CHAPTER 9 : ONE NIGHT STAND

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ako makapaniwalang pumayag si Bethany na tumira yang lalaking yan‚ wala naman sa plano namin na titira yan sa bahay niya. Kaya until now‚ hindi ko pa naiintindihan.

Biglang tumingin sakin si Bethany. Sinenyasan niya ako na umalis na. Nasaktan ako sa ginawa niya na pinaaalis niya ako. Ayoko namang iwan siya kasama ng manlolokong lalaking yun.

Aalis na sana ako ng biglang hinalikan bigla ni Cedrick si Bethany.

Bigla akong natigilan‚ sobrang sakit ng puso ko sa nakikita ko. Nasasaktan ako sa nakikita‚ ayokong makita siya na may kahalikan na iba. Hindi ko mapigilang maiyak sa mga nakikita ko. Kaya umalis ako at iniwan nalang sila.

Habang nasa sasakyan ako‚ umiiyak ako. Sinusuntok suntok ko yung manobela ng sasakyan ko.

Sobrang nasasaktan ako sa mga nakikita ko. Hindi ko alam ano ang mararamdaman ko. Para akong sinaksak ng paulit ulit sa puso. Bumabalik lahat ng alaala ko‚ lahat ng naranasan ko kay Vina. Nagflashback lahat sa utak ko‚ kaya hindi ko mapigilang maiyak. Parang bumalik ng lahat ng sakit na naramdaman ko noong panahong niloloko ako nina Cedrick at Vina. Alam mo yung parang paulit ulit ka na sinasaksak ng kutsilyo sa puso ganun yung nararamdaman ko.

Maya maya pa ay pinaandar ko agad yung kotse ko at binilisan.

Hindi muna ako umuwi sa bahay‚ dumeretso ako sa bar para mawala ko yung lungkot na nararamdaman ko ngayon.

Pumasok agad ako at nag order ng beer.

Uminom ako ng uminom hanggang sa nalasing ako.

May lumapit sakin na babae na parang familiar sakin. Hindi ko mawari kung sino pero parang familiar siya sakin.

Bigla niya akong dinala sa kwarto.

Pagkadating na pagkadating namin sa kwarto bigla niya akong sinunggaban ng halik‚ dahil lasing na rin ako nilabanan ko yung halik niya. Sa panahong ito nag eenjoy ako‚ biglang nawala yung lungkot na nararamdaman ko. Naghalikan kami ng naghalikan‚ we kissed all night.

Maya maya pa ay nahilo na ako at nakatulog.

-------------

Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko.

“ AHHHHHHHH.. ” sigaw ng babae.

Pagkagising ko nagulat ako ng makita ko si Vina‚ katabi ko siya sa pagtulog.

“ V-Vinaaa?? ” gulat kung sabi.

“ Jerichooo?? ” saad niya.

Biglang nagflashback yung nangyari samin kagabi‚ halos hindi ako makapaniwalang nakipagbalikan ako kay Vina. I remember all happenings last night.

Bigla akong tumayo at aakmang aalis.

Pero bigla niya akong hinawakan.

“ Where do you think you’re going?? ” saad niya.

“ Aalis na ako.. ”

Magsasalita na sana ako ng bigla niya akong hinalikan.

Nagulat ako sa pangyayari kaya natulak ko siya.

“ ANO BA VINA‚ TUMIGIL KA NGA!! ”

“ Hindi mo ba gusto?? ” tanong niya.

Bigla na niya naman akong hinalikan‚ pero this time bigla ko siyang tinulak.

“ Ano ba aalis na ako.. ” saad ko.

Aalis na sana ako bigla siyang nagsalita.

“ Parang hindi ka nag enjoy kagabi ah.. ” saad niya.

Napatigil ako sa sinabi niya.

“ Lasing ako nun.. ” saad ko.

“ But still may nangyari satin.. ”

“ Last night was a mistake!! ”

“ Mistake? Nakikita ko ngang nag enjoy ka eh.. ” ngisi niyang sabi.

“ Lasing ako nun‚ aalis na ako.. ”

“ Bat kilala mo si Bethany.. ” saad niya.

Nagulat ako sa sinabi niya.

“ Sino si Bethany?? ” pagsisinungaling ko.

“ Bethany ka ng Bethany kagabi‚ sino yun?? ”

“ Baka naman magkakakilala kayo ng hampaslupa na yun.. ” sad niya.

“ Shut up!! ” saad ko.

“ Ow‚ ikaw ba yung new lover boy ng babaeng yun?? ”

“ Hindi ko siya kilala!! ” saad ko.

“ Sinungaling.. ”

“ Aalis na ako.. ”

“ Kung hindi mo siya kilala‚ sino yung nasa wallpaper ng cellphone mo?? ” saad niya.

Bigla akong napalunok sa sinabi niya. Naaalala ko na si Bethany pala yung wallpaper ng cellphone ko.

“ Bakit mo pinakaelaman yung gamit ko.. ”

“ Hello‚ hindi ko pinakaelaman.. ”

“ Bakit mo nakita?? ”

“ Eh pano tawag siya ng tawag kagabi.. ”

Lumaki yung mata ko sa sinabi niya‚ tiningnan ko agad ang cellphone ko at nakita ko siya ang daming missed call galing kay Bethany.

“ Aalis na ako.. ”

“ Thank you for last night‚ I enjoy.. ” saad niya.

Umalis nalang ako at iniwan siyang mag isa. Dali dali akong nagdrive at pumunta agad sa bahay. Habang nasa byahe ako tinatawagan ko si Bethany pero out of coverage. Hindi ko siya ma contact.

“ Pick up your phone Bethany.. ” bulong ko.

Nakarating ako sa bahay pero hindi ko parin na contact si Bethany.

Tinext ko nalang siya.

“ Are you okay Bethany? ” text ko.

Maya maya pa ay may biglang may nagtext.

“ I’m okay.. ” text niya.

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya‚ akala ko na napano na siya. Lalo na’t nandun yung asungot na si Cedrick.

Hanggang ngayon masakit parin ulo ko kaya napagdesisyonan kung matulog na muna para magpahinga.

Maya maya pa ay nakatulog na ako.

BOOK 1 : BROKEN PROMISES [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon