Kabanata 3

9 1 0
                                    

Markeisha Lou Mendoza

"Kuya, may kilala ka ba na Duke Archus Javenitez?" 'Yon agad ang ibinungad ko kay Kuya nang makita ko siya sa parking lot, naka-sandal siya sa motor niya at nagti-tipa sa cellphone niya.

Hindi ako binalingan ng loko kaya naman inis na tinapakan ko ang paa niya.

"Aray! Tangina naman!" Daing niya habang bahagyang hinihilot ang inapakan ko.

Umirap ako at mabilis na hinablot sakaniya ang cellphone, nanlaki ang mata ko nang makita ang kung ano ang nasa screen.

"Kuya! Bakit ibang babae na agad ang ka-text mo? May girlfriend ka lang kanina, ah? Inaway pa nga ako, 'di ba?"

Babaero talaga 'tong Kuya ko, hindi ko alam kung kanino ba siya nag-mana, hindi naman babaero si Papa, mas hindi rin naman babaero si Mama. Ah, hindi kaya tunay na ampon talaga si Kuya at nakuha niya ang pagiging babaero sa biological father niya? Shit, ipapa-DNA test ko na talaga 'tong kapatid ko!

Ngumisi siya, "Gan'yan ang tamang galawan, humanap ka agad ng kapalit hindi 'yung magha-habol ka pa, sayang oras. Akin na nga 'yan, may lahi ka atang snatcher, eh, ang bilis mo mang-hablot" Sabay kuha ng cellphone niya.

"Kung may lahi akong snatcher, ibig sabihin ay pati ikaw may lahi na snatcher, magkapatid kaya tayo! Unless..." Naningkit ang mga mata ko, "Ampon ka talaga, Kuya"

Malakas na batok ang nakuha ko sakaniya dahilan para mapa-daing at mapa-himas ako sa batok habang matalim ang tingin ko sakaniya.

"Ikaw ata ang ampon, wala naman lahi sila Mama't Papa na snatcher"

Natigilan ako, "Hala!" Gulat na bulalas ko na ikina-kunot ng mga noo ni Kuya.

"Ano? Bakit?"

Lumipad ang kamay ko sa bibig, "H-Hindi kaya..."

"Ano?"

"H-Hindi kaya..."

Mas nangunot ang noo niya, "Ano nga?"

Sinabak ako ni Mama noon sa acting workshop dahil pinangarap niya para sakin na maging isang sikat na artista ako. In-audition niya pa ako noon para sa isang teleserye, ang magiging role ko ay isa akong anak ng Ita, hindi lang ako pinalad dahil pure Filipino ang kailangan sa teleserye at hindi hitsurang Amerikana na may makinis, maputi, at puti na buhok.

Laking pasa-salamat ko dito dahil kung noong bata pa ako ay wala akong ka-alam-alam kung saan ko magagamit ang natutunan ko sa acting workshop, ngayon ay alam ko na.

"K-Kuya..." Tahimik na humikbi ako.

"Ano ba? Tangina, bakit ka umiiyak?" Kita ko kung gaano ka-seryoso ang hitsura ni Kuya at mukhang concern pa siya.

Nahulog ang isang butil ng luha mula sa kaliwang mata ko hanggang sa magsunod-sunod na ang mga 'yon. Nag-igting ang mga panga ni Kuya, hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.

"Fuck! Why are you crying, Markeisha Lou!? Ano'ng nangyari? May umaway ba ulit sayo? Is this because of what happened earlier? H'wag ka mag-alala, nakipag-hiwalay na ako doon sa Katrina na 'yon. No one gets to insult you, not on my watch"

Tila ba may mainit na kamay na humaplos sa puso ko nang dahil sa sinabi ni Kuya. Ang kaninang peke na luha lang dapat ay napalitan 'yon ng totoo na pag-iyak.

Dahan-dahan akong hinila ni Kuya palapit sakaniya hanggang sa ikulong niya ako sa mga bisig niya, mas lalo akong umiyak lalo na nang humaplos ang isa niyang kamay sa buhok ko.

Arte lang dapat 'to, eh! Kung bakit ako umiiyak ay dahil 'yon sa tuwa na nararamdaman ko. Masaya ako na may Kuya Bryan ako, na kahit na minsan nagtatalo kami, hindi pa rin siya nakakalimot iparamdam sakin ang pagmamahal niya sakin bilang nakaba-batang kapatid.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Binding the Broken StringsWhere stories live. Discover now