inaakalang masasaktan ako nang sobra sa oras na marinig ko ang mga salitang 'yon mula sa mga bibig ni Markus. Kahit ilang beses ko nang pinaghandaan ang pangyayaring 'to, iba pa rin talaga sa nagkataong nagkatotoo ito.

     Alas-dose ngayon ng madaling araw at unti-unting pumapatak ang ulan sa aming mga katawan. Kasabay ng mga butil ng tubig na mula sa kalangitan at ang aking mga lugang unti-unti na ring bumagbagsak. Saksi ang buwan at mga bituin sa gabing ito-ang gabi kung kailan ko inilahad ang aking pagmamahal sa aking pinakamatalik na kaibigan.

     Tinitigan ko ang kaniyang mga mata, bakas dito ang lungkot at pagkadismaya na sumasalamin sa kaniyang mga titig.

     "Alam ko..," ang tanging nasabi ko na lamang nasabi sa kaniya. Sa mga oras na 'to, bumuhos na ang mga luhang pilit kong pinipigilan. At kasabay ng aking mga luha ay ang paglakas na rin ng ulan na bumabalot sa aming mga katawan.

     Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Markus, alam niya kasing hindi ako sanay sa lamig. Kaya naman nang nanginginig na ang aking katawan mula sa lamig na dala ng ulan at simoy ng hangin, nag-akma itong humakbang papalapit sa'kin. Ngunit nang nakita ko ang ikinilos nito, agad din naman akong humakbang papaatras.

     "Tine, maybe we should go get inside the car na. You're getting wet and it's bad for you," rinig kong sambit nito gamit-gamit ang kaniyang malambing na boses na nagpalambot ng aking tuhod. Siguro isa na 'to sa mga bagay kung bakit nahulog na talaga ako sa kaniya nang tuloyan.

     "Hah. It's fine, malapit na lang din naman 'tong street sa bahay," sagot ko naman sa kaniya. Tumingin ako sa baba't huminga nang malalim bago ibinalik ang tingin sa kaniya at pekeng ngumiti. "You should go na, baka hinahanap ka na sa inyo at anong oras na," ang huling sinabi ko bago tumalikod sa kaniya.

     "Tine-," bago ko pa man siya patapusin sa kaniyang sinabi, agad na akong kumaripas nang takbo. Rinig ko ang mga tawag niya sa'kin ngunit nagpatuloy na lamang ako sa pagtakbo dahil hindi ko na talaga kinakaya ang mga pangyayari.

     Kasalanan ko 'to. Hindi na sana ako naghangad pa ng sobra sa pagkakaibigan naming dalawa. Alam ko naman hindi talaga kami magkakatuluyan sapagkat siya'y tuwid habang ako nama'y baluktot. Ano bang magagawa nang isang bakla kung ang gusto ng kaniyang iniirog ay isang ganap na babaeng hinding hindi niya mapapantayan? Siguro nga dapat nakuntento na lang ako sa estado ng relasiyonnnaming dalawa.

     Ang tanga mo, Tine. Ikaw na yata ang pinakabobong binabae sa balat ng lupa! Sana hindi ka na lang umamin at itanago mo na lang ang nararamdaman mo para kay Markus! Ngayon, ano na lang ang mangyayari sa'ming dalawa?

     Can we still be "Special Friends?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Special Friends?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon