chapter 13 [tag/fil] 🔞

625 19 6
                                    

WARNING: This chapter contains mature content with explicit language which may not be suitable for young readers.

WARNING: This chapter contains mature content with explicit language which may not be suitable for young readers

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

Nagmemeryenda kami now. Pampalakas at pang-recharge dahil medyo napagod kanina sa pagtakbo. Pampawala rin ng init ng ulo na dulot ng mapang-asar kong kaibigan. Walang ibang ginawa kung walang maisip gawin kundi inisin ako.

"Turon lang pala katapat mo, e!" umpisa niya.

Ako naman itong si marupok sa pagkain lalo na rito sa paborito naming bilhan ng turon at buko juice. Si ateng nagtitinda rito sa baba ng overpass, may ilang araw or linggo na rin namin siyang binibilhan. Medyo suki na niya si Leo, 'di ako dahil palibre lang ako lagi.

"Saksakin kaya kita nitong barbecue stick!" Inamba ko pa sa kanyang tagiliran 'yong stick na panusok sa turon. Kahit malayo, ay umiwas siya dahil nagulat.

"Turon stick 'yan, hindi naman barbecue ang nakatusok!" Nag-make face pa siya at matipid na dumila.

"Kapag tinusok kita magiging Leo stick tawag dito!" Natawa si ate girl na tindera sa sinabi ko. Hindi siya nalalayo sa edad namin kung iistimahin. Siya rin naman nagsabi saka huminto raw siya sa pag-aaral.

"Ate? Isa pa nga pong turon at baka matusok ako nito, nakakatakot," kausap ni Leo sa tindera na lalong natawa.

"Ang tapang po ng jowa mo kuya," tugon niya kay Leo. Halos maibuga ko ang buko juice. Mabuti na lang hindi lumabas sa kabilang butas ng ilong ko 'yong kinayod na laman ng buko.

"Matapang po talaga 'yan, parang dragon," natatawang aniya. Akala ko'y itatanggi niya pero sinakyan pa niya si ateng tindera.

Kaya ako na ang nag-correct. "'Di ko 'yan jowa, 'te. Ma-issue ka!"

"O, 'di ba? Attitude po hano?" ani Leo at pilit nakikipag-team up sa ka-vibes niyang tindera. Kumagat siya sa turon niyang hawak at sinapo pa 'yong nahulog na piraso ng langka.

"Ang cute n'yong dalawa, bagay kayo!" kinikilig na anang tindera.

Tumabi sa'kin si Leo at binalikat ako. "Puro gan'yan na lang sinasabi ng mga tao. Mukha lang kaming kami pero magkaibigan lang talaga, parang kapatid ko na 'yan, 'di ba Liam?" Inakbayan niya ako't tumingin sa'kin, naghihintay ng confirmation.

Kanina jowa, ngayon kapatid. Paiba-iba na lang! Ang gulo niya!

Hindi ako sumagot.

"Kita mo 'to, ini-snub ako!" Piniga niya ang balikat ko at inimpit ako lalo. Ang satisfying. Dugtong pa niya, "'Di na nga kita ililibre. Ate, sa kanya mo po singilin lahat ng nakain niya pati 'yong nakain ko."

straight as guitar strings!Où les histoires vivent. Découvrez maintenant