NBSB 1

8 1 0
                                    

Hanggang kailan ko ba ito itatago?

Hanggang kailan ko ba mararanasan yung pagkakaibigan lang?

Hanggang kailan ba ako makukulong sa mga imahenasyon kong to?

Hanggang kailan ko ba titiisin tong nararamdaman ko?

HANGGANG KAILAN?!!!!!

Ayoko naaaaaa!!!















Dustine's POV

"Hoy! Akin na yan!!" Sigaw ko

Kase naman babasahin niya ang aking notes of life (diary) eh ayoko na mabasa niya yun, Di niya alam na siya ang laging laman ng notes ko.

"Ano ba kase to, Tine?" Tanong nito habang naka angat yung notes ko, mga antea di ko abot ga higante ba naman tong nasa harap ko.

"Wala yan!!" Ginawa ko na pinaka malakas kong talon, naabot ko naman duh!

At nung nakuha ko na tumakbo na ako papasok sa bahay. Pero siya andun parin sa may ilalim ng puno ng mangga. Tinatawag naming Tree of Love.

"Bat sobrang pinag iingatan ni Tine yun, eh notes lang naman yun eh."

"Hays.. Ilang araw na lang pasukan na ulit." Sabi ko sa sarili ko, eh pano ba naman di pa ako enrolled. Wala sina mama at papa nasa probinsya pa. Ako ang pinapapabantay ni papa sa bahay.

Nga pala, I'm Dustine Romero, Tine for short. Ako ay kasalukuyang Grade 11, Plan ko kunin ang STEM. Pangarap ko kase maging nurse someday. Alam mo yung nakakatulong ka sa lahat ng tao na nangangailangan ng tulong, mapa bata o matanda. Anyways, Beside dun isa din akong manlalaro. Isang volleyball player, Setter ako sa team namin. Nasa phase pa ako ng self-improvement ko. At dalawa kaming magkakapatid, Si Saji, at si Mama Jonafe at Papa Benedict, Masaya ako sa pamilya ko, Kase kahit ganto ako. Malamya, and to be exact. I'm Gay. Kahit ganon tanggap nila ako, Masaya sila kung saan ako masaya. Minsan na nga din ako inaasar nila mama at papa kung may jowa naba daw ako, eh sabi ko wala pa kase ayoko na muna, AYOKO MASAKTAN.

Tatawagan ko muna sina mama at papa na magpapa enroll ako ngayon, para kahit malayo sila ay updated parin sila sa akin.

"Hello po, Papa! Kamusta po?" 

                                                                                                               "Okay lang naman ako, nak" Sagot ni papa

"Eh si mama po? Kamusta na din po? Tanong ko

                                                      "Ayon, tulog HAHAHAHHA Napagod kakapasyal sa palayan natin dito."

"Ah ganon po ba, magpapaalam din po pala sana ako sa inyo." sabi ko

Papayagan naman ako neto, syempre magtatrabaho din naman ako para may katuwang din sila sa pagbabayad ko sa tuition. Kaya kailangan din nila malaman yung desisyon ko.

                                                     "Oo naman anak, basta't ikaw ay masaya sa pag aaral mo at sa lahat ng ginagawa mo na walang masama, ako ay okay okay dun." sabi ni papa

"Sige po papa, Salamat po at I love you po! Paki sabi na lang din po kay mama papa ha, Ingat po kayo dyan."

*Call Ended

Kaya love na love ko si papa at mama, suportado ako sa kanila. Kaya kailangan ko magsumikap sa lahat. Para matumbasan ko lahat ng paghihirap nila sa akin sa kapatid ko. And yes sina Mama at Papa ay Farmers, may palayan kami, at mga tinatanim na gulay at yun ang bumubuhay sa amin ng kapatid ko hindi lang pala sa amin ngunit sa aming pamilya.














Don't forget to Vote and Comment.

Enjoy Reading!

I'm ur BL WRITER| TheJoo_Wacks


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ENBIESBI (NBSB) • [BXB]Where stories live. Discover now