CHAPTER 13 : JEALOUSY

Start from the beginning
                                    

“ Okay‚ I’ll text you.. ”

“ Ibababa ko na.. ” saad ko.

“ Wait‚ betha... ” hindi niya natuloy kasi binaba ko na.

Hindi ko alam kung bakit ganun ako sa kanya‚ na parang hindi na ako excited na makita siya. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Ano na ba nangyayari sakin‚ bakit ako nagiging ganito.

Bumalik na ako sa kwarto.

Pagkapasok na pagkapasok ko bigla akong sinunggaban niya ako ng halik.

Tinulak ko siya.

“ Not this time Cedrick ‚ may lakad ako.. ” saad ko habang lumalayo.

“ Ano ba yan.. ” saad niya.

Pumunta agad ako sa cr para maligo.

Habang naliligo ako hindi mawala sa isip ko si Jericho. Naguguilty ako sa ginagawa ko‚ na nagsisinungaling ako sa kanya. Siya pa naman ang tumulong sakin nung mga panahon na kailangan ko ng taong karamay. I felt so guilty about what I’m doing.

Maya maya pa ay natapos na ako.

Nagbihis na agad ako.

“ San ka na naman pupunta.. ” saad ni Cedrick.

“ May meeting ako sa Client.. ” pagsisisihan ko.

“ Client nga ba?? ”

“ Client nga.. ” saad ko.

“ Samahan na kita‚ wala naman akong ginagawa.. ”

“ Hindi na.. ”

“ Samahan na kita baka mapano ka pa.. ”

“ Okay lang ako Ced‚ kaya ko magdrive.. ”

“ Pero.. ” hindi ko siya pinatuloy.

“ I can handle myself.. ”

Umalis na ako papunta sa sinabi ni Jericho na lugar. Yung lugar na yun ay yung favorite spot namin dalawa.

Maya maya pa ay nakarating na ako.

I was so happy when I saw him waiting for me.

Lalapit na sana ako ng may lumapit sa kanyang babae.

Nagulat ako kung bakit may kasama siyang iba‚ ang alam ko kami ang magkikita.

Bigla siyang niyakap ng babae‚ kaya napatigil ako. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan‚ bakit ganito an nararamdaman ko. Bakit parang nasasaktan akong may kasamang babae si Jeric. Nasasaktan ako sa nakita ko.

Pinagmasdan ko lang muna sila.

Lumapit ako ng konti para marinig ang pinag uusapan nila.

Narinig ko pang sabi ng babae.

“ Babe I missed you.. ” saad nung babae.

Tapos biglang hinalikan sa pisngi si Jeric.

Pagtingin ko sa mukha ni Jericho‚ nakita kung nagulat siya sa ginawa ng babae. Pero ang ikinagugulat ko‚ nararamdaman kung gusto ni Jericho yung ginawa ng babae.

“ What are you doing here.. ” sabi ni Jericho.

“ Following you?? ”

“ Teka‚ pano mo nalaman na pupunta ako dito.. ”

“ I have many ways Jeric.. ” sabay kindat kay Jeric.

“ Sino ba inaantay mo dito?? ” tanong ng babae.

“ Wala naman‚ nagpapahangin lang.. ” saad ni Jericho.

Nagulat ako sa sinabi ni Jericho‚ kasi sa pagkakaalam ko magkikita kami pero bakit ang sabi niya wala daw.

“ Wala naman pala eh‚ let’s go pasok na tayo.. ” saad nung babae.

“ Dito na muna ako‚ una ka nalang.. ”

“ Let’s goo.. ” sabay hila kay Jericho.

Nagulat ako dahil pagkaharap ng babae‚ nakita ko si Vina. Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ano an mararamdaman ko. Hindi ako makapaniwalang nagkikita sila ni Vina. Sa pagkakaalam ko‚ galit si Jericho Kay Vina pero bakit ngayon nagkikita sila. Hindi ako makapaniwalang makita ko sila ng magkasama.

Pagtingin ko sa direction nila nagulat ako sa nakita ko. Naghalikan sila‚ pagkakita ko kay Jericho hinayaan niya lang na halikan siya ni Vina. Hinayaan niya lang na gawin sa kanya yun ni Vina.

Hindi ko mapigilan maiyak sa mga nakikita ko‚ sobrang nasaktan ako sa nakikita ko. Parang bumabalik lahat ng trauma ko dahil sa nakita ko. Naalala ko na naman yung nangyari samin nila Vina. Nung mga panahon na pinalayas ako at pinagkakaisahan nila. Nung mga panahong niloloko nila ako ng patago. Lahat bumabalik sa isip ko‚ kaya napaiyak ako.

Iniwan ko silang dalawa dun at umalis. Hindi ko na rin kaya yung mga nakikita ko.

Nagbyahe ako papunta sa bahay na umiiyak.

Pagkadating na pagkadating ko sa bahay‚ pumasok agad ako sa kwarto ko.

“ Kamusta lakad mo.. ” hindi natuloy ni Cedrick ang sinabi niya dahil pumasok agad ako sa kwarto at sinira ang pinto.

Humagulgol ako ng iyak habang hawak hawak ko ang unan. Sobrang nasasaktan ako sa nakita ko kanina‚ hindi ko akalain na magagawa ni Jericho sakin yun. Na magsisinungaling siya sakin‚ na hindi siya nagsabi sakin. Hindi ko akalain na aabot kami sa ganito.

Natigil ako dahil narinig kung tumunog yung cellphone ko.

Nakita kung tumawag si Jericho sakin.

Hinayaan kung siya na tumawag‚ hindi ko sinagot baka ano pa ang masabi ko kanya. Pinatay ko yung cellphone ko at humiga nalang.

Maya maya pa ay pumikit na ako at natulog.

BOOK 1 : BROKEN PROMISES [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now