ONE

1 0 0
                                    


"Now, let's see." Ani ni Mrs. Mendez habang pumipili ng papel, randomly.

"Cree, Zenaida" tawag nito.

Tumayo ang isa naming kaklase at pumunta sa harapan. As what Mrs. Ignacio instructed, isa-isang tinuro ni Cree ang mga kaklase naming inilista niya sa kaniyang papel habang binabanggit ang mga pangalan nito.

Pagkatapos ni Cree ay naging sunod-sunod na hanggang sa ako na ang tatayo sa harapan.

"Yesia, Raine"

Dahan-dahan akong tumayo habang nasa akin ang atensyon ng lahat.

Kinuha ko sa kamay ni Mrs. Mendez ang papel ko 'saka nag umpisang magsalita.

"U-uh, Bell" I said as I pointed Bell who's smiling at me. Nanginginig pa.

"Relax," nakangiting bulong ni Mrs. Mendez sa tabi ko.

"Joan." I pointed Joan, she even gave me a small wave.

"J-Janelle,"

Nakita ko sa mukha ni Janelle ang gulat ng tawagin at ituro ko siya. Ngumiti naman ito nang makarecover. Hindi niya siguro inexpect, kung sabagay, we're not that close.

"Annie," I pointed her and she looked at me like she didn't care. Well, that's good.

"And?" Singit ni Mrs. Mendez. She smiled at me na para bang ine-encourage ako.

"And ..."

I forced myself to point him.

"Drix" I nervously said.

He shooked his head and slowly, he smiled at me. Iniwas ko naman kaagad ang aking mga mata sa kaniya at ibinaba ang kamay na nakaturo rito.

WHAT?! Ngumiti ba talaga siya sa'kin?!

"Okay. Thank you, Miss Yesia. You did well"

I just nod at her at dali-daling bumalik sa aking upuan. Krista gave me a smile and complimented me for doing great.

"Zeanra, Raheel Drix"

I looked up and he's standing infront of us now. Ang ganda naman ng pangalan niya, ang unique at ang bango pakinggan.

"Go, Nak."

He sighed before smiling and opening his mouth to talk.

"Cree, Rey, Bell, Vincent, and ... "

My eyes widened when he looked at my direction. Napatingin pa 'ko sa tabi ko, eh, wala naman pala ako nun.

Natigilan ako nang mapagtantong ako ang tinuturo nito. Ha?

"Raine"

HALA? Kilala niya ako?

After that ay inexplain lang ni Mrs. Mendez ang rules and regulations ng school pati na rin ang nasa students agreement kaya maaga kaming pinauwi.

Habang naghihintay ng jeep sa labasan ng school ay naaninag ko sina Drix na palabas. He's with Rey and Bell. I didn't know that he's close with Bell pala, kaya siguro na-mention niya rin si Bell kanina.

"Raine!"

Nakangiti kong binalingan si Bell na siyang papalapit sa akin habang nakasunod naman ang dalawa sa likuran nito

"Pauwi kana?" Tumabi ito sa'kin habang sina Drix at Rey naman ay nag-uusap sa tabi nito.

"May dadaanan lang. Naghihintay nga ako ng jeep."

Tumingin ito sa wrist watch niya, "alas tres pa lang, mamayang alas kwatro pa dumadaan mga jeep dito eh."

"Ah, hihintayin ko na lang."

"Pwede ka namang sumabay samin. Saan ba punta mo?"

"Diyan lang sa may mall, bibili ako ng libro." Nahihiyang sagot ko.

"Sakto, sa mall din punta namin. Manonood kami ng movie, eh. Sabay ka na samin!" Masayang ani nito.

"Sinong sasabay?" Tanong ni Rey kung kaya'y bumaling kami rito. Nang magtama ang tingin namin ay nginitian ko ito na siyang ngumiti rin naman pabalik.

"Uy, ikaw pala! Kanina ka pa ba riyan?"

Hindi niya ba ako napansin kanina? Maybe because nag-uusap sila ni Drix. Napatingin tuloy ako kay Drix na siyang nakatingin din pala sa akin.

Bigla tuloy akong naconscious.

"Ah, oo"

"Si Raine, guys, 'yung classmate natin. Papunta rin siya ng Mall eh, pwede naman siyang sumabay sa atin 'diba?"

Tumango naman kaagad si Rey, "tara na".

Naunang maglakad si Drix na siyang hinabol naman ni Rey. Nasa likuran lang kami ni Krista habang tahimik na nakasunod sa kanila.

Rey parked his car malapit sa shed kung kaya't maraming estudyante ang napatingin sa amin.

I opened the door sa backseat 'saka pumasok na roon. Ang akala ko'y si Bell ang makakatabi ko ngunit hindi pala, it's Drix. Nasa shotgun si Bell at si Rey naman ang magdadrive.

Tahimik lang ako buong byahe, I have nothing to say. Paminsan-minsan nga lang ay nahuhuli kong nakatingin sa'kin si Drix.

Ano ba'ng problema nito?

"We're here." Anunsyo ni Rey pagkatapos nitong mag park sa harapan ng Mall.

"Thank you. Babawi ako sa inyo sa susunod." Nakangiting ani ko pagkababa ng sasakyan.

"Kay Drix ka bumawi, mahal gas eh." Natatawang sagot ni Rey at iginaya si Bell papasok ng Mall.

"You're welcome." Narining kong sabi ni Drix bago ito sumunod sa dalawa. I even heard him chuckled.

Ha?

Pagkatapos kong bumili ng libro at iba pang gamit tulad ng highlighters sa National Bookstore ay naglibot-libot muna ako. Ang aga pa para umuwi.

Napahinto ako ng may madaanan akong sinehan. Now showing 'yung inaabangan kong movie! Napanguso ako nang maalalang sakto lang ang perang dala ko.

Sa susunod na lang. Sigh.

Nang makauwi ay kaagad akong nagbihis. Wala sina mama nang makauwi ako, maybe they went on a date or something.

To : Mama
Ma, nasaan po kayo?

Hindi inabot ng ilang minuto ay nakatanggap na ako ng reply galing kay mama.

From : Mama
wla kmi xa bhay nak .. nnd2 kmi kina tito mu,, uwi kmi jan mamya.. ingatz nak

Muntik ko nang hindi maintindihan, ah.

&. amoribus

Her RestМесто, где живут истории. Откройте их для себя