"Pag pinili mo ko. Hindi ko mapapangako sa'yo ang sobrang kagarbong buhay, babae. Simpleng tao lang ako. At kung magkaroon man ng madaming pera, I'll always choose that simple life style." nakatingin si Hunter sa langit at seryoso ang mukha.

"Bakit mo sinasabi 'yan ngayon?"

"Para hindi ka magkamali sa pagpili. Para alam mo kung ano ang tinatahak mo."

"Makatahak naman parang drug pusher lang." sabi ko, pero deep inside iniisip ko 'yung simpleng buhay na sinasabi niya. "When you say simple you mean isang katulong lang sa bahay? Or pupunta si'ya every weekend para labhan ang mga damit?"

Tumawa si Hunter at tumingin sa'kin. "Hindi. Simpleng buhay, na ikaw babae, ang dapat magluluto, maglilinis, maglalaba sa bahay. Ikaw mamamalengke at ikaw magtitiklop at mag sasampay ng mga damit."

"Seriously?! Hindi naman ata babae hanap mo. Katulong kaya. You know sometimes I wonder bakit sa mga babae nakatuon ang household chores. Kung pwede naman sila magkaroon ng equal rights."

"You have some gender equality issue?"

"Maybe yes, when it comes to that thing. Bakit sa babae iaasa kung pwede naman silang dalawa matulungan, I mean salitan? Like duh, Hunter, if ever man na tayo magkatuluyan I have work too. Passion, at may pangarap padin na kailangan abutin. Just because I'll choose one of you doesn't mean
I need to have a simple style. Why would I? Kung kaya ko naman magbayad ng tao na pwedeng gumawa sa akin o sa atin nun?"

"Because there are things that you need to learn. When you're in a relationship to someone."

"You mean to have that simple life style you were referring?"

"Babae, being in a relationship is a two way process. Hindi lang ang isang tao ang magbabago, you both need to adjust. Give and take."

"You have a point. Pero kung sinasabe mo nagive and take, bakit parang ako lang ang mag gigive?"

He raised his eyebrows. "Sa tingin mo hindi ako mag aadjust sa'yo? Pag ako ang pinili mo, magreresign na ako sa pagiging bodyguard mo. Kailangan pa din kita ihatid to make sure you're safe. Kailangan hindi ko makakalimutan ang monthsary natin every month. Kailangan may flowers na surpise. Kailangan palaging may time."

Nanlaki ang mata ko. Shiat! Nasa diary ko 'yan nung highschool ako! Nakangiti si Hunter habang patuloy binabanggit ang nabasa nito.

"Kailangan pag umuulan susunduin kita at magdadala ng payong. Dahil kailan man wala pang lalaki na gumawa sa'yo nun, okay lang ako mabasa basta ikaw hindim Kailangan kong buhatin ang bag mo pag magdedate tayo. Kailangan mabilis ang reply ko sa bawat text mo dahil lag hindi iisipin mo na nagloloko ako at ayaw ko na sa'yo."

Hiyang hiya ako sa sinasabi niya! Tinakpan ko 'yung bibig niya para di na niya ituloy ang sasabihin.

"Paano mo nabasa diary ko?!"

Tumawa lang si Hunter at tumayo para pumunta sa likod ng sasakyan. May kinuha si'ya at inilabas na bulaklak.

"Kailangan white roses lang ang ibibigay ko." Shit! Napatayo nadin ako at inaboy niya sa'kin ito. "Kailangan may chocolates din na kasama." may kinuha ito sa bulsa. "Sorry, babae. Nips lang nakayanan ko."

"Hunter..." I was speechless.

Yung diary ko? Ayun yung list ko para mahanap ko ang Mr. Perfect ko. I told myself, kung hindi gagawin sa akin ng lalaki 'yun. Then he's not the one for me.

Aminado ako, kaya din siguro umabot ako sa ganitong edad at never pa ako kinilig ng totoo sa lalaki dahil sa sobranh taas na standard ko sa lalaki.

