"Fauzia! Good morning!" As always, masiglang bati ni Blaze.

I only look at them and started walking.

"Ohhh, someone woke up in the wrong side of the bed" Dane said and umakbay sa akin. I only sighed.

"Period?" Yohan ask na inilingan ko lang.

Nakaramdam naman sila kaya tahimik lang kaming naglakad papasok.

Pumila muna kami para sa flag raising ceremony. After all the singing ay pinapasok na kami sa bawat classroom.

First period, second period, third period, fourth period, then recess.

"At last!" I heard one of my classmate shouted.

"Grabe gutom na gutom na ako!" reklamo ni Dane.

"Ang sakit ng ulo ko, sunod sunod na summative test" kamot ulong sabi ni Blaze.

"Tara na sa canteen!" sabi naman ni Yohan.

"Kayo nalang, pupunta ako sa clinic" walang gana kong sinabi.

"Huh?!" sabay sabay nilang sabi atsaka lumingon.

"May masakit ba sayo??" - Blaze

"Nahihilo ka ba?!" - Dane

"Nilalagnat?" - Yohan

"Masama ba pakiramdam mo?" - Eli

"Gusto ko lang matulog" sabi ko at tumayo na. Nagkatinginan silang apat.

"Alright, dadalhan ka nalang namin ng pagkain sa clinic" Eli said. Hindi nalang ako umimik.

Humabol sila sa akin sa paglalakad at hinatid ako hanggang clinic.

"Mag canteen na kayo" sabi ko at pumasok na.

Lumapit ako sa head nurse.

"Sobrang sama po ng pakiramdam ko, pwede po ba ako dito?" I said.

Tumitig sa akin 'yung nurse at tumayo.

"Oo naman! Dito ka magpahinga" she said after opening the curtain.

"Thank you po" sabi ko at pumasok na doon.

Isinara ko ang kurtina, tinanggal ko ang black shoes at nahiga. Nakatitig lang ako sa kisame. Hindi ko alam kung ilang minuto hanggang sa marinig ko ang boses ni Eli.

Mabilis kong pinunasan ang luha na hindi ko napansing pumapatak pala. Nagkunwari akong tulog nang papalapit na sila.

Naramdaman kong binuksan at sinara nila ang kurtina.

"Ah! Alam ko na!" I heard Blaze. They hush him, thinking I am asleep.

"Hoy, Lucas Elijah! Baka naman pinsan mo ang dahilan?! Bubugbugin ko 'yan" ani Blaze

"Huh? Why.." natahimik silang lahat. I fought the urge to look at them.

They just all sighed after a while.

"Fau?" marahang sabi ni Yohan.

"Fauzia, wake up and eat, malapit na matapos ang recess" ani Elijah.

Nag unat ako para kunwaring kagigising ko lang at umupo. Tinignan ko silang apat. They have this gentle look on their eyes. Nag iwas ako ng tingin.

Iniabot ni Eli ang pagkain sa akin at tahimik na kinain 'yun. After eating ay nagbell na. Tumayo kaming lahat at lumabas ng clinic after kong pumirma ng out.

My AlmostWhere stories live. Discover now