CHAPTER 35 : FINALE

81 3 0
                                    

BETHANY’S POV

Bigla akong nagising‚ pagkamulat ko nakita ko si Cedrick na nakahiga sa tabi ko. Yakap yakap niya ako habang natutulog siya. Pagkakita ko sa mukha niya‚ alam kung galing siya sa iyak.

Napapaisip ako bigla na baka totoo nga sinabi niya.

Hinawakan ko yung buhok niya at hinaplos.

“ Sana nga totoo sinabi mo Cedrick.. ” saad ko.

Maya maya pa ay nagising na siya.

“ Gising ka na pala‚ kumain ka muna baka nagugutom ka na.. ” sabay kuha ng pagkain.

Pinakain niya ako‚ nakatitig lang ako sa kanya. I can see the love in his face‚ the way he take care of me I can feel that his literally sincere.

--------------

Weeks has passed‚ unti unti ko nang naaalala lahat. Lahat ng sinasabi ni Cedrick sakin‚ lahat yun ay totoo. Nung una hindi ako naniniwala pero dahil bumabalik na yung alaala ko naniniwala ako sa kanya.

Ngayon na yung schedule ko para lumabas. Sabi ng doctor maayos na raw ako at pwede na raw ako lumabas.

“ Love‚ are you ready?? ” tanong sakin ni Cedrick.

“ I guess.. ” tanging saad ko.

“ So let’s go‚ naghihintay na sina mama satin sa bahay.. ” saad niya.

Dinala niya agad yung mga gamit ko.

Lumabas kami‚ nakahawak lang siya sakin.

Papalabas na sana kami‚ nang biglang may nakita akong familiar na tao.

“ Wait love‚ susunod ako.. ” saad ko.

“ Okay‚ sunod ka ah.. ” saad niya.

Umalis na siya at naiwan ako.

Pinuntuhan ko kung saan yung nakita ko.

Nang makapunta ako‚ kilala ko nga talaga siya.

Lumapit ako sa kanya.

“ Jericho?? ” tawag ko sa kanya.

Bigla siyang tumingin sakin.

“ Exuse me miss‚ hindi po ako Jericho.. ” saad niya.

Bigla akong napatigil sa sinabi niya.

Hindi talaga ako magkakamali‚ siya talaga si Jericho. Siya yung nakikita ko sa panaginip ko‚ pero bakit hindi Jericho ang pangalan niya.

Umalis na agad siya at ako naiwan.

“ Bakit ba hindi kita makalimutan Jericho.. ” bulong ko.

Maya maya pa ay pumunta na ako sa kotse.

“ Let’s go love.. ” saad ni Cedrick.

Tumango lang ako‚ tapos pinaandar na niya.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa bahay.

Sinalubong agad ako nina mama at papa.

“ Anak ko‚ namimiss kita.. ” sabay yakap sakin.

“ Namimiss din po kita ma.. ”

“ Mabuti naman at nakalabas ka na anak.. ” saad ni papa.

Ngumiti lang ako sa kanila.

Pumasok na kami sa loob at ako naman pumunta sa kwarto ko.

Pagkadating ko sa kwarto ko‚ parang may naaalala ako.

Naaalala ko na may tinatago akong picture namin ni Jericho sa may gilid.

BOOK 1 : BROKEN PROMISES [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now