Kaya nga siguro childish ako, and I don't act my age because I was stuck in the ficitonal world and hoping to find the Perfect guy for me. Alam mo 'yung kailan tumanda ka na, saka naman sila lumalayo.

All my life I was too busy proving myself to everyone. Dahil nakakapressure naman talaga ang maging Esqueza, lalo na pag pinagcocompare kami ng kapatid kong si Zach. But I don't have any hurt feeling towards my brother because I'm very proud of everything he's having right now. We have different goals and dreams.

Kaya nga siguro napaka self-centered kong tao. Dahil noong bata ako, I was always a shadow. The reason why I keep on telling everyone that I'm pretty, I'm the goddess maybe because it's my only defense mechanism towards them. For them to shut up of pointing out my appearance.

Just because I told you I'm pretty doesn't mean I feel I am.

"Kailangan isasayaw niya ako sa ilalim ng sinag ng buwan." hinila ni Hunter ang kamay ko at nilapit sa kanya. Napatingin ako sa langit. He's right. "At iikot niya ako, at titingnan na parang kaming dalawa lang sa mundo." ngumiti si'ya.

"May kulang pa ba, babae?"

Napakagat labi ako. He didn't just show me what MY Mr. Perfect supposed to do, did he? Kasi parang nagoover flow yung pakiramdam ko. Parang sasabog ako sa sarap. Parang naiihi ako.

"Kaya kita pinasuot ng simpleng damit ngayon. Dahil gusto ko maappreciate mo ang sarili mo. Hindi mo na kailangan ng make-up o magarbong damit para masabing maganda ka. I'll you this, maganda ka. Period."

"Shit naman Hunter! Why you do this to me?" naiiyak sa sabi ko. "Pero si Josa... Diba naguguluhan ka pa samin dalawa?"

"Kakausapin ko na si'ya bukas." maikling sagot niya. "Happy?"

"Sobra!" Napatalon ako at niyakap si'ya. "Sasabihin ko nadin ang sagot ko bukas."

"Are you sure?"

"Yes, of course!"

He smiled at bumitaw muna sa akin. May kinuha ulit si'ya sa sasakyan. This time... Payong. What? Hindi naman umuulan? Lumapit si'ya sa'kin at binuksan ang payong sa harap ko.

Napalunok ako. "Anong ginagawa mo?"

Maya-maya biglang may pumatak na tubig sa amin. What? Umuulan?! How come? Nakakunot ang noo ko habang nakatitig si Hunter sa'kin.

"May nakalimutan pa pala ako." he said.

"Ano 'yun?"

Hindi niya ako sinagot. Inilapit niya ang mukha sa akin at hinalikan ako. Oh shit, dream come true. Isn't it romantic when someone kiss you in the rain? Naramdaman kong binitawan ni Hunter 'yung payong. While he was kissing me the rain was starting to pour on our head, in my hair. But I don't mind.

Hinawakan ko ang mukha niya para mas halikan ko si'ya ng mariin. Inikot naman ni Hunter ang kamay niya sa bewang ko at hinila papalapit sa kanya. I could taste the rain bewteen our kiss. I don't mind again.

I keep on kissing him. Bigla ako may narinig na sumigaw. Napahinto kami pareho, tumingala ako at nakita ko si Andeng sa taas nung gusali at may hawak na hose na malaki. Natawa ako, so ito pala ang kunwariang ulan? Kumaway si Andeng.

"Nagustuhan mo ba?" may tumutulo padin na tubig sa mukha nito.

"Oo!" sigaw ko. "Super! This is unexpected!" I hugged him tightly.

Well, it seems like a fairy tale night for me. Kahit hindi totoo 'yung ulan, atleast may effort and the roses and the nips... Grabe. Hindi na ata ako makakatulog mamaya nito.

Humaba na naman ata ng one inch ang buhok ko. Mainggit kayo ng slight, please? I'm so happy and flying like a butterfly!

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें