PROLOGO

380 17 7
                                    


"Kailangan ba talagang magka-baby muna tayo bago natin ituloy ang kasal?" Umiiyak na tanong ko dito dahil ilang beses na akong umasa dito na pakakasalan ako nito.

Ang sabi nito noong una ay pakakasalan ako nito once na ibigay ko ang sarili ko dito, ibinigay ko naman pero hindi ako nito pinakasalan.

Nagbago ang isip nito at sinabi nito na saka nalang namin ituloy ang kasal kapag nabuntis na ako.

Pero ang masakit ay hindi pa rin ako nabubuntis hanggang ngayon. Tatlong taon na kaming magkasintahan at dalawang taon na ring engage pero hindi pa rin matuloy-tuloy ang kasal namin dahil tinututolan iyon ng pamilya nito.

Napahilamos ito sa mukha at para bang naiinis na sa akin. Masama ang tingin na bumaling ito sa akin.

"Oo, kailangan Shayna dahil iyon ang gusto ng pamilya ko. Hindi ka nila matatanggap kung wala kang anak. Kailangan natin magka-baby muna para matuloy ang kasal" wika nito bago nagsindi ng sigarilyo.

"P-pero----"

"Kailangan ulit nating subukan. Magkita tayo mamayang gabi sa hotel, isesend ko nalang ang location kapag nakahanap na ako" wika nito bago lumabas ng aking kwarto.

Natigilan ako sa mga sinabi nito. Nanlulumo na napaupo ako sa aking higaan. Hinayaan kong tumulo ang aking mga luha.

Habang tumatagal kami ni Kean ay unti-unti akong nauubos. Nawawalan na ako ng confident sa aking sarili at hindi ko maiwasang mag-isip.

Paano kung hindi na talaga ako nito mahal?

Paano kung hindi kami makabuo? Iiwan ba ako nito?

May magmamahal pa ba sa akin ng totoo kung ibinigay ko na ang sarili ko? May tatanggap ba sa akin? Ito ang madalas na itanong ko sa aking sarili simula nang ibigay ko ang sarili ko kay Kean.

Akala ko mas mamahalin ako nito kapag ibinigay ko ang sarili ko pero mas naramdaman ko ang paglayo nito noong isinuko ko na dahilan para makaramdam ako ng pagsisisi at kahihiyan para sa sarili ko. 

Pero hindi, alam kong mahal ako ni Kean at alam kong pakakasalan ako nito. Matagal na kami at engage na rin kaya hindi ako nito basta iiwan.

Pero paano kung wala akong kakayahang magka-baby kaya hindi pa kami nakakabuo ngayon?

I can't help but to over think.

Ipinilig ko ang aking ulo at pinahid ang mga luha. Ngumiti akong pilit. "I know this time is the right time. Nararamdaman ko na na makakabuo kami ni Kean at matutuloy na ang aming kasal" Pagpapalakas-loob ko sa sarili.

Pero muli akong nagkamali...

Ngayon ay patuloy akong umiiyak at nagmamakaawa kay Kean habang nakaluhod sa harapan nito.

"B-believe me Kean, I don't know w-what happened" wika ko na gulong-gulo ang isip. Napahigpit ang hawak ko sa kumot na siyang tanging nakatapis sa hubad katawan.

Nakita ko ang pagtatangis ng bagang nito. Inihagis rin nito ang hawak nitong cellphone na siyang nagpapitlag sa akin dahil sa takot. "T*ngina! A-anong gusto mong paniwalan ko? Na nakipags*x ka sa ibang lalaki?" Tanong nito na lalong nagpaiyak sa akin.

"N-no, no. I-I can't do that" Paulit-ulit kong winiwika habang nanginginig ang katawan dahil sa takot. Wala akong ideya sa kung ano mang nangyari.

Galit na inangat ako ni Kean sa pamamagitan ng paghablot sa aking pisngi. Masakit ang ginawa nito pero hindi ko iyon ininda dahil ang isip ko ay sa kung ano ba talaga ang nangyari.

Wala akong maalala.

Tumawa ng sarkastiko si Kean at para bang iniinsulto na ako nito sa pamamagitan ng mga tingin nito. "Hindi ka pa rin ba naniniwala? Damn!" Pilit nitong hinarap ang mukha ko sa loob ng kwarto kung saan naroon ang nakadapang lalaki na naabutan nitong katabi ko. "Now believe it. That is your damn man!" Sigaw nito bago ako marahas na binitawan dahilan para masubsob ako sa sahig.

Patuloy ako sa pag-iyak. Tiningnan ko ang lalaking mahimbing na natutulog sa kama. Hindi ko ito kilala. Wala akong ideya kung sino ito. Isa lang ang napansin ko, may butterfly tattoo ito sa kanang balikat. 

"We're done" wika ni Kean na ikinatingin ko dito. "Let's call it quit. I can't marry the trash woman like you" Dagdag nito na siyang muling nagpahagulgol sa akin.

"N-no, h-hindi pwede. H-huwag mo akong iwan please" Pakiusap ko dito na nagawa pang yakapin ang mga binti nito.

Pero naging matigas ang loob nito. Marahas nitong tinabig ang aking kamay dahilan para muli akong mapatapon. "Damn woman!" Huling salita na binitiwan nito bago ako tuluyang iniwan.

🍀 This is unplanned story pero mukang ito ang magagawa ko after ng TACIMH. What can you say? Btw, thank you for reading! Feedbacks are always highly appreciated. Keep safe everyone! ❤️

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MAHUS: Me And His Unknown SonWhere stories live. Discover now